Chapter 29: She Needs Me

99 0 0
                                    

Hindi ako sinundo ni Isen gaya ng pinangako niya sa akin kahapon.

Ilang beses kong binasa yung text message niya sa akin kaninang umaga at hanggang ngayon hindi ko alam kung maniniwala ba ako or hindi.

From: Isen-Love ko
Love, I'm sorry. I won't be able to pick you up today. Ngayon ang flight ni mommy for Dubai and she wanted me to drive her to the airport. 7am ang flight niya eh. Babawi ako mamayang uwian. I love you!

Sabi niya ihahatid daw niya si Tita sa airport, umaga ang flight so expected half day lang siya sa school pero hanggang ngayon wala pa din siya. Isang class na lang at mag-uuwian na pero wala pa rin daw siya sabi ni Nicole.

To: Isen-Love ko
Wer r u? U still picking me up from school?

Mga three times ko na yang naisend sa kanya pero walang reply.

Gusto kong maniwala na busy lang siya at gusto kong isipin na okay lang kami pero hindi ko magawa. I am trying to be positive pero nahihirapan ako.

From: Nicole
Wala pa si Leone. Hilary’s not here too, y r u asking? The gang's here tho.

Hindi pumasok si Isen. Hindi pumasok si Hilary. What the heck is happening? Pakiramdam ko parang nilulukot yung puso ko. Nasusuffocate ako. I need to breathe!

“Psst! Elle.. psst!”

Lumingon ako sa direction kung nasaan yung sumusutsot at nakita ko si Jonas! Nakasilip siya sa may back door ng classroom.

Sa kabila ng sakit na nararamdaman ko nagawa kong ngumiti sa kanya.

Nagsignal siya na lumabas daw ako. Tumingin muna ako sa teacher namin na nagchecheck ng homeworks. Thirty minutes na lang mageend na yung class. Pwede na ako umalis naman dahil tapos ko na din naman yung seatwork.

I raised my hand to call our teacher's attention.

“Yes, Miss Delgado?”

Tumayo ako at kinuha yung mga gamit ko saka lumapit sa kanya. “Sir, I'm already finished with this. Okay lang po ba na mauna nang lumabas?”

“Sure. Here's your notebook..” sabi niya.  Kinuha ko na yung notebook ko kung nasaan yung homework ko at lumabas na ng classroom.

“Wow! For the first time, nag-cut ng class si Elle Delgado!” biro ni Jonas pagkalabas ko ng room.

Hinila ko siya palayo sa room namin dahil baka magbago yung isip ng teacher ko at pabalikin pa ako sa loob.

“Wag ka ngang maingay. Hindi cutting yun noh dahil patapos na din naman na. Wag tayo dito”

Naglakad kaming dalawa papuntang rooftop para doon tumambay.

"Bakit ka pala nagpunta dito? Bawal ka dito ah, bawal college students dito uy!" biro ko habang naglalakad kami.

Ginulo niya naman yung buhok ko. "Baliw. May importante lang akong inasikaso then naisipan kong bisitahin kayo. Allowed naman sabi ni Tita"

"Kanina ka pa dito sa school?" takang tanong ko.

"Yup. Mga lunch time, I guess?"

Kinurot ko siya sa braso. "Aray! Bakit mo ako kinurot??" nakangiwi niyang sabi.

"You've been here since lunch pero hindi mo ako pinuntahan? Wala kaya akong kasama maglunch!" maktol ko.

Totoo naman. Busy yung mga friends ko dahil start na ng hell months at puro projects na.

Narating na namin yung rooftop at nakatayo lang kaming nakadungaw at minamasdan yung buong school. “Namiss mo ako noh? Gusto mo ikaw agad yung bisitahin ko tapos you chose me over your class, so I believe I'm that special?” nakangisi niyang tanong.

The Old SongsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon