Chapter 33: Sexy Nape

137 0 0
                                    

“Love.. sama ako..”

Kanina pa nangungulit sa akin si Isen na sasama daw siya sa akin mamaya sa mall. Mamaya na kasi yung girls day out namin nila Nicole at Jaimie. Nakabihis na ako at hinihintay na lang ang go signal ni Nicole.

Tumabi ako sa kanya. “Hindi pwede. Gala naming girls today eh. No boys allowed, Love. Sila Eric at Damon nga hindi kinukulit mga girlfriend nila. Ah! Why not go out with them?” sabi ko while I'm pinching his cute nose na sobrang tangos.

He sighed. “Daya naman eh. Gusto kitang makasama this weekend. Aayain pa naman sana kitang magout of town..”

“Mas lalong hindi pwede. Wala ang parents, at ang bilin nila, no out of town trips muna” paalala ko sa kanya.

Mas lalo siya napabuntong hininga. “Fine fine. Ayain ko na lang ang boys na magclub” sabi niya at kinuha yung phone niya para siguro itext ang mga kaibigan niya.

Ngumisi naman ako. “Sige lang. Sa club din kami pupunta mamaya dahil namimiss na nila--”

“Walang magpupunta ng club! Akala ko ba mall kayo mamaya??” seryoso niyang sabi with matching kunot kunot pa ng noo.

Natawa naman ako sa itsura niya. Club ka pa ha.

“Why are you laughing? Bawal magclub ha? Love?” ungot niya sabay higa sa couch at pinatong yung ulo niya sa lap ko.

“Eh bakit kayo pwede magclub?” tinaasan ko siya ng kilay.

“Biro lang yun. Di ka majoke” he pouted.

“Awwww.. cute. Bagay sayo ang nakapout, Love!” nanggigil kong kinurot yung cheeks niya.

“Ah.. ah!! Aray ko, Love. Mashaket..” sabi niya saka ko binitiwan yung pisngi niya.

“Pasalamat ka mahal kita!” sabi ko.

“Thank you” sabi niya sabay ngisi.

Nagkulitan at nagharutan pa kami ni Isen dito sa sala namin nang biglang tumunog yung phone ko.

I answered the call. “Yes, Cousin?”

(“Ready to go kana?”)

“Yup! Saan na kayo?” Bumangon na si Isen sa pagkakahiga niya at nakapout pa din.

Ini-loudspeaker ko yung phone.

(“Papunta na kami diyan. Jaimie’s driving so magdala ka ng rosary”)

Narinig kong nagreact si Jaimie sa kabilang linya at tawa naman ng tawa si Nicole.

“Sige. Sabihin ko din kila mommy na ihanda na ang insurance natin?” biro ko.

“Insurance? Why?” singit ni Isen.

“Sssh. Joke lang yun..”

(“Si Tigre ba yan?”)

“Oo, ako nga Nagging Nicole. Why?” pang-aasar ni Isen.

Ganyan yan sila. Parang aso at pusa. Nakakatuwa nga silang panoorin mag-asaran minsan eh. Nung una nga nag-alangan pa si Nicole kasi baka daw magselos ako pero I assured her na hindi. It's good na friends si Isen sa pinsan ko. Uh.. friend and enemies at the same time.

(“Wala akong pake sayo, Tigre. Cousin! Makipagbreak ka na nga diyan sa tigre na yan!”) maktol ni Nicole.

Tumawa lang si Isen dahil alam niyang napipikon na si Nicole sa kanya.

(“Chum, labas ka na ng bahay niyo. Malapit na kami..”) sabi ni Jaimie.

“Okay. Byeee” sabi ko then I ended the call.

“Let's go. Sabay na din ako palabas. Pupunta ako kina Damon ha? sabi ni Isen.

“Sure. Basta walang club ha?”

“Oo wala. Takot ko lang sa mahal ko!” nakangisi niyang sabi sa akin.

I blushed. Kainis na Isen toh. Sa simpleng banat kinikilig ako.

