Isen Leone
“I want to meet your girlfriend, baby boy”
Kausap ko ngayon sa Skype si Ate Tatiana. My eldest sister. Nabalitaan niya daw kasi kay mommy yung tungkol kay Elle and ngayon nagtatampo dahil hindi ko pa daw siya pinapakilala sa girlfriend ko.
“Will you stop calling me baby boy please?”
Tinawanan naman niya ako sa kabilang linya. “Why? Just because you already have a girlfriend doesn't mean you're no longer my baby boy..”
“I'm a man, okay? And men like me don't want to be called ‘baby boy’ by their big sisters. It'll hurt our ego” I joked.
“Ego? Tayo lang namang dalawa ang magkausap baby boy. Of course I'll refrain myself from calling you baby boy if we're around your friends and girlfriend” sabi niya tapos kinindatan niya ako.
“Tch. Whatever. When are you going to visit me? Do you love France that much that you want to live there forever?” sinigurado kong boses nagtatampo ako para paawa effect kay ate.
Since she moved out from our house to study in France ay bihira nalang kami magkita. When I said bihira, yung mga once a year ganun. Tapos nung umuwi ako ng America, isang beses lang kami nagkita. Lalo na ngayong dito na ako sa Pilipinas nakatira.
“You're in the Philippines baby boy. You know I can't go there” malungkot niyang sabi.
“Why not? It's been years already Tats. Hindi ka pa rin ba moved on?”
She smiled at me sadly. “I haven't yet. Let's not talk about it, okay? Mabuti pa yung girlfriend mo ang pag-usapan natin” she forced herself to change mood. Ganyan yang kapatid ko na yan, hanggat kaya niyang iwasan, iiwasan niya, kahit nasasaktan na siya kinakaya niya. Minsan gusto ko nalang siyang tuktukan sa ulo eh para magising.
“D-Did you just roll your eyes, baby boy??!”
Huh?
“Oh my gosh! So girly!” she shouted tapos tawa na siya ng tawa.
“Shut up! Hindi ko yun sinadya. Tch!” pagsusungit ko pero deep inside I'm smiling. Kay Sam ko siguro nakuha yung pagroll ng mata kapag may topic na unbelievable. Whenever I say something na nakakainis sa kanya or basta pag trip niya lang magtataray siya then she would roll her eyes at me tapos she will smile..
Yung smile na gustong gusto kong nakikita palagi, her smile that would make me feel calm and at ease, her smile that makes my heart beat rapidly, her smile that's telling me how much she loves me.. Hayyy.. Sam… Antagal mo naman umuwi..
I would give anything para lang makita ko ulit yung mga ngiti niya.
I would give up everything mapabilis ko lang yung mga araw.
I miss her so much. Ganito din kaya yung naramdaman mo Sam nung ako yung umalis? Siguro mas masakit yung sayo noh? Kasi umalis ako ng walang paalam pero ikaw, you made sure na babalik ka, you told me kung kelan ka aalis at kelan ka babalik at kung bakit ka aalis. Samantalang ako, parang bulang biglang nawala noon.
Isang buwan. Isang buwan pa ang hihintayin ko bago siya umuwi dito. Nasa Japan kasi siya eh, nakatanggap kasi sila ng balita na nasa Japan daw yung kuya niya kaya agad agad na pumunta dun yung parents ni Sam. Tapos sumunod naman si Sam dun pagkatapos na pagkatapos ng school year namin.
Ang lungkot ng summer ko tuloy. Dapat aayain ko siya magbakasyon eh kasama ng barkada pero siyempre hindi ko pwedeng pigilan si Sam kasi family matters yun at alam na na alam ko kung gaano na niya kamiss yung kuya niya..
Okay lang kahit miss na miss ko na siya. I can wait. She waited for me without assurance kung babalik pa ba ako or hindi kaya dapat lang matuto akong maghintay.

BINABASA MO ANG
The Old Songs
RomansaPag-ibig. Isang matinding pag-ibig ang mangyayari sayo oras na tamaan ka ng pana ni Kupido. Walang age requirement basta tatamaan ka nalang. You're lucky if you get to find your soulmate at young age. Pero kaakibat daw ng pag-ibig ang sakit. Singtul...