Mabilis na lumipas ang mga araw. Parang kelan lang tumatambay kami ni Leone last year dito sa whimsies. Parang kelan lang tinuturuan niya ako mag-gitara dito, magjajam kaming dalawa, magkukwentuhan. I miss him so much.February na. Ilang buwan na rin mula ng umalis siya. Ilang buwan na rin ng huli ko siyang makausap. No calls, no texts, no chats. I miss him so much.
My friends were wondering why I'm not mad at him. I'll ask them, ‘Bakit ako magagalit? I'm not his girlfriend. He doesn't have to ask for my permission to leave. That's his life eh. Then they would ask me again paano ko daw nagagawang maging positive pa rin sa kabila ng pangyayari. Simple lang, because I miss him so much.
Pero hindi porke namimiss ko siya eh magiging okay na kaming dalawa ulit pagbalik niya. Ni hindi ko nga alam kung kelan siya babalik o kung babalik pa ba siya.
There's this one boy from dance club who attempted to court me, persistent siya kahit ilang beses ko pa siyang tinatanggihan. Jaimie would always tell him na ‘No, she's no longer available. Reserved na yang puso niya’
The funny thing is that evertime they'd ask me if I'm single or not, siyempre single ang isasagot ko. Wala akong boyfriend, so single ako, tama ba?
Pero yung puso ko, may mahal ng iba.
Oo mahal ko na siya. Ang weird lang kasi nung nandito siya, puro kilig lang. Kilig dito, kilig doon. Crush crush lang kasi nga bata pa nga kami. Baka paluhurin ako ng nanay at tatay ko sa asin pag nagboyfriend boyfriend ako.
Speaking of nanay, nagkausap kami ni mommy nung nasa Japan kami. We had a mother and daughter heart to heart talk.
“Nak, tell me. Bakit ka sumama sa amin dito sa Japan?”
“Ano ba namang tanong yan Mmy? Of course I'll go with you, it's Christmas and New Year's papaiwan ba ako? And besides, Japan ito oh” I said, and I know I sound defensive.
My mother laughed. Kita mo yung usok na lumalabas sa bibig niya. It's snowing here sa Japan at sobrang lamig talaga. I had to buy last minute winter clothes dahil yung old winter clothes ko dito ay hindi na kasya.
And yes, may mga gamit ako dito. My mother's cousins live here sa Japan, well Osaka to be exact. Halos lahat ng Melez clan ay dito na nakatira.
“Tita, Elle, dinner na daw po in 30 minutes. Aalis lang po ako saglit, may inutos po si Mommy..” Nicole said. Kasama din namin sila Nicole na nagbabakasyon dito sa Japan.
“Sige Iha, salamat. Inutusan ka na naman ng nanay mo” Mom smiled at her. Kambal si mommy at ang mommy ni Nicole.
“Okay lang po..” sagot ni Nicole saka lumabas ng bahay dala dala yung bike.
“Let's go back to where we left off anak. You sound defensive.. want to know why?”
“Why, mom?” wala naman akong maitatago dito kay mommy eh. Lahat nalalaman niya, and she calls it Mother's Instinct.
“You don't like it here lalo na pag winter kasi malamig. Three times na kitang inaya na magbakasyon dito pero lagi mo kami binibigyan ng dad mo ng other options.. Then.. naalala mo nun sabi mo sa Pilipinas ka lang ngaung holidays? Kasi si Jaimie kakabalik lang?”
“Napaka observant mo Mmy..”
“Siyempre, anak kita eh. Now, tell me. Why did you change your mind?”
One of the things I love about my parents is yung closeness namin sa isa’t isa. Well, siyempre pag boys talk, si Mom dahil pag si Dad, naku magkakagulo.

BINABASA MO ANG
The Old Songs
RomancePag-ibig. Isang matinding pag-ibig ang mangyayari sayo oras na tamaan ka ng pana ni Kupido. Walang age requirement basta tatamaan ka nalang. You're lucky if you get to find your soulmate at young age. Pero kaakibat daw ng pag-ibig ang sakit. Singtul...