Jhope's PovNapatigil ako sa paglalakad sa tapat ng isang convenience store. Bigla kong naalala yung unang gabing naging kami ni Sinb. Pumasok ako sa loob at bumili ng ice cream t'saka umalis. Naabutan ko sa sala ng bahay si Yerin, Taehyung, Eunha, Jimin, Sowon at Yuju na nanonood ng movie. Mga nakatutuk ang lahat kung kaya't hindi man lang nila ako naramdamang dumating. Dumiretso nalamang ako sa itaas at tumigil sa tapat ng kwarto ni Sinb. Kakatok na sana ako nang may marinig akong boses ng lalaki galing sa loob ng kwarto ni Sinb. Hindi malinaw saakin ang usapan nila ngunit hindi maganda ang pakiramdam ko. Nang mapansin kong gumalaw ang door knob ay mbilis akong pumasok sa katabing kwarto which is my room. Iniawang ko ng kaunti ang pinto and there I saw him coming out from Sinb's room. Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko sa mga oras na yun. Pinili kong maging kalmado hangga't hindi ko pa naman alam ang nangyayari. Nang makaalis ako ay lumabas ako kaagad sa kwarto ko. Huminga ako ng malalim bago kumatok. Naka-ilang katok ako pero walang sumagot. Triny kong pihitin ang door knob at hindi ito naka-lock. Dahan dahan ko iyong binuksan at sumilip sa loob pero wala akong nakitang Sinb. Tuluyan na akong pumasok at doon ko narinig ang tunig ng running water. Maybe naliligo siya, pero... Napailing ako, ano ba tong iniisip ko, kahit kailan talaga! Napatingin ako sa Ice cream na dala ko. Inilapag ko iyon sa Side table niya kung saan katabi ng cellphone niya.
*BEEP* Kumunot ang noo ko nang makita kung kanino galing at kung ano ang laman ng mensaheng iyon.
Hindi ko ugaling mangialam ng gamit, hindi ko lang sinasadyang mabasa iyon dahil biglang nag-pop up sa notification niya..........................
No One's Pov
Napabuntong hininga nalamang si Eunha habang palabas ito ng gate. Wala siyang ganang pasukan ang Literature subject niya kaya minabuti nalamang niyang mag-malling.
Habang nasa book store siya ay nakabungguan niya ang isang matangkad na babae. Tiningnan niya ang kabuuan nito. May pagka-morena ito, maganda ang mukha at medyo kulot ang buhok.
Pupulutin sana niya ang librong nahulog niya nang unahan siya ng babae. Iniabot ito ng babae sa kanya."Pasensya na ha!" Nakangiti nitong turan sa kausap. Ngumiti ng bahagya si Eunha.
"Okay lang!" Sagot ni Eunha at aalis na sana nang.......
"EUNHA!" Napatingala si Eunha dahil sa lalaking bigla nalang umakbay sa kanya.
"Mingyu?" Nakangiti at gulat nitong sabi sa kaibigan.
"Oh! Na starstruck ka noh! Sabi ko na nga ba't nabibighani ka pa rin sa kagwapuhan ko eh!" Kumunot ang noo ni Eunha tinabig ang kamay ni Mingu kung kaya't napabitaw ito sa pagkaka-akbay sa kanya.
"Ewan ko sayo!" Mahinang turan ni Eunha.
"Teka mag-isa ka lang? Asan si Jungkook?" Tanong ni Mingyu.
"Busy siya eh! Ikaw may kasama ka ba?" Tanong naman ni Eunha.
Liningon ni Mingyu ang babaeng nasa likuran niya lamang na siya ring nakabunggo ni Eunha."Her! She's my------"
"Girlfriend?" Nakangiting tanong ni Eunha. Namilog pareho ang mga mata ni Mingyu at nang babae.
"Ah hindi! Nagkakamali ka! Ako si Tzuyu (Chuwi) Assis-----"
"Maid ko yan!" Tumaaa ang kilay ni Eunha samantalang napanguso naman sa inis si Tzuyu dahil sa sinabi ni Mingyu.
"Maid? Are you kidding me? Hindi kana bata fof that! And beside Tzuyu doesn't look like a maid! She's gorgeous, by the way I'm Eunha! I'm his friend!" Pakilala ni Eunha at iniabot ang kamay sa kausap tanda na naagpapakilala ito.
"Ang ganda naman ng pangalan mo at ikaw rin gorgeous ka din!" Komento ni Tzuyu.
"Huwag ka maniwala diyan kay Eunha! Kabaliktaran ang ibig niyang sabihin!" Umirap si Eunha.
BINABASA MO ANG
HOUSEMATES ( Completed)
FanfictionKwento tungkol sa magkakaibigan na babae at lalaki na titira sa iisang bahay dahil sa isang hindi malamang dahilan. Ano kayang mangyayari kapag tumira silang lahat sa iisang bahay May magaganap bang WAR, PEACE, or LOVE?