18 treasures. 18 candles. 18 selfies, yes may 18 selfies ako. Bale ang gagawin sa 18 selfies ay pipili ako ng 18 na tao on the spot na best dressed then I'll take selfies with each one of them, yung 18 na yun ay magbibigay ng birthday message sa akin after namin magselfie.
Si Jaimie ang nakaisip niyan. Since involved si Chum sa pagpa-plan ng debut ko, may rights daw siya na magdagdag sa program. At since siya ang nakaisip nung 18 selfies, hindi ko siya pinili para makasama sa 18 na tao na yun! Tawang tawa ako sa itsura niya nung binanggit ko na yung 18th person! She was expecting kasi na kasama siya, I know she did that 18 selfies thing kasi she's proud na ang ganda ganda niya ngayon, which is true but this is my day and I plan to make fun of my bestfriend today!
Dinner time na and kasalukuyan akong nakaupo sa table nila Nicole. Kakatapos lang ng 18 treasures ko. Yun yung magbibigay ng gift yung 18 na tao na nakalist sa invitation. Naging 20 nga eh kasi yung parents ko and ni Nicole ay excited ibigay sakin yung regalo nila. Ganun din yung ginawa nilang apat nung debut ni Nicole last month.
My dad and mom gave me a brand new car as a birthday gift, sina Tita Lia at Tito Al naman ay isang condo unit tulad ng regalo nila kay Nicole. Nakakaexcite tuloy dahil magkatabing unit kami ni Nics.
“Unfair. Bakit wala akong condo unit nung nagdebut ako!” maktol ni Jaimie.
“May kotse ka naman. Okay na yan..” sabi ni Nicole.
Ewan ko ba dito kay Chum, kanina pa nagrereklamo eh pwede naman niyang hingin yung gusto niya sa dad niya. Daddy's girl yan at never pa atang tinanggihan ni tito yang si Chum.
“Let us call back again our débutante, Elle Delgado for her 18 roses!” anunsyo nung emcee. Agad naman akong tumayo papunta sa gitna.
“For her first dance, of course ang unang lalaki sa buhay ng ating prinsesa, her father, Mr. Delgado”
Agad na tumugtog ang awitin ng Westlife na Close Your Eyes pagkatayong pagkatayo ni daddy.
“You're a lady now, Princess. Ang bilis ng panahon..” nakangiting saad ni daddy habang nagsasayaw kami. He's smiling pero may luhang nagbabadya sa mga mata niya.
I wiped the tears off his eyes and hug him. “I love you so much, Daddy! Thank you for everything. Mahal na mahal ko po kayo ni Mommy..”
Mga pinsan ko ang mga sumunod na nagsayaw sakin hanggang sa makarating kay Ian at James na siyang pang 14th rose ko.
He was grinning habang naglalakad papalapit sa akin. Iniabot niya sa akin yung rose saka ako isinayaw. “Ganda mo ngayon Elle. Swerte ng kaibigan ko sayo. Happiness, yan ang wish ko sayo. Ako nga pala ang guwardiya mo habang wala si Leone sa tabi mo.” sabi niya sabay kindat.
“Thanks, James. I wish you happiness too.” I smiled at him.
Sasagot pa sana siya ng tapikin siya ni Eric sa balikat. “Ako na pre. Shoo!” biro niya kay James.
Eric gave me a rose and we danced. “Happy Birthday, Elle. I'm one of your bodyguards too..” sabi niya sa akin.
“Bodyguards talaga?” natatawa kong tanong.
“Yup. Pero hindi full time. I have other jobs too, yah know..” sagot niya then his eyes darted towards where Nicole is.
“Don't hurt my cousin, Eric.” sabi ko. I don't know why pero I have this feeling na there's more to their story. Ayoko na lang ungkatin dahil alam ko namang lalapitan ako ni Nicole kapag hindi niya na kaya.
Eric faced me and smiled. “I won't..”
“My turn, bro!” singit ni Damon.
“Tch.” Umalis na si Eric at si Damon ang pumalit. Tulad ng mga nauna, he gave me a rose too and danced.
“Elle, I'm--”
“My bodyguard.” Ako na ang tumapos sa sasabihin niya.
