"Chum, please let me copy your homework!" pagmamakaawa ni Jaimie.
Lunes ngayon at andito kami sa auditorium. Dito magkaklase si Sir Puff, ang teacher namin sa Filipino. May lakad daw kasi siya mamayang lunch kaya lahat ng morning class niya ay pagsasamahin nya. Section 1, 2, at 4 ng sophomores yung magkakasama ngayon pati ang section 3 ng third year. Nakaka-kaba kasi may kasama kaming higher year!
Kaya ayan, nagmamakaawa si Jaimie na kumopya sa homework ko dahil kasama namin sa class ang boyfriend niyang third year student. Tapos nalaman din kasi namin na lahat ng walang homework ay papatayuin ni Sir Puff sa harapan, ayaw niya daw kasi mapahiya.
"Bakit ba kasi walang kang homework? Anong ginawa mo nung Sunday?" tanong ko.
"Sinundo namin si kuya sa airport, tapos nag-aya siyang mag-Tagaytay. Nagpopropose siya doon sa girlfriend niya!" she said, giggling.
"Ikakasal na si kuya Tops! Finally!" si kuya Tops, or Christopher, ang panganay na kuya ni Jaimie. Sa Japan ito nagtatrabaho at haponesa ang girlfriend niya.
Tumango tango si Jaimie. "Dito daw sila ikakasal, next year. Wala pang date pero balita ko March daw"
"Talaga? Ang galing naman. Dito ba sila titira sa Pilipinas?" tanong ko.
"Nope. They have a house there in Japan. Andon din ang work nila eh. Ayos yun para sila ang sponsor natin, maisipan man nating magbakasyon sa Japan. Pahiram na ng homework mo" akala ko pa naman nakalimutan niya na.
Suko ako, matatanggihan ko ba naman siya. "Fine. Pero sa isang kondisyon.." she raised an eyebrow at me.
"Ipakilala mo ako sa boyfriend mo! Ilang buwan nang kayo pero hindi ko pa siya nakikilala--"
"May boyfriend ka na Jaimie?!" biglang tanong ni Jess. Hindi ko namalayang dumating na pala siya. We signaled her to keep her voice down, sumunod naman siya at inulit yung tanong niya ng pabulong.
Nagkwentuhan kaming tatlo tungkol sa boyfriend ng bestfriend ko nang dumating na yung section 2. Unang pumasok ang pinsan kong si Nicole at ngumiti siya sa akin, sumunod ang ibang class officers nila tapos sila James, Damon at Leone.
Nagtama ang mga mata namin ni Leone at nginitian niya ako. Lumakas na naman ang tibok ng puso ko dahil sa ngiti niyang iyon.
Umupo sila sa gitnang row ng auditiorium. Maya maya yung mga third year naman ang pumasok. Nagsitilian ang mga babae dahil sikat na sikat ang class na yan. Halos lahat ng lalaki kasi ng section nila ay mga hunk at basketball hotties daw.
May isang matangkad na lalaki ang lumapit sa amin, at tinawag si Jaimie. "Hi babe"
Nilingon ito ni Jaimie, at ang babaita, nag-blush. "Hello babe" bati niya sa boyfriend niya at saka siya yumakap dito.
BINABASA MO ANG
The Old Songs
RomancePag-ibig. Isang matinding pag-ibig ang mangyayari sayo oras na tamaan ka ng pana ni Kupido. Walang age requirement basta tatamaan ka nalang. You're lucky if you get to find your soulmate at young age. Pero kaakibat daw ng pag-ibig ang sakit. Singtul...