Chapter 35: Pizza Date

116 1 0
                                    

Elle Samantha

From: Jaimie Reyes
Chum, Damon’s here. R u wid Leone na?

From: Nicole Cruz
Cousin, mauna na akong uuwi. Sinundo ako ni Eric. Sabi niya kasama mo daw si Tigre. R u wid him na?

Iniwan na ako ng mga kasama ko. I'm reading their text messages sa phone ni Isen. Alam na ata nila na kasama ko si Isen at dahil wala sakin yung phone ko dito sila sa phone ni Isen nagtext.

Sabi nila wag papahalata na alam namin na sinusundan nila kami pero sila itong hindi makatiis na sumama sa mga boyfriend nila.

Rereplyan ko na sana ng may maalala ako. Kinalabit ko yung katabi kong kanina pa walang imik. “Uy Isen..”

Nilingon niya lang ako.

“Uy..” sinundot ko ung tagiliran niya.

Pero inaalis niya lang yung daliri ko.

Inilapit ko yung mukha ko sa mukha niya. “Isen.. Nagtatampo ka ba? Galit ka ba?” sabi ko.

Tinitigan niya lang ako habang nakakunot yung noo niya.

“I'm not angry. Hindi rin ako nagtatampo.”

“Eh ano lang?” sabi ko sabay nagpout ako.

Kibit balikat. Kibit balikat lang ang sagot niya.

Kumalam naman yung sikmura ko. Shocks.. Nagugutom na ako. Kaninang ala-una pa pala yung last kain ko. After kasi nun gumala na kami nila Jaimie at Nicole.

“Are you hungry?” he asked. Yung masungit na face niya kanina ay napalitan ng pag-aalala.

Tumango ako at tumayo siya. He then grabbed my wrist at walang imik niya akong hinila papasok sa Shakey’s.

Nanlaki yung mata ko. Pizza!!! Omg. Pizza is my favorite next to barbeque!

Bumitaw ako sa pagkakahawak niya at nakangiti kong hinarap si Isen. “Dito tayo kakain? Paano mo nalaman na gusto ko ng pizza ngayon?” sabi ko.

“Tch. Mahal kita eh. Kaya alam ko yung mga gusto at ayaw mo.”

Hinawakan niya ako ulit sa wrist at hinila sa upuan na tinuro ng waiter.

“Bakit ganun. Kahit ang sungit ng pagkakasabi mo nun, nakakakilig pa din?” sabi ko. Mukha na akong baliw dito sa sobrang pag ngiti.

He tilted his head and raised his left brow. “Because ako ang nagsabi nun. I always make sure na kikiligin ka araw araw. I promised you that.”

Binuksan ko na yung menu. “You promise din na hinding hindi mo ako iiwan diba?” sabi ko habang sa menu pa din nakatingin.

“Tch. Of course. That's why I'm here. Kahit alam kong kasama mo si Jaimie at ang pinsan mo, I still want to make sure na safe ka. Nagkataon naman na gusto ding bantayan nung dalawa yung mga kasama mo.” mahabang sagot niya.

“Ang swerte naman namin.” sabi ko habang pilit kong tinatago yung ngiti ko.

He's flipping the menu pages while looking at me. “Mas swerte ka. Because my love for you always come first. You will always come first.”

I blushed. As in ramdam kong unti unting namumula yung cheeks ko.

“Hi Sir, Hi Ma'am. Are you ready to take your order?” tanong nung waiter.

Tumingin sa akin si Isen, probably asking kung anong order ko. “I-Ikaw na bahala. You know what I want” I stuttered.

Kainis na Isen toh.. Nahihiya tuloy akong humarap sa waiter, antagal mawala nung pagkapula ng pisngi ko.

The Old SongsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon