EPILOGUE

1K 40 19
                                    

Eunha's Pov

*KRING*

Napabalikwas ako sa kama ko nang marinig ang nakakarinding tunog na yun. Sumandal ako sa headboard ng kama ko at isinuot ang eyeglass ko t'saka dinampot ang cellphone kong ring ng ring.

*Calling.... SADAKO*

Tinatamad aking sinagot ang tawag ni Ms. Sevilla ang head ng mga assistant na kagaya ko sa company na pinagtratrabahuan ko which is company ni Mommy.
Sadako ang name niya sa contact ko kasi she creeps me out every time we met.

"Yes ma'am goo-----"

(WHERE ARE YOU? DON'T TELL ME KAGIGISING MO LANG?)

Hindi naman nakaloud speak ang call pero kahit Malayo ang cellphone sa tainga ko ay dinig na dinig ko siya.
Narealize ko ang sinavi niya. Nasapo ko ang noo ko at nakagat ang ibabang labi ko.

Damn it! How did I forgot!

Of course not ma'am! I'm on my way! Naipit lang ako sa tr-----"

(Wala akong pake! In 5 minutes at wala ka pa dito, you're dead!)

*TOOT*TOOT*

Agad akong napatakbo sa CR at nagmadaling magbihis

.................

As expected nilunok lang ni Sadako yyng sinabi niya. Pagdating ko kasi doon ay nandun si Mama, si mama ang chairwoman ng kumpanya na pinagtratrabahuan ko. Halos lahat ng empleyado sa kumpanya ay alam na anak niya ako kaya naman kung ituring nila ako ay mabait pa sa mabait except kay sadako este Ms. Sevilla.
Ewan koba napaka-init ng dugo niya saakin, if I know insecure lang sa taglay kong kagandahan, charotttt. Business Administration graduate ako taliwas sa kinuha kong track and strand nung senior high ako na tech-voc. Ewan ko ba, feeling ko kasi mas bagay ako dito, wala kasi akong alam sa mga gawaing bahay. Kung hindi lang naman ako pinakiusapan ni mama na mag-intern sa company namin hindi talaga ako papasok dito eh.

"Okay that's all for today!" Napangiti ako ng konti, sawakas at natapos din. Nagsitayuan na ang mga lahat kasama ako maliban kay mama. Aalis na rin sana ako nang magsalita ito.

"Ms.Jung stay! May pag-uusapan tayo." Naupo akong muli sa pwesto ko, tatlo nalang ang tao sa loob ako, si mama at si Sadako.

"Narinig mo naman na siguro na nag-retire na ang Manager ng video department natin diba? " Tanong ni Mama, teka iniisip niya bang ako naang mamahala nun? Gosh! Hindi na ako mag-xexerox ng mga kung ano-ano? Hindi narin ako bibili ng mga kape ng officemates ko? Hindi na ba ako magiging utusan?

"Thank you Ma! Thank you talaga! I'm pretty sure na mapapamahalaan ko ang video department! Magtratrabaho ako ng mabuti!" Masya kong sabi, ngumiti si Mama ng matamis.

"Then good, you should prepare your self tomorrow!" Wait? Hala! Bukas na agad? Grabeeee!

"Mag-ayos ka ng bongga ha! Para magustuhan ka agad ng boss mo! Balita ko kasi masungit daw yun! "
Tiningnan ko si Sadako, anong boss ang sinasabi niya? Akala ko ba ako ang boss?
Lumipat ang tingin ko kay mama.

"Don't be late tomorrow kung ayaw mong mabulyawan ka sa umaga!" Ani ni Mama, teka nga! Naguguluhan ako eh!

"What exactly my job is?" Kunot noo kong tanong, nagtinginan ang dalawa at sabay na humarap saakin.

"Assistant!" Sabay nilang sabi, f*ck! Bakit? Tiningnan ko si mama ng may pagtataka.

"Don't give me that kind of look dear! Remember what you've said earlier!"

.
.
.
.
.
.

"Hey! Hindi kapa ba uuwi?" Tanong ni Mina kapwa intern ko.
Napatingin ako sa relo ko, shook 9pm na pala!

HOUSEMATES ( Completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon