SPECIAL#3

834 36 2
                                    

Yuju's Pov

Napaupo ako sa upuan sa subway. Nakakapagod 'tong araw na 'to.

Hindi pala talaga madali ang trabaho. Graduate ako ng HRM at dahil isang taon palang ako sa industriya ay hindi ako kaagad aangat.

I learned that I need sipag and tiyaga for me to have a nilaga. Nagtratrabaho ako ngayon sa isang Hotel and naka-assign ako sa housekeeping.

I  never thought na maglilinis ako ng kubeta sa tanan ng buhay ko. But it was fine, balang araw aangat din ako.

*BEEP*

Napatingin ako sa kotseng tumigil sa harap ko. Bumaba ang windshield nito at tumambad ang mukha ng lalaking minamahal ko. (Cheesy ni Yuju!😂)

Gulo-gulo ang buhok nito at naka-loose din ang necktie. Gaya ko ay mukhang pagod din siya.

Sumakay na ako sa kotse. Napatingin ako sa kanya ng may tipid na ngiti.

"Ayos ka lang?"

Tanong ko sa kanya. Tumango ito t'saka binuhay ang makina ng sasakyan.

"Ikaw? How's your work?"

Tanong niya ng hindi man lang ako tinatapunan ng tingin. Pinatakbo na niya ang sasakyan. Hindi ko parin inaalis ang tingin ko sa kanya.

"Okay lang, medyo nakakapagod nga lang!"

Hindi ko alam pero naiinis ako dahil bakit ang cold niya ngayon? Hindi naman siya ganyan kagabi?

"May problema ba?"

Tanong ko sa kanya pero umiling lang siya.

Baka pagod lang siya sa trabaho. Pagod din naman ako sa trabaho ah, pero kaya ko naman isantabi yun.

"Babe! Alam ko may problema ka! Sabihin mo saakin! I'm willing to listen!"

"Wala nga! Ba't ang kulit mo?"

Umurong ang dila ko sa pagtaas ng boses niya. Kung wala bakit ganyan siya? Bakit ang sungit niya? May period ba siya?

Napatingin ako sa labas. Naiiyak na kasi ako eh. Hindi ako sanay na ganito kaming dalawa. Hindi ako sanay na ganyan siya.

"Paki-hinto nalang dyan sa gilid! Bababa ako! May naiwan ako sa hotel."

Mahinahon kong sabi ng hindi siya tinitingnan. Ilang segundo na ang lumipas pero hindi niya parin hinihinto yung sasakyan kaya tiningnan ko siya.

"May naiwan ako!"

Mahinahon ko paring sabi pero, lumukot lang ang noo niya at tuloy parin sa pag-dridrive. Hindi lang pala siya masungit ngayon! Bingi narin.

"Ano ba! Ihinto mo sabi eh!"

Napansin kong humigpit yung hawak niya sa manibela.

"Bukas mo nalang kuhanin! Pagod na ako ayoko nang bumalik!"

"Hindi naman kita pababalikin! Kung pagod kana edi ihinto mo na 'tong sasakyan na 'to! Kung pagod ka pagod din ako! Mas nakakapagod ka pa sa trabaho, bakit ba kasi sinundo mo pa ako! Ihinto mo na!"

Tumaas din ang boses ko dala ng pagkainis. Kinakausap ko naman siya ng maayos tapos pakikitaan niya ako ng sumpong niya! Aba naubos din ang pasensya ko!

Inihinto niya nga ang sasakyan sa isang tabi.

Akala ko pipigilan niya ako pero ilang segundo na ang nakalipas wala pa rin. Ni-hindi nga ako tinatapunan ng tingin.

"Ingat!"

Sabi ko at tuluyan nang lumabas sa sasakyan at naglakad pabalik. Ang totoo wala naman talaga akong naiwan. Feeling ko kasi hindi ako makahinga dahil sa atmosphere sa ugali ni Jimin.

HOUSEMATES ( Completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon