Elle Samantha
“What the hell are you doing, Love??”
Isusubo ko na sana yung tinapay pero pinigilan ako ni Isen.
“WHAT?”
“Bakit mo sinasawsaw yung tinapay sa Milo??”
I looked at him, bewildered at first pero nakarecover ako agad. “May problema ba dun?”
“Who does that? Eto oh Nutella, may peanut butter din kami. If you want cheese, we have cheese. Bakit ipinapalaman mo sa tinapay yung Milo?”
Hindi ko siya pinansin. Instead, isinawsaw ko yung isa ko pang tinapay sa Milo tapos sinubo ko. Mga tatlong beses ko yun ginawa.
Andito kami ngayon sa kusina ng bahay nila, nagmemeryenda. Galing kaming airport kanina, sinundo niya ako. Sabi ko sa kanya nagugutom ako at gusto ko ng tinapay kaya heto kami ngayon nagmemeryenda ng tasty bread.
“Weird..”
“Weird ka diyan! This is the best palaman sa tinapay noh! Wala ka bang childhood huh Isen?” sabi ko habang sige pa rin sa pagsawsaw ng tinapay sa Milo.
“I have a childhood pero I don't do.. that” he said. Yung boses niya parang takang taka talaga sa ginagawa ko. Grabe toh makareact, ang sarap kaya ng Milo tapos tinapay! Yum! Favorite ko toh eh.
“Alam mo, boring ang mga bagay na nakasanayan na. Cheese, Mayonnaise, Peanut Butter blah blah, common na yun. Eto..” hinati ko sa dalawa yung tasty tapos sinawsaw sa Milo, “hindi ito normal.. kaya masarap” tapos isinubo ko na yung tinapay.
He's looking at me with a confused face.
“Masarap din ito pag kape yung sasawsawan..”
“What?? Coffee? Yung bread isasawsaw sa coffee powder??” OMG yung mukha niya nakangiwi. Gusto ko ng matawa ng bongga. Napaka patola!
“Uh.. yeah? Di mo pa din ba naittry yun?”
“H-Hindi pa. Masarap ba?”
“Oo! Masarap yun!”
Hindi niya ako sinagot pero his face is telling me that he's considering it. Oh my gulay ka Isen.. ang cute cute mo.
“You're making fun of me, aren't you?” naniningkit yung mata niya.
“Uh.. Hindi ah!” sabi ko tapos dahan dahan akong tumayo.
“Stay there..” banta niya sa akin at dahan dahan siyang lumalapit, ako naman ay lumalayo sa kanya. Shocks alam ko na ito eeeeh.. kikilitiin niya ako!
I readied myself for a quick run towards the living room.
“Sam.. come here” palapit na siya ng palapit.
“No!” sigaw ko sabay takbo sa may salas nila. I was just about to make it when I felt someone grabbed me on my waist! Hinila ako ni Isen tapos inihiga sa may couch habang kinikiliti!
“Isen!!! Stop!!” tili na ako ng tili dahil ayaw niya akong tigilan. “Tama na!” ginawa ko na ang lahat pero ayaw pa rin niya akong tigilan, pinalo ko na siya, tinulak, sinubukan ko rin siyang kilitiin pero mas malakas siya sa akin. “Love, please!” Pakiramdam ko maiihi na ako sa kakatawa dahil sa pagkiliti niya sa akin.
He decided to stop nung umiiyak na ako sa kakatawa. He stopped tickling me pero he's still pinning me down the couch. Inilapit niya yung mukha niya sa akin para halikan ako. “Wala kang kiss, di kita bati!” I said tapos itinakip ko yung kamay ko sa labi ko.
“But you love me” asar pa niya tapos tinanggal niya yung kamay ko.
“I don't lo--” he cut me off. His kiss silenced me. I closed my eyes because I want to feel his lips. I missed his touch and his warmth. Namiss ko itong lalaki na ito.

BINABASA MO ANG
The Old Songs
RomancePag-ibig. Isang matinding pag-ibig ang mangyayari sayo oras na tamaan ka ng pana ni Kupido. Walang age requirement basta tatamaan ka nalang. You're lucky if you get to find your soulmate at young age. Pero kaakibat daw ng pag-ibig ang sakit. Singtul...