Natawa naman si Damon. Kung yung dalawa eh ginawang bodyguard ko ni Isen, ano pa itong kano na toh? Eh bestfriend ni Isen toh.
“So you should behave!” tukso niya sa akin.
“I don't have plans of not behaving. So you guys shut up.” natatawa kong sabi.
“By the way, Elle. I was supposed to study with Leone in the US, however, your bestfriend which happened to be my girlfriend doesn't want me to, that's why I am staying." Huminga muna siya ng malalim saka nagsalitang muli. "But now, she's acting like she doesn't want me beside her. Can you talk to her for me? One more tantrums from her and I'll go crazy..” bulong ni Damon sa akin.
“Sure. Akong bahala sayo..”
“And for her 17th rose.. Mr. Jonas Alonzo.” the emcee announced and the music suddenly changed into The Script’s The Man Who Can't Be Moved.
“I'll go now, Elle” paalam ni Damon at iniabot ang kamay ko sa nakaabang na kamay ni Jonas.
“Hey..” bati ni Jonas sa akin habang inaabot yung rose sa akin. Medyo mabigat na yung mga rose kaya pinaabot ko na muna ito sa emcee.
“Hey” nakangiti kong sagot sa kanya nung makaalis na ako sa hirap sa pagbitbit sa mga rosas.
“Happy Birthday, Elle! Thank you for making me your 17th rose.. di man ako yung 18th gaya ng pangarap ko pero okay na toh atleast malapit sa 18..” sabi ni Jonas.
Ako naman ay hindi makasagot. Ano ba dapat isagot ko sa ganun? Sorry? Pasensya na? I chose not to reply na lang and smiled apologetically.
He closed his eyes while we're dancing through the chorus. I was about to speak nang unahan niya ako. “Ang ironic noh?”
Kumunot yung noo ko sa sinabi niya. “Ang alin?”
“Nung background music natin. Bagay na bagay sa akin eh. Bawat lyrics naayon sa sitwasyon ko kaso ang ironic kasi I moved.. I moved not away from her, but towards her..”
Alam ko. Alam kong ako yung tinutukoy niya. Pero what does he mean dun sa he moved towards her?
“I changed schools, Elle. Nung nalaman kong sa SJU ka mag-aaral, nagpalipat ako agad..”
Napasinghap ako sa sinabi niya. “What? You don't have to do that, Jonas. Paano yung scholarship mo sa La Salle??” I asked.
He smirked at me. He just smirked at me! Kaya naman hinampas ko siya sa braso, I don't mind kung nalakasan ko ba or nakakaagaw ng pansin pero kasi!
Mukhang nasa mood talaga mang-asar itong si Jonas dahil mas hinila niya pa ako papalapit sa kanya.
Medyo nag-init yung mga pisngi ko sa ginawa niya. Kasi naman, halos magkadikit na kaming dalawa.
“S-Seryoso ba yan ha Jonas?”
“Oo nga! At saka ayoko na sa dati kong school puro mayayaman yung nandun. Ang hirap makibagay..” sabi niya pa.
Loko loko toh ah! “Eh mayaman ka din naman ah! Rich kid ka kaya!”
Totoo naman! Mas mayaman pa nga ata sila sa amin eh! I mean, hindi naman kami mayaman, sakto lang. Enough lang na hindi kami naghihirap sa buhay dahil na din sa pagsusumikap ni daddy.
Ang family ni mommy ang mayaman at dahil ayaw ni daddy ng financial help from Lolo. He worked hard for us, para mabigyan kami ng masaganang buhay.
Tawa lang ng tawa si Jonas sa sinabi ko. Hay nako. Humanda toh sa akin. Pasalamat siya occupied ako ngayon at hindi ko pa siya mapapagalitan.
“Look, Elle. On your first day sa college, can you meet me ---”
Hindi na naituloy pa ni Jonas yung sasabihin niya dahil tinawag na ng emcee ang 18th rose ko.
At siyempre, wala ng iba kundi si Isen ko!
*****
BINABASA MO ANG
The Old Songs
RomantizmPag-ibig. Isang matinding pag-ibig ang mangyayari sayo oras na tamaan ka ng pana ni Kupido. Walang age requirement basta tatamaan ka nalang. You're lucky if you get to find your soulmate at young age. Pero kaakibat daw ng pag-ibig ang sakit. Singtul...