EUNHA's POV
Tumingin ako sa wallclock ng kwarto ko.
7:50 am na. Ba't kaya hindi pa lumalabas yung si Jungkook sa kwarto niya?
Di naman siya puyat eh. Di pa kasi nagtetext saakin ng good morning e dati-dati naman laging may text saakin pag-umaga. Tapos tatalon dyan sa veranda ko para sabay kaming lumabas ng bahay para pumasok.
Dahil nabobored ako kakaantay ay dumapa muna ako sa kama ko.
Binuksan ko yung account ko sa Facebook at magbrobrowse muna ako.
Habang nagsscroll ako sa newsfeed ko napatigil ako sa post ng Relationship Goals👉Kayo na diba? Kailan at saan niyo balak magfirst date?👈
Napaisip akong bigla. First date, oo nga 1 week nang kami pero wala pa kaming first date eh. Hindi naman kasi ako niyaya ni Jungkook eh. Nakakahiya naman kung ako mismo ang magyayaya sa kanya, eh babae ako.
*TOK*TOK*TOK*
Nilinga ko ang pinto."Sino yan?" Tanong ko habang bumabangon.
"Si Yerin toh!" Pinagbuksan ko siya ng pinto.
"Sasabay ba kayo ni Jungkook?" Tanong niya."Hindi pa ba siya lumalabas ng kwarto?" Tanong ko at sumilip sa katabi kong kwarto.
"Hindi pa nga eh! Akala ko nga andyan siya sa kwarto mo."
"Wala siya dito! Sige mauna nalang kayo. Susunod nalang kami." Sabi ko kay Yerin.
"Ok. Take care!" Sabi niya at bumaba na ng hagdan. Lumabas ako sa kwarto ko at isinara iyon. Huminto ako sa tapat ng kwarto ni Jungkook at kumatok.
*TOK*TOK*TOK*
Walang sumagot.
*TOK*TOK*TOK*
Ulit ko pero wala paring sumasagot. Pinihit ko yng door knob. Hindi nakalock."Jungkook! Pasok na ako ah!" Sabi ko at binuksan yung pinto. Madilim sa kwarto niya. First time kong makapasok sa kwarto niya. Hinanap ko yung switch ng ilaw at binuksan iyon. Napairap ako nang makitang nakahilata pa si Jungkook sa kama at balot na balot ng kumot.
"Yah! Gumising kana diyan!" Kunot noo kong sabi. Hindi parin siya gumagalaw nakatalukbong pa siya. Tiningnan ko yung aircon hindi naman nakatodo yung lamig eh.
Niygyug ko yung balikat niya."Jungkook! Late na tayo!" Sabi ko. Hindi parin ito gumagalaw. Kinabahan ako dun.
Agad kong tinanggal yng kumot sa mukha niya at nagulat sanakita ko. Pawis na pawis si Jungkook."Yah!May lagnat kaba?" Tanong ko. Umupo ako sa gilid ng kama niya at hinipo yng noo niya.
" AISH! Bakit dika nagsasabing nilalagnat ka pala!" Sabi ko at pinunasan yung pawis niya sa noo gamit ang kamay ko.
Tinapik ko siya sa pisngi.
"Hey! Open your eyes just once!" Sabi ko. Gumalaw naman yung talukap niya kaya nakahinga ako ng maluwag."Eunha!" Mahina niyang sabi nang nakapikit padin. Iniangat niya ang kanan niyang kamay at hinawakan ang kamay ko na nasa pisngi niya. Dahan-dahan nsiyang dumilat. Ang lamya ng mga mata niya at maputla din siya.
Humigpit yung hawak niya sa kamay ko."Jungkook kukuha lang ako ng panglinis at magluluto lang ako ng soup!" Tatayo nasana ako nang hinigpitan pa niya lalo ang hawak sa kamay ko.
"Don't leave me please! I'm begging you!" Mahinang sabi ni Jungkook na naluluha.
Hinaplos ko yung pisngi niya."Babakik ako! I promise!" Sabi ko at hinalikan siya sa noo. Ngumiti ako ng kaunti.
"I promise!" Tumango si Jungkook at dahan-dahang binitawan ang kamay ko. Nagmadali akong bumaba sa kusina.'Oh crap! I don't know how to cook!" Natataranta kong bulong habang tinitingnan ang mga laman ng ref. Agad kong nilabas ang cellphone ko at nanghingi ng tulong kay google.
Nang makapagsearch ay nagsimula na akong magluto. It's my first time to cook! And worse hindi k alam ang kakalabasan ng niluluto kong porridge.
Kumuha ako ng kutsara at tinikman yung niluto ko.
BINABASA MO ANG
HOUSEMATES ( Completed)
FanfictionKwento tungkol sa magkakaibigan na babae at lalaki na titira sa iisang bahay dahil sa isang hindi malamang dahilan. Ano kayang mangyayari kapag tumira silang lahat sa iisang bahay May magaganap bang WAR, PEACE, or LOVE?