“Yown. Napakilig kita today!” sabi niya sabay kindat sa akin.  I just rolled my eyes at him.

“Teka..” pigil niya sa akin ng makalabas na kami ng gate.

“Why?”

“Ganyan ka lang? Ganyan ang suot mo?” nakataas yung isa niyang kilay sa akin tapos yung kamay niya nakacross sa chest niya.

Tiningnan ko yung suot ko. Nakawhite shirt ako at maong na jumper. Medyo maigsi yung jumper pero decent naman yung pagkaiksi niya. “Anong problema sa suot ko?”

Nagbusina na sina Jaimie.

“Ang iksi ng jumper mo. And your nape is so exposed. Why'd you have to tie it in a bun? Kita yung batok mo” nakasimangot niyang sabi at aakto pa siyang ilulugay yung buhok ko pero umatras ako.

“Wag ka nga magulo, Love. That's my hairstlye today. Ugh! Nakakainis ka!” pinalo ko siya sa braso.

“Ako pa ang nakakainis. I'm just worried. Kitang kita yung batok mo oh!” sabi niya tapos sinilip pa niya yung batok ko.

I stomped my right foot. “Eeeh! Wala namang nababastos na babae dahil sa batok nila. Isen naman eh!” inis kong sabi.

Bigla namang namula yung buong mukha niya.

“B-Bakit namumula yang mukha mo?” taka kong tanong.

Umiwas siya ng tingin. “W-Wala..”

“Bakit nga??”

Beep. Beep. Bumusina ulit sila Jaimie.

“Kayong dalawa, may balak ba kayong tapusin yang usapan niyo? Mahal ang gas, naghihintay ako!” reklamo ni Jaimie mula sa kotse niya.

“S-Sumakay ka na dun. Baka magkaworld war pa dito dahil sa kaibigan mo” sabi niya at tinulak ako papunta sa kotse ni Jaimie.

“Oh tigre. Bat pulang pula ka?” tukso ni Nicole na nakaupo sa passenger seat.

“Wala kang pake Nagging Nicole” sagot ni Isen saka binuksan yung pinto sa likod at ipinasok ako. “Ingat kayo ha? Jaimie, drive carefully. Love, I'll text you. I love you!” he kissed me on my cheeks bago isinara ang pinto.

“Haba ng buhok mo, Chum” tukso ni Jaimie sa akin ng makalabas na kami ng subdivision namin.

Sasagot pa sana ako ng tumunog yung phone ko. Nagtext si Isen.

From: Isen-Love ko
Your nape is so sexy, Love. Why is your nape so sexy??

Natawa ako ng malakas. Napatingin tuloy sa akin sila Jaimie at Nicole. “Anyare sayo diyan?” tanong ni Jaimie.

“Kinikilig. Magkasama na kayo nuong umaga di pa rin kayo tapos na dalawa magkiligan diyan? Pati ba naman sa text?” natatawang sabi ni Nicole.

“Okay! Rules for today. No boys allowed. Text your boyfriends and tell them we'll text them after our date. No phones allowed later okay?” sabi ni Jaimie.

Good idea. Mas okay yun para magkakabonding kaming tatlo ng maayos.

I composed a reply to Isen.

To: Isen-Love ko
Ewan ko sayo. Fetish mo? LOL!

From: Isen-Love ko
Did you just say ‘Fetish’???
Where'd you learn that??

Uh oh?

To: Isen-Love ko
Uh.. Books? :D

Nagreply agad siya. Grabe toh, ang bilis magreply.

From: Isen-Love ko
You always blame the books you read, Love. Anyways, I'm heading home first. Bihis lang then punta na ako kila D.
Love you!

Pinalitan ko muna yung contact name niya bago ako nagreply.

To: My Love
Be careful, ok?
Jaimie said no phone during our date so I'll txt u later, ok?
Love u so much, Love. xx

From: My Love
Alright. Take care. I love you more!

*****

The Old SongsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon