Chapter 37: Zeke

98 1 0
                                    

“Business Management po, Sir..”

“That's a good choice, Miss Delgado. Do you already have a university in mind?”

Kausap ko si Mr. Cruz ngayon para sa Career Talk ng mga seniors. Ilang buwan na lang kasi at gagraduate na kami sa highschool kaya kaming members ng student council decided to create a program kung saan magkakaroon ng counselling ang mga seniors with the principal regarding their chosen careers.

“Sa SJU po, Sir..” nakangiti kong sagot. Maraming schools ang gustong kuhanin ako dahil matataas daw ang grades ko pero sa Saint Jude University pa din ang gusto ko.

Mr. Cruz smiled at me in return. Mukhang natuwa siya na sa sister school ng SJA ako mag-aaral ng college. “Are you sure? Base sa profile mo, you can apply sa University of the Philippines, or sa UST, and I'm sure Ateneo will be honored to have you..”

“I'm sure na po, Mr. Cruz. Besides dun din po mag-aaral sina Jaimie at Nicole, pati na rin po yung iba kong mga kaibigan.” sagot ko.

Kumunot bigla yung noo ni Mr. Cruz. “But, si Mr. Smith, he's your boyfriend, right?” tumango ako. “He said he'll be going back to the US for college. Did you know that?” tanong niya while playing with the tip of his pen.

Tumango ako ulit. Isen and I talked last week about college. His dad wants him to go home and study college in Princeton. His brother Kade is there finishing his 5 year course kaya may gagabay daw sa kanya dun.

I walked out of the principal’s office dahil tapos na din naman ang session ko with him.

Long distance relationship. Yan ang mangyayari sa amin ni Isen. Ayoko sana pumayag na doon siya mag-aral pero sino ba ako para pigilan siya. I know he doesn't want to study there too, tatanggihan na sana niya yung dad niya pero ako na lang din yung nagpapayag sa kanya.

His dad needs him. And mas maganda nga naman talaga kung doon siya mag-aaral since doon ang headquarters ng company nila.

LDR.. shocks, kaya ba namin yun? Hindi ba karamihan sa magkasintahan na magkalayo eh nauuwi sa hiwalayan? How are we supposed to keep our love alive kung sobrang magkalayo yung mundo namin.

“Love..”

Tumigil ako sa paglalakad ng marinig ko yung pagtawag sa akin ni Isen. Agad ko siyang nilingon at isang matamis na ngiti niya ang sumalubong sa akin.

Mabilis naman akong naglakad papunta sa kanya at binigyan siya ng isang napakahigpit na yakap. “I miss you, Isen ko!”

Narinig kong tumawa siya ng mahina. “Magkasama lang tayo kanina ah bago ka pumasok sa office ni Mr.  Cruz..” biro niya.

I pouted. “Eh.. alam mo namang konti nalang yung mga araw na magkasama tayo--”

He pecked me on my lips to stop me from talking. “Let's not talk about it for a while, okay? Let's make every moments unforgettable, Love. Besides, bukas na ang debut mo.”

**

Nakakapagod pala maging débutante. Kanina pa kami dito sa shop ni Tita Julliane para i-finalize yung mga dapat i-finalize sa debut ko bukas. Sabi ko kila mommy simpleng party na lang eh pero mapilit sila, nag-iisang anak na babae lang daw nila ako and they want it to be memorable.

I was scanning the cake catalogues when my phone rang. I took it out and saw an unknown number sa screen.

“Mmy, I'll just answer this call po.” paalam ko.

Without looking at me she asked, “Ang daddy mo ba yan? Tell him--”

“Hindi po Ma, unknown eh. Be right back po.”

The Old SongsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon