Grabe pagod na pagod ako. Meeting dito, meeting doon. Toxic ang student council ngayon dahil malapit na ang graduation ng mga seniors. Sakin halos lahat ng trabaho lately dahil tadtad sa exams si president Jonas, kailangan niyang magreview ng bongga para maipasa ang exams at makapasok sa magandang university.Teka, bakit nga ba ako mag-isa ngayon? Pati ba yung mga friends ko busy din? Ang alam ko si Jaimie nasa dance club, si Jess for sure kasama si Ian, si Liana absent, si Steph naman may class pati sila Isen. Hayssst..
“Hindi pumasok yung boyfriend mo”
Iniangat ko yung ulo ko and saw my cousin Nicole with her food tray.
“Huh? Sabi niya papasok daw siya eh. Teka..” tiningnan ko yung phone ko baka sakaling may message si Isen. Kaso wala naman.
“No messages? Tsk. Sigurado akong nagcutting class yun. Kasama niya yung barkada niya..” sabi ni Nicole as she opened her sandwich.
Kalma Elle. Kalma lang. Pangatlong beses ng ginagawa ni Isen toh ha. Nag-iinit tuloy yung ulo ko. Dadagdag pa siya sa sakit ng puson ko eh.
“Teka. Tatawagan ko..” sabi ko saka ko dinial yung number ni Isen.
[“Hello, Love?”]
“Why are you whispering? Where are you?”
[“Uh.. nasa class ako, Love”]
Wow ha! Nasa class daw? Magaling magaling.
“Talaga?”
[“Y-Yes, Love. Bat ka pala napatawag?”] ramdam ko yung kaba sa boses niya.
“Meet me sa whimsies.” tipid kong sagot. Nasa klase ka pala ha.
[“H-Huh? I can't, Love. Nasa class pa ako”]
“Pag hindi ka dumating within 10 minutes, hindi kita kakausapin ng isang buong buwan.”
[“Love naman..”]
Pinatay ko na yung tawag. Saan na naman kaya nagbulakbol yung apat na yun. Ang hilig hilig magcut ng class. Porke mayaman, may karapatan ng magbulakbol? Aba.. Hindi yun pwede sa akin.
“You're the best talaga, cousin!” sabi ni Nicole at pumapalakpak pa.
Hindi ko naman mapigilan ang matawa. “Lagot sa akin yun. Lahat sila” Nakakatawa mang aminin pero takot sakin yung apat na yun lalo na pag tagsungit ako. Hindi daw kasi sila sanay, mas gusto daw nila pag nakasmile ako lagi. Eh paano ako ngingiti kung nagpapasaway sila? Tsk!
“Meron ka ngayon, right?” Nicole asked.
I looked at her. “Pano mo nalaman?”
Tumawa naman siya. “Sabay ang cycle natin, remember?”
Sheesh. Oo nga pala.
“Lalabas ang dragon” sabay namin sabi tapos tumawa kaming dalawa.
“Pero cousin, wag mo masyadong kagalitan ha? Lalo na si Eric..” sabi ni Nicole tapos nagblush siya. Ooh.. may something?
I raised my brow and said, “Care to tell me?”
She grinned widely. Ay nako, alam ko na yang ngiti na yan.
“I like him, cousin..” nahihiya niyang sabi.
“Si Eric?”
She nodded.
“Why Eric? Eh sobrang misteryoso nun ah? Tapos ang sungit--” Shocks.. yun nga pala ang type niya sa lalaki. Yung tahimik, mysterious, long hair, tapos tahimik ulit.
BINABASA MO ANG
The Old Songs
RomancePag-ibig. Isang matinding pag-ibig ang mangyayari sayo oras na tamaan ka ng pana ni Kupido. Walang age requirement basta tatamaan ka nalang. You're lucky if you get to find your soulmate at young age. Pero kaakibat daw ng pag-ibig ang sakit. Singtul...