Pag-ibig. Isang matinding pag-ibig ang mangyayari sayo oras na tamaan ka ng pana ni Kupido. Walang age requirement basta tatamaan ka nalang. You're lucky if you get to find your soulmate at young age. Pero kaakibat daw ng pag-ibig ang sakit. Singtul...
Sa wakas second periodical examination is over! Bukas na ulit ang music club! Yun kasi ang isa sa mga rules namin sa club, walang events, practices, auditions or jamming hanggat hindi tapos ang first exams of the school year.
Importante kasi ang grade result ng first periodical exam dahil doon malalaman kung binibisita ba namin yung mga books namin during the summer or if may nareretain sa pinag-aralan namin last year.
Yep. Ganyan ka-seryoso yung school namin when it comes to our studies and grades. Karamihan kasi ng estudyante dito ay mga matatalino. Siyempre hindi mawawala yung mga bullies and bitches, pero halos lahat ng estudyante dito eh may say talaga, after all we're expected to be performers dahil may status na mine-maintain ang SJA.
"Chum, I'll go ahead. We have audition for music club. Bye!" hindi ko na siya hinintay pa at lumabas na ako agad ng classroom.
Binilisan ko yung lakad ko kasi kailangan maunahan ko si Ms. Herrer doon, siya ang head ng music club. Music kasi din ang subject na tinuturo niya.
Tumunog yung cellphone ko at nakita kong tumatawag si Jess, ang vice-pres ng music club.
"Hello Jess" sagot ko.
"Hi Elle, saan ka na? Dito na ako, dali wala pa si Ms. Herrer" Jess said. Hayst! Buti pa siya andun na, abnormal kasi yung teacher namin na yun, mahilig maglaro. Ayon nagpauso ng pustahan, sa first day ng music club, paunahan daw kami makarating dito sa music room at kung sino daw mahuli sa amin ay magpeperform sa year-end concert ng school.
"Dito na ako sa whimsies" I told her. Ang whimsies ang pinaka magandang parte ng SJA. Dito ako madalas naglalakad lakad pag walang magawa or pag gusto ko lang mag-soundtrip. Isang pathway ang whimsies, madadaanan ito pag pupunta kami sa admin building at sa building ng mga elementary students. Kaya mahal na mahal ko ang SJA kasi nature advocate sila. Moderno man ang disenyo ng school namin, marami pa ring makikita na nature inspired areas dito.
Row of green healthy trees lined up on both sides of the whimsies, tapos sa itaas ng dadaanan mo ay mga flower vines. Aakalain mong nasa paraiso ka dahil may mga petal na nalalaglag sa mga vines na yon. Whimsies ang tawag, short for whimsical. That's how you'd describe this place.
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Maraming estudyante ang tumatambay dito dahil nakakarelax yung view, instant trip with the nature ika nga.