Chapter 6: Friend Request

214 2 0
                                    


Elle Samantha


Friend Request:

Leone Smith

CONFIRM?

DELETE REQUEST?


I have been staring at that friend request mula pa kanina. Hindi ko alam kung iaaccept ko ba or hindi. There's a part in me na gusto kong iaccept, may part din na ayaw. Matapos yung nangyari sa cafeteria, nahihiya na akong humarap sa kanya.


"Ang arte arte mo, i-accept mo na yan.." sabi sa akin ni Jaimie habang naglalagay ng nail polish sa kamay niya.


Hindi ko siya sinagot instead, tinitigan ko lang uli ung friend request ni Leone. I hovered my mouse pointer sa tapat ng confirm button. "To click? Or not to click?" pabulong kong tanong.


"Click!" sigaw ni Jaimie habang itinulak yung kamay ko kaya ang nangyari na-accept ko yung friend request ni Leone!


"Chuuuuuum!!" maktol ko. Pambihira! Nag-iisip pa yung tao eh.


"Alam mo, wag mo na kasing i-deny na gusto mo siya dahil obvious ka, well para sa akin obvious ka. And siya, ay obvious din na gusto ka niya.." she said habang tatawa tawa sa couch.


"Ewan ko sayo" sabi ko at saka tiningnan yung timeline ni Leone. Una kong chineck yung profile picture niya. Nakaupo siya sa ilalim ng isang puno at may hawak na gitara. Kahit hindi kita yung mukha niya dahil nakayuko siya at may suot pa na cap ay alam kong siya yun. Sunod kong tiningnan yung cover photo niya; isang picture ng cute na aso na natutulog.


Pinuntahan ko naman yung 'About' page niya. Jaimie snorted when she saw me stalking Leone's Facebook page. Psssh. Titingnan ko lang naman eh.


Place He's Lived:

San Juan, Philippines

Syracuse, New York

Dubai, UAE


Wow. Andami naman niyang lugar na natirhan na. Sabagay, rumored naman sa school na mayaman talaga sila Leone. Kung hindi ako nagkakamali ay nasa US ang parents niya, and his dad's mostly based sa Dubai because of their company. Paano ko nalaman? Chinika ng magaling kong bestfriend.


Contact and Basic Info:

CONTACT INFORMATION:

No contact info to show


BASIC INFORMATION

Birthday: July 19

Gender: Male


"July 19 pala ang birthday niya,  two months ago? Hindi ko man lang siya na-greet!" I said, gasping.


"Kahit iniiwasan mo siya two months ago?" sarcastic na tanong ni Jaimie.


Nilingon ko siya na ngayo'y nakahiga sa kama ko. "Kasalanan mo. Kung hindi mo ko nilaglag edi sana okay pa rin kami, walang awkwardness.." 


The Old SongsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon