Mamma Mia ang gagawing performance ng music club. Dahil hindi naman kami ang drama club, gagawin namin parang ASAP Sessionista yung performance namin. Bale, lahat ng kanta sa Mamma Mia ay kakantahin namin na para bang nagjajamming lang.“Elle hindi ka ba talaga makakasama sa mga rehearsals natin?” tanong ni Liana, ang assigned na director ng performance namin.
“Makakasama naman, nga lang pagdating ng Christmas break hindi muna kasi aalis kami ng parents ko..”
Nag-indian sit siya sa harap ko. Andito kami ngaun sa music club at kasalukuyang nagaayos ng performance flow. “Sa ibang bansa ba kayo magspend ng Christmas?”
“And New Year, yes..” Kailangan ko din kasi ito. Dahil kung dito ako magiispend ng holidays baka mabaliw lang ako kakaisip sa kanya.
“Saan kayo, Elle?” tanong naman ni Jess na kanina ko pa katabi at nag-gugupit ng props.
“Oo nga, malay mo magkita din pala tayo sa ibang bansa, edi mas masaya!” sabi ni Liana.
Kinuha ko yung cellphone ko at pinakita sa kanila yung picture ng Cherry Blossoms. They both looked at it and sabay na sinabing, “JAPAN?!” tumango lang ako.
“Hala! That's my dream country! Matagal ko ng hinihirit kay daddy yan kaso ayaw niya..” Liana said, pouting.
“Oh eh bat ayaw? Afford niyo naman yun ah. At saka japanese ang mom mo diba?” tanong ni Jess.
“Exactly. Andun yung mother ko. Eh diba World War sila ng daddy ko..” sabi ni Liana.
Yeah, I remember her story. Hiwalay na ang parents ni Liana dahil ayaw ng grandparents niya sa dad niya dahil hindi daw ito Japanese. Medyo may pagkaracist daw yung family ng nanay niya
“Elle..”
Napatingin ako sa tumawag sa akin. Si James. Yung kaibigan ni ‘the one that got away’
“Can I talk to you?”
I looked at Liana and Jess first. “Go.. basta bumalik ka ha..” Liana approved.
Dinala ako ni James sa may whimsies. Kahit marami akong memories dito kasama yung tao na yun, hindi ko magawang iwasan itong lugar na ito.
“Kamusta ka na?” he asked as we sat down sa grass.
“Okay naman.. ikaw?”
“Yeah, I'm good. Saan kayo magspend ng holidays?” James asked.
Hindi muna ako agad sumagot. Ipapaalam ko ba kung saan? Ayaw ko kasing malaman niya.
“It's okay if you don't want to tell us. Pero gusto kong malaman mo na kaibigan din kita, kahit kaibigan ko siya..” James continued, napansin niya siguro yung pag-aalinlangan ko.
I just nodded.
“I know it's a lot to ask but, please understand him. Kahit ano pa yung reason ng pag-alis niya please sana pakinggan mo siya.. I know you're kin--”
“Babalik pa ba siya?” I had to ask. Kesa yung ganito, naghihintay ako sa wala.
James swallowed a lump before answering me. “Yes. Kung kelan, I don't know..”
Masakit.
Masakit kasi namimiss ko na siya.
I smiled para itago yung sakit. “I understand..”
Tumingin sa akin si James. “Sorry Elle. He contacts us once in a while, and he asks about you.. kung kamusta ka na--”
“James, I don't want to hear about it.” Gusto niya akong kamustahin pero hindi niya magawang ako yung kontakin?
BINABASA MO ANG
The Old Songs
RomancePag-ibig. Isang matinding pag-ibig ang mangyayari sayo oras na tamaan ka ng pana ni Kupido. Walang age requirement basta tatamaan ka nalang. You're lucky if you get to find your soulmate at young age. Pero kaakibat daw ng pag-ibig ang sakit. Singtul...