Chapter 34: The boyfriends

128 1 0
                                    

Elle Samantha

“One Iced Caramel Macchiato, One Iced White Chocolate Mocha and One Espresso Frappe, Venti for Miss Elle.”

Narinig kong tawag ng barista sa pangalan ko. Tumayo na ako para kuhanin yung orders namin.

Ako ang taya ngayon. Dahil gusto kong magkape, ako ang magbabayad ng kape namin. Gusto sana nila magmilk tea pero nagpumilit ako ng kape, nagkecrave kasi ako ng white chocolate mocha ng Starbucks eh.

“Hi Miss Elle, I'll help you with these.” nakangiting sabi nung lalaking barista. Kinuha niya na yung tray at binitbit ito papunta sa pwesto namin.

“Thank you!” sabi ko saka ako umupo.

Nicole took her espresso frappe at sinimulan ng inumin ito habang si Jaimie ay pasimpleng lumilingon dun sa counter kung nasaan yung barista na nag-assist sa akin kanina.

“Crush ka nun, Chum.” sabi niya.

“Huh? Nino?” tanong ko.

“Nung barista na nag-assist sayo.”

Nilingon ko muna yung barista bago sumagot at nakita kong nakatingin siya sa amin.

“Inassist lang, crush na agad?” sabi ni Nicole na ngayon ay half na ang espresso frappe na iniinom niya.

“Huy grabe ka Nicole, ginawa mong juice yang espresso! Bangag ka niyan mamaya.” sabi ko. Grabe tong babaeng toh. Ang tapang tapang ng drink niya kung makatuloy tuloy ng inom akala mo juice.

“Di yan. Ako pa ba?” nakangisi niyang sabi.

“Anyways, what's up with you girls?” tanong ni Jaimie na sa wakas tinigilan na ang pagbibigay ng malisya doon sa barista kanina.

Tumikhim si Nicole at tumingin kay Jaimie ng diretso. “Uh. Kami na ni Eric.” nahihiya niyang sabi. We were waiting for Jaimie to overreact pero wala. Nakatingin lang din siya ng diretso kay Nicole.

“Uh.. Jaimie?”

Kinuha ni Jaimie yung drink niya at sumipsip. She looked at me and said, “You’re not reacting, Chum. So I'm taking it as you already knew about it. Tama ba?”

Tumango ako. It's so unusual for Jaimie kasi na maging kalmado sa mga ganitong bagay.

“Chill, will you? I'm not mad or anything. Actually, napapansin ko na.” cool niyang sabi at sumimsim pa sa kape niya.

“What do you mean, Chum?”

“I know you like Eric, Nicole. Pinsan mo ako at kasama ko na kayong lumaki nitong si Elle kaya alam na alam ko ang mga galawan niyo..” tumingin si Jaimie sa akin. “Chum, we both know na maldita itong si Nicole. Kung bitchy ako, mga half ko siya, pero lately nagiging maamong tupa siya. Why is that?”

Napaisip ako. Oo nga noh? Maldita si Nicole pero bigla siyang naging sweet at mahiyain.

“I'm not saying na pinaplastic mo ang sarili mo o ang mga tao sa paligid mo pinsan because you're not. You may be a bitch sa labas, pero Elle and I know you're an angel inside. Kaya nga diba nagpakatanga ka kay--”

“Let's not talk about that, okay? Graduate na yung tao, and besides hindi naman naging kami.” sabi ni Nicole.

“Fine. What I'm saying is that, bakit bigla momg pinakita ang mabait na Nicole? At nataon pa na kakatransfer lang ni Eric. So napag-isip isip ko, maybe Nicole likes Eric. And you, my dear cousin, likes Eric. Right?” nakangisi niyang pageexplain.

Tumango si Nicole.

“Why are you so cool with it, Chum? I heard na may gusto daw si Eric sayo.” sabi ko.

The Old SongsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon