Chapter 4: Ignore

248 3 0
                                    

"Ensaymada, siopao, spaghetti?? Tag-gutom ka ba, Chum?" I asked my bestfriend.

"May dance practice kami mamaya. Hindi ako pwedeng lalamya lamya dahil baka ma-turn off sa akin yung crush ko!" kinikilig na pag-eexplain sakin ni Jaimie.

Napaikot na lang ako ng mga mata. Andito kami sa cafeteria ngayon at kasalukuyang kumakain ng meryenda. At yung mga nabanggit ko kanina ang meryenda na kaibigan ko. Ugh, nahiya naman itong palabok ko sa dami ng kinakain niya.

"Chum" lumipat siya ng upuan at tumabi sa akin, "may sasabihin ako sayo, pero secret lang natin ito ha..?" bulong niya.

"Okay, dalian mo dahil parating na si Jess. Kung ayaw mo malaman yang kalokohan mo, sabihin mo na" sabi ko. Close na rin si Jaimie at Jess. Kaming tatlo ang palaging magkasama dito sa school, wala nga lang si Jess ngayon dahil may pag-uusapan sila ni Ian.

"Nah, mamaya pa yun siya. Si Ian ang kasama niya eh." huminga muna siya ng malalim bago nagsalita ulit. "Someone's courting me"

"What?!"

"Ssssssh! Wag kang maingay" Jamie said, habang nakatakip yung kamay niya sa bibig ko, tinanggal ko naman ito agad.

"Chum, you're 15 only at nagpapaligaw ka na??" I asked her exasperately.

She rolled her eyes at me. "Magsisixteen na ako next month noh!"

"Not even enough to be tagged as legal?" I said using my 'now-you-know- voice.

"Chum, sa buhay pag-ibig, walang edad edad. Pag tumibok yang puso mo, wala ka ng magagawa kundi sundin ito" depensa niya.

"Korni mo, ginamit mo pa yung lyrics ni Donna Cruz para ipagtanggol yang kaharutan mo" tumawa lang yung kaibigan ko.

"Pero, seriously Jaimie Mikayla. Nilalagawan ka talaga? O boyfriend mo na? Kilala kita! Nawala ka man ng ilang taon pero kilala kita." I said.

"I like your hairstlye today huh. Side braid, pati bangs naka braid. Astig. Pano mo nagawa mo yan?" pag-iiba niya ng usapan. I raised my brow.

She sighed and raised her both hands na animo'y kriminal na nahuli ng pulis, and grinned at me. "Boyfriend na"

Nasapo ko yung noo ko. Pasaway na babae! "Alam ba ito nila tita? Ng mga kuya mo?" Tatlo silang magkakapatid, at si Jaimie lang ang nag-iisang babae. Bunso pa.

"Of course hindi. Tingin mo papayagan ako? And besides, hindi naman siya ang first boyfriend ko. I dated guys when I was in America" proud pa niyang sagot sa akin. Susubo na sana siya nung siopao niya nang pigilian ko siya.

"Nakakailang boyfriend ka na? Papanindigan mo talaga yang 'playgirl' image mo?" Ilang buwan pa lang si Jaimie sa SJA pero isa na siya sa pinakasikat na babae dito. 

Guys swoon over her, they admire her. Deserve naman ni Jaimie ang atensyon na binibigay sa kanya ng mga kalalakihan dahil, maganda siya, matangkad, sexy, elegante at sopistikada. Dagdag mo pa yung natural curly long hair niya na kinulayan niya ng light golden brown.

 Dagdag mo pa yung natural curly long hair niya na kinulayan niya ng light golden brown

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
The Old SongsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon