CHAPTER 30

1.1K 70 11
                                    

Eunha's Pov

1 week! Oo isang linggo na akong hindi pinapansin ni Jungkook simula ng gabing iyon. Hindi ko alam kung ano bang ginawa ko at bakit niya ako iniiwasan. Sobrang aga na niyang pumasok sa school hindi niya na ako tinitext,. ni kahit sulyapan hindi niya rin magawa. Dahil ba dun sa Hinalikan ako ng Jb na yun kaya hindi niya ako pinapansin? Dahil ba sa halik na yun? Hindi ko naman ginusto yun ah! Nandiri ba siya saakin? Ang hirap naman ng ganito? Magkagalit kami tapos siya lang ang may alam kung bakit? Unfair masyado. Kapag nasa klase naman minsan tulog minsan, cutting. Kapag tinatanong ko ang boys kung saan pumupunta si Jungkook wala silang masagot kundi kibit ng balikat lang.
Ano ba kasing atraso ko sa kanya at pinahihirapan niya ako ng ganito. Nasasaktan ako ng sobra, miss na miss kona din siya. Tiningnan ko yung keychain ng bag ko na stufftoy cookies ang porma nito habang yung hamster na keychain naman ay nakay Jungkook.

"What's your problem?" Kitams pati keychain kinakausap kona. Tumingala ako para pigilan yung luha ko na patulo na.
Tumayo na ako mula sa pagkakaupo sa aking veranda at lumabas sa kwarto. Pagbaba ko sa sala nakapatay na ang ilaw baka tulog na ang lahat. I did not bother to open the lights dahil may naaaninag pa naman akong liwanag coming from the kitchen. Pagkadating ko sa kitchen ay binuksan ko agad yung ref at kinuha dun ang sterelized milk tsaka nagsalin sa baso. Umupo ako sa upuan ng dining table at ininom ang gatas.
Hay... Napabuntong hininga na lang ako.
Napalinga ako sa sala ng may marinig akong yabag mula sa hagdan.

"Sino yun?" Bulong ko tsaka tumayo. Ibinaba ko dn yung baso bago tumungo sa living area. Nakakita ako ng lalaki sa ma front door ng bahay at bubuksan na sana niya ang pinto nang magsalita ako.

"Who's that?" Tanong ko dahil hindi ko makita ang mukha niya, madilim kasi.
Mga ilang segundo ang lumipas bago siya humarap saakin kaso hindi ko parin makita ang mukha niya kaya humakbang ako palapit.

"It's me!" Napahinto ako sa paghakbang. Kahit mahina yun narinig ko ang napakapamilyar na boses na yun.

"Jungkook! Where are you going?" Tanong ko.

"I have something to do! It's late now! Matulog kana!"

"San ka pupunta? Anong gagawin m-----"

*Door Closed*

Para akong nabuhusan ng malamig na tubig sa ginawa niya. Did he just shut the door while we're talking? He's cold as Ice, no he's colder than ice!

"Ano b-bang p-problema mo?" Nag-crack pa yung boses ko dahil tumutulo na yung mga luha ko.
How could he do that?

*TWO WEEKS LATER*

Lumabas ako sa kwarto ko. Tumingin ako sa katabi kong kwarto. Pumasok na naman siguro ng maaga yun.
Bumaba na ako, naabutan ko sa sala ang lahat except kay Jungkook. Namimiss kona siya.

"Una na ako guys!" Paalam ko dahil wala pa atang balak ang lahat na pumasok dahil medyo maaga pa.

"Hindi ka nanaman ba sasabay?" Tanong ni Yerin at kumapit sa braso ko.

"I want to be alone again!" Sabi ko at ngumiti ng tipid. Bumitaw siya sa braso ko.

"Nakapag-usap na ba kayo?" Tanong niya, umiling ako bilang tugon.
"Hayst! Bakit hindi pa?"

"Yerin! I don't want to talk about that now! I'm going!" Paalam ko at naglakad na palabas ng bahay.
Isinalpak ko yung earphone sa tenga ko a nakinig ng music.

NP: Gone with the Wind
SB: Yeoja Chingu (Gfriend)

Feeling ko loner nanaman ako. Bumalik nanaman ako sa dati. Laging gusto na mag-isa, cold, mataray, at Loner pero this time mas mahirap na. Andiyan nga siya nakikita ko siya pero para lang akong hangin sa kanya. Hindi niya ako matungnan man lang. Sobrang nako-confuse ako.
Napapikit nalang ako habang dinadama ko ang chorus part ng kantang pinakikinggan ko.
Para kang hangin na umihip lang tsaka nawala na agad.

HOUSEMATES ( Completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon