Chapter 16: Set Free

144 3 0
                                    


Totoo ba? Totoong totoo ba?

Hindi kaya nabibigla lang ako?

Baka naman nadala lang ako ng damdamin ko.

Pero mahal ko siya.

Pero hindi ba masyado pa akong bata para sa love na yan?

Eh di ba wala namang edad na pinipili ang pagmamahal.

Seryoso ba talaga? Kami na talaga?

From: Isen-Love ko
See you later, girlfriend. Practice lang ng basketball! :)

G-Girlfriend..

See you later girlfriend daw sabi ni Isen..

Girlfriend niya ako tapos siya boyfriend ko..

Boyfriend ko?

May.. may boyfriend na ako..

Shocks! May boyfriend na nga ako!

Handa na ba ako? Kaya ko bang maging girlfriend? Pano pag nakita niya mga flaws ko.. Paano kapag may gusto siya na hindi ko maibigay.. paano kapag nalaman niyang patay gutom ako sa barbeque, paano kapag hindi niya gusto mga hobbies ko or hindi ko gusto mga hobbies niya, paano pag monthsary namin tapos busy ako--

From: Isen-Love ko
Stop thinking too much, Love. We'll take everything slow. I love you.

Stop thinking too much.. teka paano niya nalamang ngtatalo kami ng isip ko?

From: Isen-Love ko
I know you. You tend to overthink things.

Shemay! May pagkapsychic ata itong binoyfriend ko eh.

From: Isen-Love ko
We're not getting married.. yet. Okay? Lol.
We're still on our second day as couples, a lot more to come. We'll get to know each other more as days passes by.

Arrgh. Tama na nga kakaisip. Tama si Isen, we'll take everything slow. Ako lang din mapapagod kakaisip. Mahal ko siya, mahal niya ako. Simple as that. Kaya namon toh, basta alam namin ang mga limitations at siyempre studies muna.

T-Teka ano yan contact name niya? Isen-Love ko?? Loko loko toh ah.. pinalitan yung pangalan niya sa contacts ko.

To: Isen-Love ko
Isen-Love ko??

Nagreply siya agad. Ang bilis! Akala ko may practice?

From: Isen-Love ko
Yes Sam-Love ko? ;)

Eeeeh! Kinikilig ako! Kalma, Elle. Kalma!

To: Isen-Love ko
You changed your name in my contact list.

Yan lagyan natin ng tuldok para kunwari serious ako.

From: Isen-Love ko
I changed yours too in my contacts. :)

Aba hindi tinablan. Mukhang punong puno ng kilig at kaligayahan si Isen ngayon huh. Sige sige, tarayan natin ng konti.

To: Isen-Love ko
Masaya ka na niyan?

From: Isen-Love ko
Very happy. I love you, girlfriend.

OMG. Waley na. Quota na ako sa kilig talaga!

To: Isen-Love ko
Hey hinay hinay sa pagpapakilig. Marami pang bukas baka maubusan ka.

From: Isen-Love ko
Never akong mauubusan pagdating sayo. I will never let a day pass by na hindi kita pinapakilig.

To: Isen-Love ko
Three things:
1- Don't make promises, they're meant to be broken.
2- You might wanna keep yourself reminded of what you just said. Panghahawakan ko yan. At pag may araw na hindi ako kinilig, lagot ka sa akin. :p
3- Stop making promises over a text message. Say it to me personally!

The Old SongsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon