Chapter 22: Faces of Love

144 1 0
                                    


Elle Samantha

Bakasyon. Gusto ko magbakasyoooooon.

Kagagaling ko lang ng Japan pero hindi naman ako nagpunta dun para magrelax. We went there kasi sabi nila andun daw si Kuya Zeke.. kaso pagdating ko dun, wala na siya, umalis.. again. Sila mom and dad lang ang umabot dahil kaylangan ko pang tapusin yung school year. Saktong araw ng dating ko ay araw din ng pag-alis ni kuya sa Japan.

Kung nasaan siya? I don't know. Miss na miss ko na ang kuya ko pero hindi ko maiwasang magtampo sa kanya, ano ba yung pinagdadaanan niya at ayaw niyang magpakita? Ni sulat or text message wala, kahit sa email nalang.

Ilang years na din nung huli ko siyang nakita..

“Mag out of town tayo guys bago magpasukan!” masiglang sabi ni James. Andito kami ngayon sa bahay niya dahil nagcelebrate kami ng 18th birthday niya.

“Oo nga! I like that! Saan ba maganda?” sabi ni Liana, hawak hawak niya yung chin niya na parang nag-iisip.

“Boracay?” suggestion ni Steph.

“Bohol?” si Jaimie.

“Galing na dun last year eh. Sa iba naman” reklamo ni Liana.

Gusto ko ding magbakasyon pero hindi na ako magsasuggest, kung saan ang majority dun ako. At saka feel na feel ko yung pwesto namin ni Isen. Nakahilig kasi yung ulo niya sa balikat ko tapos magkahawak kamay kami.

“Eh? Hindi naman ako kasama dun eh..” Jaimie said habang naka pout.

“Mas pinili mo kasi yung jowa mo nun!” sabi naman ni Jess.

“Jowa? Wala akong jowa nun!” depensa niya sabay tingin kay Damon. “Damon? What did you do?”

Sa halip na sumagot ay tumayo nalang si Damon. “I-I’ll just g-go and get more beer..”

“I'll go with you” mataray na sabi ni Jaimie.

“Anyare sa dalawang yun?” tanong ni Liana.

Nagkibit balikat lang ang lahat except kay James at Isen. I didn't answer kasi wala din akong alam sa mga ngyayari.

“Teka.. asan si Eric?” tanong ni Steph.

“Sinundo si Nicole..” sagot ni James habang sineset up yung speaker. Dito kasi kami sa likod bahay nila magpaparty. Mini party lang dahil mga close friends lang ni James ang invited, at ang mga close friends na yun ay kami kami din plus si Nicole.

Speaking of Nicole. Buti naman at pumayag na siyang pumunta, sinabihan ko kasi siya kagabi na pumunta na dahil invited naman, nahihiya daw kasi hindi naman daw siya kasama sa circle of friends namin.. well ngaun kasama na siya! Yes!

“Invited si Nicole?” tanong ni Liana.

“Yes babe. May problema ba?” tanong ni James sa girlfriend niya.

“Uh..” napatingin si Liana sa akin. “No offense Elle. Pero kasi naiilang kami ni Steph sa kanya..”

“Oy bat sinama mo ako?” sabat naman ni Steph.

“Okay lang.. pero may problema ba kayo sa pinsan ko?”

“Ah ano.. kasi..” nauutal na sabi ni Steph.

“Kasi medyo natatarayan kasi kami sa kanya. May pagkabitch kasi siya. And alam mo naman ako ayaw ko sa mga bitch..” si Liana na nagexplain.

“Kasi bitch ka din?” sabat naman ni Jess. Tumawa naman kami nila Steph.

“Tse. Basta Elle, ayon..”

“Nagseselos kasi yan siya sa pinsan mo, Elle. Feeling niya crush ko ang pinsan mo just because we're close” sabi ni James na binelatan yung girlfriend niya.

The Old SongsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon