Chapter 45

629 34 5
                                    

No One's Pov

Isang malakas na palakpakan ang namayani sa loob ng gymnasium nang matapos ang opening remarks ni Celestia Jung ang isa sa mga may-ari ng school na siyang Ina rin ni Eunha.

"And now are you ready to see our lovely candidates?" Ani ng MC na si Mr.Dizon.

"WAHHH!" Tugon ng mga estudyante.  Habang abala ang lahat ay hindi naman mapakali si Jungkook kakatingin sa kanyang cellphone. Hinihintay kasi niyang magtext o tumawag si Eunha. May isasagawa kasi itong surpresa para dito. Napatingn siya sa kanyang cellphone nang may magtext. Unregistered ang number na ipinagtaka niya. Binuksan niya ang mensahe at isang matamis na ngiti ang sumilay sa kanyang labi.

From: 0928*******
-Where are you? Nasa bahay ako ni Mommy, would you mind kung sunduin mo ako ngayon? It's Eunha BTW-

Mabilis pa sa alas kwatrong tumakbo si Jungkook papunta sa parking lot at sumampa sa motorbike niya. Bago niya ito pinaandar ay dinial niya ang bagong number ni Eunha ngunit natapos ang pagring nang hindi nito sinagot. Inisip nalamang ni Jungkook na baka may ginagawa ito.

Nang makalabas ng school si Jungkook ay ang siya namang pagpasok ng hapos na hapos na si Eunha.

Sa isang sulok ay napangiti ang isang babae

"Hindi kayo magiging masaya! Hindi ako papayag!" Ani nito at ibinulsa ang cellphone na kanyang hawak.

Eunha's Pov

Nasapo ko ang magkabila kong tuhod nang marating ko ang school. Nilipad pa ng bahagya ang nakalugay at maiksi kong buhok dahil sa motor bike na kumakaripas ng takbo. Hindi kona lang iyon pinansin at nagmadaling magtungo sa Gymnasium.
Naiintindihan kona ang lahat. Maliwanag na saakin, ang tanga ko dahil hindi ako nakinig sa mga paliwanag nila. Pinairal ko ang pagka-selfish ko. Hindi si Jungkook ang nanakit saakin kundi ang sarili ko. Naniwala ako sa kasinungalingan. Nagtiwala ako sa hindi ko naman kilala kaya ito ang kinahantungan isang malaking gulo na puro kasinungalingan ang laman.

*Flashback*

Ngumiti si Sinb saakin.

"I'm really sorry! Sorry Insan!" Paghingi ko ng tawad muli.

"Ano ka ba! Okay na yun! Nakailang sorry kana saakin! Oo nga pala! Kailangan mong pumunta sa school ngayon!"
Ani ni Sinb.

"Bakit?" Tanong ko,

"Lokaret! Pageant ngayon! Tumakas nga lang ako sa school eh para personal kang makausap!"

"Oo nga pala! Nandun din ba si Jungkook?" Tanong ko,

"Oo! He'll be there! Kailangan niyong magkaayos kaya Fighting!" Ani pa nito, ngumiti ako at niyakap ko siya.

"Salamat Sinb!" Hingpitan ko ang yakap ko.

"Oo na! Tama na nga ang drama baka mastress ako matalo pa yung section natin!"
Pagbibiro ni Sinb, humiwalay ako sa yakap at tumayo kami hibatid ko siya hanggang sa gate ng bahay.

"Mag-ingat ka!" Sabi ko dito

"Oo, pumunta ka ha! Madaming may gustong makakita sayo dun kaya don't disappoint us! Bye na!" Nagflying kiss ito bago sumakay sa kotse. Kumaway naman ako habang paalis na ang kotse. Mabilis akong nagayos at naghalungkat ng magandang damit na isusuot ko. Nang makahanap ako ay nagayos ako ng todo todo. I'm so excited that I want to see him already. Yung isang lingong lumipas na yun. Para akong namamatay dahil miss na miss ko siya. Yung mga pagpapatawa niya, yung boses niya, yung yakap niya, yung mga halik niya and specially yung buong siya. Yung buong Jungkook na mahal na mahal ko. Halos tatlong oras akong naghanda para sa lakad ko. Muli kong tiningnan ang sarili ko sa harap ng salamin.

HOUSEMATES ( Completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon