Chapter 10: Wait

181 4 0
                                    

“We.. have a problem guys!” I announced.

Biglang namatay yung ingay sa buong music room, everyone's looking at me, waiting.

“Ano yun? Oh please don't tell us you can't sing now, Elle! Next month na ang concert!” tarantang tanong ni Liana, nakakalat sa paligid niya yung mga piyesang kakantahin namin.

“Chill ka lang diyan, Liana. Makakakanta ako, okay? ” I tried to stop my laugh pero hindi successful, nakakatawa kasi yung itsura ni Liana, kahit si Steph hindi maipinta yung mukha.

“Stop laughing, Elle. Sabihin mo na baka himatayin pa si Liana at Steph dito” saway sa akin ni Jess kahit na siya mismo ay natatawa din sa itsura nung dalawa.

I stopped laughing and cleared my throat. “Galing kami ni Jess sa meeting with Mr. Cruz and other club leaders. We talked about the upcoming year-end concert. And, ayaw ni Mr. Cruz ng Mamma Mia”

“WHAT?!” Liana jumped out of her seat. Pati yung ibang members nagrereact na din.

“Elle, bakit daw?” mahinahon na tanong ni Steph.

“Yung director ng school ata eh may masamang alaala sa Mamma Mia..”

“Ugh! Bakit ngayon pa kung kelan patapos na tayo. Noon pa natin isinubmit yung flow diba?” reklamo ulit ni Liana.

“Yeah I know. Pero remember, out of the country si Mr. Cruz that time”

Liana slumped back on her chair. “Paano na ito?”

“Kaya nga ako nagpatawag ng meeting. Aayusin natin ito..” sagot ko.

“Yung kakantahin lang naman ang maiiba. Mag-aASAP Sessionistas pa din tau..” Jess assured her. Si Liana kasi ang may gusto nun at buti nalang nag-agree naman ang lahat.

“Ganito, dahil uso sa social media ang heartbreaks and hugot, we'll sing hugot songs. Ayos ba?” I suggested.

“OPM?” Ian asked.

“Kahit ano basta yung masakit..” sagot ko.

“Kasing sakit ng nararamdaman mo?” pabirong tanong ni Jess.

“Whatever, Jess. Porke may lovelife nang-aasar na?” ganti ko, nagblush siya at nagtawanan naman ang lahat.

“May lovelife ka na, Mahal?” tanong ulit ni Ian with a smirk on his face. Mas lalo tuloy namula si Jess.

“Mamaya na kayo magligawan diyan, Ian at Jess. Be conscious naman sa aming mga walang lovelife, diba Elle?” Steph said.

“May lovelife ako noh!” depensa ko at mas nagtawanan ang lahat. Mga loko lokong toh, lakas ng trip. Ganito ka-close yung music club, kaya pag nagperform kami harmonized talaga.

“Game na, serious na. So hugot songs..”

Natapos na yung meeting ng music club at kami na lang nila Jess, Steph at Liana ang naiwan dito sa music room. Inaayos kasi namin yung mga kakantahin namin.

Dahil wala si Leone, kasama na ako sa sessionistas. Sila Jess at Ian naman ay sasama na rin sa amin. Mahahati sa dalawang grupo yung performers, boys and girls. Ian suggested kasi na sagutan daw yung mangyayari, girls will sing hugot songs then boys will sing harana songs.

“Girls, kain muna kayo. I brought you pizza” Sabi ni Ian as he entered the music room.

“Aww ang sweet naman ni papa Ian, bumalik pa talaga and brought us food.. ang swerte swerte ni Jess..” tukso ni Liana kay Jess.

“Ewan ko sayo, Liana..” sabi ni Jess tapos tumayo siya para lapitan si Ian na nagbubukas ng pizza.

“Teka, isusulat ko lang sa board yung flow. Then Steph, text everyone na may short meeting tayo tomorrow during lunch time..” I said. Steph nodded yes and pumunta ako sa may whiteboard para isulat yung flow ng songs.

The Old SongsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon