Chapter 25: Coffee Stain

119 2 0
                                    



"ERIC!"

Nakita kong naglalakad si Eric na mag-isa sa may whimsies kaya naman naisipan ko siyang tawagin. Hindi ko pa kasi siya nakakamusta mula nung nagsuntukan sila ni Damon last last week, yun yung birthday ni James at araw na naging magkasintahan si Damon at Jaimie.

Tumigil sa paglalakad si Eric at humarap sa akin. "O Elle.. bakit?"

Tinitigan ko siya. Kahit napakatahimik netong taong ito, makikita mo pa rin na approachable siya. "Uh.. ano.. okay ka na ba?"

Bigla namang tumunog yung phone niya. Nagsignal muna siya sa akin ng wait lang saka sinagot yung tawag. "Okay. Cge papunta na ako diyan. Yeah. Oo nga. Wait for me there, Krysly.." then he ended the call.

Krysly? Ang Krysly ba na kausap niya ay yung Krysly na pinsan ko?

"Ano, Elle. I'll go ahead. Don't worry I'm fine now. Bye" mabilis niyang sabi saka tuluyan ng umalis.

Huh. What was that? Si cousin ba yung imimeet ni Eric? Close ba sila?

Papunta na ako ng classroom namin ng makita kong nagkukumpulan sina Jess, Liana at Steph sa harap ng classroom ng section 2.

Fourth year highschool na kami pero yung mga sections namin ay ganun pa din. Napagdesisyunan daw kasi ng school board na magstay as is yung mga sections pero hindi daw nito maapketuhan yung rankings individually.

"Psst. Girls!"

Si Steph ang lumingon sa akin habang yung dalawa eh sige pa din ng silip dun sa classroom ng section 2.

"Anong ginagawa nyo diyan?"

"May transferee sa section 2, babae! Ang ganda niya! sagot ni Steph sa akin.

"Maganda nga kaso mukha namang masungit. Hmpf! Tara na nga dun na tayo sa classroom natin" sabi ni Liana.

Curious man ako at gusto ko mang sumilip hinayaan ko nalang na hilain ako ng tatlo papasok sa room namin.

"Tell me your favorite god or goddess in Greek mythology, and why. Hmm.. let's start with you, Delgado" tanong ng teacher namin sa Literature na si Sir Valdez.

Whew buti na lang nakapagbasa ako kahapon. '

"Nyx, sir.." sagot ko.

"Oooh. Diba make up brand yun, Chum?" she asked loudly and the class laughed.

"Quiet, Reyes. Very good, Delgado. If you guys did read your book you'd know that Nyx is a Greek goddes. Please tell us why Nyx is your favorite, Delgado.."

Binelatan ko si Jaimie bago sumagot. Nagsmirk lang yung loka.

"Nyx is the goddess of night and she's my favorite because as I read about her, I found out how strong her character was, and she's the only Greek god or goddess that Zeus feared. Knowing how Zeus intimidates the other gods, it just means that Nyx is a highly respected goddess.."

Tahimik yung buong klase. Okay umiral na naman ang pagkanerdy ko.

"Wow. That's good. Very good Delgado. You, Reyes. Who is your favorite Greek god or goddess?" tanong ni Sir Valdez kay Jaimie.

"Aphrodite, Sir"

"And why Aphrodite?"

"Uh.. because we're both beautiful?" sagot ni Jaimie at nagtawanan naman yung buong klase.

**

"Oh my gosh! You're so stupid!" sabi nung babaeng studyante na ngayon ko lang nakita. Sa sobrang lakas ng boses niya rinig na rinig siya dito sa dulo ng hallway kung nasaan yung classroom namin.

The Old SongsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon