Isang linggo na ang nakalipas mula nang makita ko si Leone. Isang linggo ko na rin siyang naiisip. Inaasar nga ako ni Jaimie eh, grabe daw pala ako mahumaling sa lalaki.
Mahumaling talaga? Pwede namang crush lang di ba? Humahanga, ganon. Deserve niya naman yun dahil gwapo siya.
Naglalakad lakad ako ngayon dahil break time. Wala si Jaimie, mag-audition daw siya sa dance club. Hindi ko na namalayan na dinala na pala ako ng mga paa ko sa tapat ng classroom ng Section 2.
"Nakapagtataka" bulong ko sa sarili ko.
Hindi ko na siya ulit nakita pa. Although hindi tabi ang room ng Section 1 at 2, pero dapat nakakasalubong ko pa rin siya sa hallway dahil nasa iisang building lang naman kami. Ano kaya yung mga posibleng dahilan bakit hindi ko siya nakikita? Ah alam ko na!
Umupo ako sa bench na nasa tapat ng classroom niya. Kinuha ko yung notebook ko and made a list.
Hindi ko nakikita si Lion kasi..
1. Late siya.
"Tama! Baka nga late comer siya! Pero may lahi daw siyang amerikano sabi ni Nicole, dapat on time siya. Pero may lahi din siyang pinoy, so may chance pa din na mamana niya yung ganong trait. Hmm.." sabi ko sa sarili ko.
2. Absent siya.
"Possible. Baka hindi siya sa sanay sa weather dito sa Pilipinas kasi malamig doon sa america. Tama!" sabi ko ulit sa sarili ko.
3. Isa siyang ninja.
Natawa ako sa sinulat ko. Seryoso? Sinulat ko talagang ninja siya? Nababaliw na ako. Binura ko yung number three at nag-isip pa ng pwedeng dahilan.
"After lunch time pumapasok si Leone"
"Ay kabayo!" Pambihira! Manggulat daw ba?
"I'm not a horse miss. Masyado akong gwapo para maging kabayo" saad niya sabay tumawa ng malakas. "James pala. John James Enrique, kaibigan nyan, ni Lion" panguso niyang tinuturo yung notebook ko kung saan nakalagay yung codename ko kay Leone.
I blushed. Itinago ko na yung notebook ko baka kung ano pa ang makita niya.
"Talk. Kanina kausap mo sarili mo tapos ngayon may totoo ka ng kausap, ayaw mo naman magsalita" tukso niya sa akin. Maloko talaga itong lalaki na ito. Buti nalang yung kaibigan niya ang crush ko.
"Uh.. pasensya na napalakas yung boses ko kanina habang nagsusulat. Elle Samantha Delgado.." inilahad ko yung kamay ko at inabot niya naman ito.
"Nice meeting you, Elle. So were you waiting for my friend? Si Leone?" he said, then he smirked.
"Uh, no. Hinahanap ko si Nicole.." pagsisinungaling ko.
"Cute. Don't deny it. Nahuli na kita" tumayo na siya. Magsisimula na sana siyang maglakad nang tumigil siya at humarap sa akin. "May appointment siya tuwing umaga. One week lang naman yun. Next week normal schedule na siya, makikita mo na siya ulit.." he said, his voice full of amusement.
Pag-uwi ko sa bahay ay nakita ko ang parents kong nagpapahinga sa may garden. "Hi Mommy! Hi Daddy!" nilapitan ko sila and kissed their cheeks to greet them.
"Mag-gagabi na ah, bakit andito pa kayo sa labas?" I asked them.
Umupo ako sa tabi ni daddy at humilig sa balikat niya. "Nagpapahangin lang. How's your day, princess?" dad asked. Princess ang tawag niya sa akin mula pa nung bata ako. Gusto kasi nila ng babaeng anak after ni Kuya Zeke. Year after kuya was born, they tried for another baby. Nabuntis si mama twice, puro lalaki kaso sa kasamaang palad, nakukunan si mommy. Kaya nung ako na yung ipinagbubuntis nila, todo ingat sila.
"Tired pero okay naman po" sagot ko. Humiga ako sa tabi ni dad dahil sa outdoor sofa siya nakaupo habang si mommy naman ay nasa hammock.
"Did you meet some cute boys, princess?" tanong ni mommy.
"Lorie Fay! Ano ba yang tanong mo? Ke bata bata pa ng anak natin para magkaroon ng boyfriend" saway ni dad, tinawanan lang naman siya ni mom. Mom's always been the cool one, carefree at walang preno ang bibig. She'll say whatever she wants to say. Parehong pareho sila ni Aunt Lia, mother ni Nicole. Naalala ko tuloy nung nagsimula na kaming magdalaga ni Nicole, sabay kaming nagkaroon nun, at tuwang tuwa yung mga nanay namin dahil para daw kaming sila na sabay ding nagkaroon tapos they lectured us about boys and courting. They earned a nasty sermon from dad and uncle Al because of that lecture.
If our mothers were carefree and tactless, our dads were different. Strikto sila, at overprotective. No wonder at close si dad at Uncle Al.
"I never said anything about our daughter getting herself a boyfriend, hon. Dalaga na ang anak mo, and pretty like me, sooner or later boys will notice her.." tumayo na and gave dad a wink. Niligpit ni mom yung coffee cups na ginamit nila ni dad. "At least. I'll be ready if one day may umakyat ng ligaw diyan sa anak natin" dagdag niya pa saka pumasok na sa loob ng bahay.
Umiling si dad. "Your mom and her mouth"
I laugh, "that's why you lover her, right?"
He looked down at me and smiled. "Yep. Very much"
If the day comes na may lalaking liligawan ako, I want someone like my dad. Faithful, handsome, mabait at mapagmahal. I want a responsible man. Napabuntong hininga ako. Bakit ba iniisip ko na yang ligaw ligaw na yan, tama si dad, masyado pa akong bata para sa ganyang bagay. Si mom kasi eh, nakakahawa!
Tumunog yung phone ko and I saw a text message from Jaimie.
JM Reyes: Chum, your crush is here sa Starbucks.
Elle Delgado: O-kay?
JM Reyes:. He's with someone. An old guy.
Elle Delgado: So? Could be his dad.
JM Reyes: The old dude was a pinoy. His dad's american, remember?
Elle Delgado: Sabi ko nga.
Ang tagal magreply ng bestfriend ko kaya tinext ko siya ulit.
Elle Delgado: Oi. Anong drink ang iniinom niya? Does he like matcha?
Shit! Naisend ko agad. I was just joking myself eh. Joke lang na gusto kong malaman yung favorite Starbucks drink niya. Kainis, aasarin ako ni Jaimie neto eh.
JM Reyes: Seriously? Mas curious ka sa choice of drink niya kesa sa reason why he's with an old dude?
Elle Delgado: Don't mind my second message. Ano bang meron sa kasama niya't big deal sayo?
JM Reyes: He's my dad's friend. The old guys's a shrink.
A shrink? Bakit may kausap na shrink si crush?
JM Reyes: Magkakacrush ka na lang sa crazy head pa, Chum??
Elle Delgado: Don't judge. We don't know the whole story.
Tama. Hindi naman porke may kausap siyang psychologist eh may problema na sa pag-iisip si crush. Pwedeng family friend, or kung anuman.
'Kung anu man yun, it's not my business anymore. Crush ko lang naman siya' I thought to myself.
*****
BINABASA MO ANG
The Old Songs
RomancePag-ibig. Isang matinding pag-ibig ang mangyayari sayo oras na tamaan ka ng pana ni Kupido. Walang age requirement basta tatamaan ka nalang. You're lucky if you get to find your soulmate at young age. Pero kaakibat daw ng pag-ibig ang sakit. Singtul...