Elle Samantha“Chum! Halika dali, ipapakilala kita kay Eric!”
Hindi ko na hinintay si Jaimie na sumagot at hinila ko na siya agad papunta kay Eric na nag-iihaw ng barbecue. “Eric! This is Jaimie, my bestfriend. And Chum, si Eric kaibigan din siya nila Leone”
Walang nagsalita sa kanilang dalawa. Magkatitig lang sila. Teka, magkakilala ba sila? Hindi naman siguro? Kasi ngayon lang sila nagkasama sa isang lugar eh, ngayon lang din ulit sumama si Jaimie sa gathering namin.
“Uh.. guys? Okay lang kayo?” tanong ko.
Mukhang nagising naman sila sa tanong ko kasi tinapos na nila yung staring contest nila.
“Uh.. Hi, Eric. Nice to meet you” Jaimie smiled and extended her arm. Hindi naman ito agad na kinuha ni Eric instead, tinitigan niya lang ito.
Binawi nalang ni Jaimie yung kamay niya dahil mukhang walang plano si Eric na kunin ito. Kung di ko lang siya friend, iisipin kong rude siya. Tsk. Baka naman kasi nastarstruck din si Eric sa bestfriend ko. Posible. Laging ganon ang eksena ng ibang boys pag kaharap si Jaimie eh. “Uh.. Chum, dun muna ako ha?”
“Uy. Crush mo siya noh?” I teased Eric pagkaalis na pagkaalis ni Jaimie.
“No..” tipid niyang sagot saka bumalik sa pagiihaw.
Uh.. oh edi siya na. Siya na ang hindi tinablan ng charm ng bestfriend ko.
“Ah okay..” kinuha ko na yung plato na may lamang lutong barbecue. Eeeeeeh.. naeexcite na akong kainin toh! “Dalhin ko na ito dun ha?” tumango lang si Eric.
Kahit kailan talaga napakatahimik nito. Wala namang bayad ang magsalita, pero ang tipid tipid niyang sumagot.
“Welcome to our group, Nicole!” Jess shouted.
Nagkukumpulan na kami ngayon dito sa likod ng bahay nila James at kanina pa harot ng harot itong si Jess. “Ouch! Baby naman eh..” ayan sinaway tuloy siya ng Baby Ian niya.Ngumiti naman si Nicole sa lahat. “Thanks guys. Thanks James for inviting me…”
Magsasalita pa sana si Nicole nang tumayo si Liana at kinuha yung cake. “Oh Babe, here’s your cake! Kanta na tayo guys, gutom na ako eh”
Happy Birthday to you!
Happy Birthday to you!Happy Birthday! Happy Birthday!
Happy Birthday to you!“Cheers”
“Tanda mo na bro!”
“Happy 18th babe!”
“Happy Birthday, James!”
“Wish! Wish!”
“Korny mo, Leone!”
“Dali na babe, magwish ka na”
Walang nagawa si James kundi ang yumuko at magwish. Tapos binlow niya na yung birthday candle niya.
Isa isa naman namin binuksan yung mga stainless na chafing dishes. Yun yung kung saan nakalagay yung mga nilutong food. Kami lang ang mga bisita niya dahil ayaw daw niya ng hassle, wala din yung parents niya dahil nasa Bohol at may inaasikaso.
Masaya kaming kumakain ngayon habang nagkukuwentuhan. Si Liana busy sa pagsubo ng food sa babe niyang si James. Naikuwento na din niya kung paano naging sila. Hindi niya na daw kasi matiis yung kakulitan ni James, kahit sa text at chat kinukulit daw siya. Tapos one day daw pumunta si James sa bahay nila ng walang pasabi at nagpakilala sa parents niya. Nagustuhan naman daw siya agad ng parents niya at pinayagan na manligaw si James. Yun lang, ang alam ng parents ni Liana eh nanliligaw pa lang si James, pero nung araw din na yun ay sinagot niya na si James.
BINABASA MO ANG
The Old Songs
RomancePag-ibig. Isang matinding pag-ibig ang mangyayari sayo oras na tamaan ka ng pana ni Kupido. Walang age requirement basta tatamaan ka nalang. You're lucky if you get to find your soulmate at young age. Pero kaakibat daw ng pag-ibig ang sakit. Singtul...