“Magkacollege na kayong dalawa. Anong balak nyong kuhanin na kurso?”
We’re having dinner ngayon sa bahay. Hinatid ako ni Isen at saktong kararating lang ni mommy galing sa office niya kaya ininvite na din niya si Isen na magdinner with us.
“Business Management po, Tito. That's what my dad wants me to take..” sagot ni Isen. I didn't answer kasi hindi ko pa alam yung gusto ko.
Yes I want to manage our businesses pero ang passion ko talaga is baking and brewing coffee. I want to manage my own business. My own.
“That's a good course to take. Ikaw ba ang magmamanage ng business ng family nyo, Iho?” my mom asked.
Sige lang ako sa pagkain at hinahayaan ko lang si Isen na ma-hot seat. Ayoko kasing pinaguusapan yung future ko, wala pa kasi talaga akong concrete na plan. And I don't want my parents to tell me kung anong kukunin ko, although hindi naman nila ako pinapakialaman.
“Ikaw, princess?” dad turned his attention to me.
Uh.. ano nga ba? “Uh.. I don't know yet daddy..”
“Think about it well, princess. Your college course will help you build your future. Whatever course you want to take, we'll support you..” dad said, smiling.
Ang swerte ko talaga sa kanila. Akala ko pipilitin nila akong mamahala sa business nila. Ngayon lang din kasi kami nakapag-usap tungkol sa ganitong bagay.
Naramdaman kong hinawakan ni Isen yung kamay ko. “And I'll support you too..” he said habang nakangiti din.
Nang matapos yung dinner namin nagvolunteer kami ni Isen na maghugas ng plato. Every friday night kasi may household chore ako, at eto yun; ang maghugas ng plato. I need to learn how to be domestic kaya I told my parents na bigyan ako ng chores sa bahay kahit once a week.
At sa nakakatuwang pagkakataon, nandito pa si Isen. Marunong kaya siyang maghugas ng plato? “Do you know how to wash plates?” I asked him. Bitbit niya yung mga used plates at isa isang nilagay sa sink.
“Hindi eh. Chores mo talaga ito? Why?” he asked.
Kinuha ko na yung sponge at dishwashing liquid. “Kasi someday, I'll be a wife or live alone. Hindi pwedeng umasa ako sa kasambahay. I'm still a woman after all and every woman should know how to do household chores, kahit mayaman pa sila. I'll wash, you dry”
Tumango siya at nagsimula na kaming maghugas “Ang swerte ko talaga sayo”
Napahinto ako sa pagsasabon ng plato at tumingin sa kanya. “Bakit naman?”
Nagkibit balikat siya pero hindi nakalagpas sa akin yung mapang-asar na ngiti na nakaplaster sa mukha niya.
“Bakit nga?” tinigilan ko yung pagsasabon at humarap sa kanya.
Ayan mas nagsmirk pa siya ulit. Ang gwapo niya tuloy lalo.
“Kasi pag mag-asawa na tayo, may tagahugas na ako ng plato” sabi niya sabay tawa.
Dapat kikiligin ako sa sinabi niya kasi he talks about us being husband and wife pero panira yung dulo eh! Kumuha ako ng bula tapos binato ko sa kanya.
“Oopf! Love!” reklamo niya. Sa mukha niya kasi tumama yung bula.
“Sorry..” di ko mapigilang matawa. Ang cute nya kasi eh, nakapout tas yung kilay magkasalubong.
“Pasalamat ka at nandito tayo sa bahay niyo, kung hindi..” banta niya sa akin.
Ngumisi naman ako. “Kung hindi ano?”
BINABASA MO ANG
The Old Songs
RomansaPag-ibig. Isang matinding pag-ibig ang mangyayari sayo oras na tamaan ka ng pana ni Kupido. Walang age requirement basta tatamaan ka nalang. You're lucky if you get to find your soulmate at young age. Pero kaakibat daw ng pag-ibig ang sakit. Singtul...