“What's that bitch doing here?”
Bumulong sa akin si Jaimie at mukhang nakita niya din si Hilary na kausap yung mommy ni Isen.
Today's his birthday party and hindi nga nagbibiro si Tita when she said na engrande ang magiging party ni Isen. Kaya pala nakasimangot kagabi si Isen ng ihatid niya ako dahil alam niya na yung status ng party niya.
“Hey, Love!” masayang bati ni Isen at niyakap niya ako pagkalapit na pagkalapit niya. He's wearing a grey formal suit and bagay na bagay sa kanya yung buhok niyang nakabrush up. He's wearing eyeglasses too na lalo tuloy nagpadagdag sa kagwapuhan niya.
I hugged him back and kissed him sa cheeks. “Happy birthday, Love” I greeted him. “Yung gift mo nasa kotse ni Jaimie mamaya ko na lang ibibigay ha pag-alis natin?”
After kasi ng party ni Isen ay aalis kami papuntang Baler. Dun namin icecelebrate yung out of town anniversary celebration namin. Sabi niya every anniversary daw namin ay may dalawang celebration, isang dinner date at isang out of town trip.
He surprised me last week sa anniversary namin and he prepared a romantic dinner sa isang Japanese restaurant. We both love Japanese culture kaya napagdesisyunan niya na doon magcelebrate ng first anniversary namin.
Tapos mamaya yung out of town trip namin na sobrang muntikan ng hindi matuloy dahil kailangan niya pang dumaan sa matinding pagsubok ni daddy. Akala ko talaga papayagan kami ni daddy agad dahil magkasundong magkasundo na silang dalawa pero iba pa din pala pag solo trip na namin ang pinag-uusapan.
“Sure! Thank you. Tara dalhin ko kayo sa seat niyo dun oh ” turo niya dun sa isang round table na nasa unahan. Hinawakan niya yung siko ko para dalhin kami sa upuan namin nang pigilan kami ni Jaimie.
“Leone, wait..” napalingon naman kaming dalawa kay Jaimie.
“Bakit, Jaimie?” nakakunot na tanong ni Isen.
Jaimie looked at Hilary's direction na sinundan naman namin ng tingin at nakita kong nakatingin din si Hilary sa amin.
“What's she doing here? Did you invite her?” tanong ni Jaimie.
“Yeah. I invited everyone sa section 2.. utos ni mommy eh. Tapos saktong kilala ni mommy si Hilary dahil kapitbahay namin sila sa Cali. My mom and her mom are friends..”
Tumaas naman ang isang kilay ni Jaimie. “Super friends? How close?”
Tahimik lang ako. Hindi ako sumasali sa usapan nila dahil wala naman akong gustong malaman.
Pero sa kabilang side ng utak ko, sumisigaw yung kagustuhan ko na malaman kung bakit nga andito si Hilary. I mean, I know they're neighbors pero may masamang pakiramdam talaga ako diyan kay Hilary eh.
O Elle. Masama yan. Masamang mag-isip ng pangit sa kapwa. Give her the benefit of the doubt. Baka naman panlabas yang nakikita mong pangit kay Hilary. Baka deep inside, she's nice and.. nice.
“I don't really know, Jaimie. What's the deal with her anyway? Love?” tiningnan ako ni Isen and waiting for me to answer.
Nagkibit balikat ako. “Nothing. Nagtaka lang kami. Upo na tayo?” sabi ko. Oo nga, let's give Hilary a chance. Hinawakan ko si Isen sa braso at hinila na siya papunta sa tinuro niyang pwesto namin kanina.
Pero nanatiling nakatayo si Isen.
“Love?”
“Are you sure there's nothing, Elle? Because I don't want you to overthink things. Ayokong nababother ka..”
“I'm good, Isen. Promise. I'll tell you if I'm not..” nakangiti kong sabi.
Tumikhim naman si Jaimie. “Basta wag ka lang didikit dikit sa babaeng yun, Leone--Oh! Baby! Damon!” tinawag niya si Damon na kakapasok palang dito sa event hall. Agad naman itong lumapit at hinalikan sa labi si Jaimie. Tch. PDA.
BINABASA MO ANG
The Old Songs
RomancePag-ibig. Isang matinding pag-ibig ang mangyayari sayo oras na tamaan ka ng pana ni Kupido. Walang age requirement basta tatamaan ka nalang. You're lucky if you get to find your soulmate at young age. Pero kaakibat daw ng pag-ibig ang sakit. Singtul...