Isen Leone
Pwedeng mag-mura? Kahit isa lang.
Tangina.
Tangina kasi sinaktan ko yung babaeng mahal na mahal ko.
“Kung hindi ka ba naman kasi isa at kalahating gago, edi sana happy happy pa din kayo ni Elle ngayon” sabi ni James.
Isang araw na ang nakakalipas buhat ng mag-away kami ni Sam sa rooftoop at malaman niya yung tungkol kay Hilary.
I was forced to tell her about Hilary's pregnancy dahil nakikita ko sa mga mata niya na iniisip niyang may relasyon kami ni Hilary.
As if there's a possibility for that.
Mahal na mahal ko si Sam, at siya lang yung mamahalin ko. There's no way for me and Hilary to fall in love because that girl's so in love with Kade that she even surrendered her purity to my brother.
And Hilary is like a baby sister to me.
At first, nag-alangan akong sabihin sa kanya yung tungkol kay Hilary dahil ayoko na siyang mainvolve pa. She's too innocent for this kind of shit. And I am so afraid of what she'll think about me and my family.
Alam ko namang maayos din itong gusot ni Kade kaya nagdecide ako noon na wag nang sabihin sa kanya. Pero lalong gumulo nang maglayas si Hilary at ayaw na siyang panagutan ni Kade.
Nung nasa rooftop kami, nakita ko kung paano siya nabigla sa ibinalita ko kaya I have decided na magpaliwanag na sa kanya dahil baka isipin niyang nabuntis ko si Hilary.
I was about to tell her everything when Hilary fvcking called me.
Know what I did? Instead of ignoring her call, i fvcking answered the phone.
At pagkatapos nun? I begged Sam to let me leave for a while because I had to attend Hilary.
Bullshit noh? Iiwan ko yung girlfriend ko kasama yung Jonas na yun para sa isang babaeng buntis na hindi naman ako yung ama.'Leone, sorry. I know you're with Elle pero I need your help. Pinuntahan ako ni Kade sa bahay, nagtalo kami. When he left, bigla na lang akong nanghina and then I saw blood on my legs, Leone. I'm so scared. I can't lose my baby.. I'm here at the hospital, dinala ako ng driver mo. Please come here, Leone. Babawi ako sa inyo ni Elle, I promise. Just.. just help me and my baby..'
Now tell me. Sino ang makakatanggi sa ganyan? Buhay ng pamangkin ko yung nakasalalay dito.
Sam is kind hearted. I know she'll understand once I explained everything.
Soon. I have to explain soon.
Kanina dapat. Pero nasa ospital pa din kasi si Hilary. Kade, fvcking Kade doesn't even know na nasa ospital ang mag-ina niya.
Hindi na ako nakapasok kanina dahil anong oras na ako nakauwi mula ospital. Tapos nalaman ko ding hindi pumasok si Sam at buong araw daw na kasama si Jonas.
That goddamn Jonas.
At ngayon nandito yung tatlong ugok kong kaibigan, sinasamahan akong maglasing.
Selos na selos ako pero alam ko I have no rights para magselos, for now. I have to fix this mess para kay Sam.
Sam.. Sam.. Love..
Hindi maalis sa isipan ko yung mukha ni Sam na umiiyak kahapon. I promised her na hindi ko siya sasaktan pero ang gago ko dahil sinaktan ko pa rin siya.
“Sorry dude ah. Pero ang gagago ng kambal mong kapatid. Ganun ka ba nila kamahal para idamay ka nila sa mga problema nila? Una si Clyde, ngayon si Kade. Maiintindihan ko pa yung kay Clyde, pero yung kay Kade?” inis na sabi ni James.

BINABASA MO ANG
The Old Songs
RomancePag-ibig. Isang matinding pag-ibig ang mangyayari sayo oras na tamaan ka ng pana ni Kupido. Walang age requirement basta tatamaan ka nalang. You're lucky if you get to find your soulmate at young age. Pero kaakibat daw ng pag-ibig ang sakit. Singtul...