Chapter 17: Addicting

182 3 0
                                    


THE ODDS ARE WITH US. Iyan ang laging sinasabi ni Liana sa amin. Sunod sunod kasi yung panalo ng music club sa mga competition na sinalihan namin.

Mula kila Jess at Ian hanggang sa pinakahuling representative namin, panalo kami. Kaya heto kami sa Bohol ngayon, ineenjoy yung sembreak namin.

Sa El Nido dapat kami kaso fully booked lahat ng hotels nila, mabuti nalang may resort sila James dito sa Bohol kaya dito na kami nagpunta.

3 days at 2 nights lang ang napag-usapan na iispend ng club dito sa Bohol, kaya andito kami ngayon sa Tagbilaran Airport para ihatid sila. Maiiwan kasi kami nila Liana, Steph, Jess, Ian at Isen. Birthday ni James at invited niya kami sa private party niya daw.

"Magbebehave kayo dito ha? Walang kalokohan, boys! Understand?" paalala sa amin ni Ms. Herrer. Hindi daw kasi siya makakasama sa party dahil kailangan niyang samahan yung mga uuwing members.

Sumagot kaming lahat ng oo, dahil ano namang kalokohan ang pwede naming gawin sa party ni James? Hinatid na namin sila hanggang sa may gate lang ng airport. Maliit lang ang airport ng Bohol kaya hangat maari, hindi na nila pinapapasok sa loob yung mga hindi naman pasahero.

"Alright! First stop! Loboc River!" masayang sigaw ni James mula sa kinauupuan niya sa dulo ng van.

"Wait, kain muna tayo!" reklamo ni Liana na nasa tabi ko.

"Chill ka lang, babe. Maraming pagkain dun. Just wait and see.." sabi ni James, and he gave Liana his famous playboy smile.

At tama nga si James, maraming pagkain! Eat all you can na buffet style ang naghihintay sa amin. Sasakay kami sa isang floating restaurant at babaybayin namin yung sikat na sikat daw na Loboc River!

"Uh.. Isen.. bakit yung ibang tourist sa kabila sumasakay? Marami pa namang space dito ah?" taka kong tanong. Kami lang kasi yung sumasakay dito sa isang resto.

He kissed the back of my hand before answering. "Kasi my love, James rented this entire resto. Exclusive for us.."

Wow. Hindi na lang ako nagsalita pa. Maya maya lang ay umandar na yung sinasakyan naming bangka slash floating resto. Nagpicture picture muna kaming mga girls sa may unahan na part ng bangka habang inaayos pa ng mga crew yung food sa buffet table. Yung mga boys naman ay masayang nagkukuwentuhan sa table.

"Elle! Picture kayo ni Leone" Steph said. Lumapit naman sa akin si Isen at yumakap sa likod ko. Click!

"Ibang pose naman.. kunwari kayo si Jack at Rose--"

"Ang korny, Steph!" at ang babaita, tawa ng tawa. Mga ilang shots din yung kinuha niya sa amin ni Isen ng tawagin na kami para kumain.

Ang sasarap ng mga pagkain! Oh my gosh, nakakatakam! Unang kong nilagay sa plato ko yung kanin saka ako namili ng ulam. Meron lumpiang shanghai, menudo, chopsuey, sweet and sour na fish fillet, at marami pang iba. Pero ang pinaka umagaw sa atensyon ko ay ang pork barbeque, my favorite! Kumuha ako ng dalawa, siyempre nakakahiya naman kung magmamatakaw ako, baka maturn off si Isen sa akin.

Pero natatakam talaga ako, itsura palang kasi halata ko na masarap yung pagkaluto niya. Tinitigan ko yung mga barbeque at nagiisip kung kukuha pa ba ako. Sa sobra kong tagal mag-isip dinaanan na ako ng lahat at inikutan na yung buffet table.

May tumikhim sa tabi ko, paglingon ko nakita ko si Isen na nakangiti.

"Kumuha ka kahit ilan pa ang gusto mo. That's your favorite kaya pinarequest ko talaga na damihan. Para sayo yan.." he said. Kumuha si Isen ng tatlong stick saka lumipat sa susunod na putahe. Kinain ko na yung hiya ko at kumuha ng apat pa.

The Old SongsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon