December na.Ilang araw na lang at pasko na tapos bagong taon naman. Ang bilis ng panahon parang kelan lang nagdadrama ako sa Japan dahil biglang nawala na parang bula si Isen.
Tapos parang kailan lang din nakilala ko si Hilary, na siyang pinagselosan ko noon. Sobrang close kasi nila ni Isen, tapos he spent so much time with her. Nalaman ko pa na buntis si Hilary na akala ko talaga si Isen ang ama.
Yun pala si Kade ang daddy ng baby niya, Isen's brother.
Then I got to meet his brother nga, si Kade, and from there nalaman ko yung story behind Hilary and her pregnancy and yung love story nila ni Kade.
Hilary and I became friends and we've become super close kahit pa nung bumalik na siya ng US. Nagvivideo chat pa nga kami thru Skype eh--.
“So, where are we going to celebrate Christmas this year?” Tito Al asked, daddy ni Nicole.
We're having our family lunch dito sa bahay nila Nicole ngayon dahil birthday ni Tita Lia at ni Mommy. They've decided na dito na lang sa bahay nila magcelebrate ng birthday nila since linggo ngayon at maraming tao ang nasa galaan.
Siniko ako ni Nicole. Magkatabi kami ng upuan at parehas kaming di umiimik sa pinag-uusapan ng mga elders.
Parehas din kami walang planong mag out of town or out of the country. Matagal na naming napag-usapan na dalawa toh, ang sabihin sa parents namin na dito nalang magholidays sa Pilipinas.
Gusto ko kasi magspend ng Christmas with Isen tulad last year, si Nicole, hmm ewan ko lang kung bakit. Lately, nagiging secretive itong pinsan ko na ito eh.
“Nicole? Elle? Saan niyo gusto? Sa Japan ba tayo ulit para makasama niyo ang mga pinsan niyo doon?” tanong ni Tita Lia.
“I agree! Since dito naman tayo sa Pinas last year, let's go Japan again. Namimiss ko na din sina Akira at ang mga bulilit” mom said. Pinsan namin si Akira pero second degree na, she's half japanese and half filipina.
“Uhm.. Mommy pwede bang dito na lang tayo sa Philippines ulit?” malambing kong tanong.
"Oo nga po Tita. Dito na lang po tayo.." dagdag pa ni Nicole.
Napatingin naman silang lahat sa amin ni Nicole.
“You want to spend Christmas here because of Leone?” tanong ni mommy sa akin while dad grunted.
Nahihiya akong tumango. Alam ko naman papayag sila Mommy dahil they like Isen too lalo na nung nameet na nila yung mommy ni Isen, si Tita Jullianne.
“Ay siya nga naman. May lovelife na pala itong si Elle” kinikilig na sabi ni Tita Lia tapos tumingin siya sa pinsan ko. “Ikaw anak, may boyfriend ka na ba kaya dito mo din sa Philippines gustong magChristmas?” nakangiting tanong niya kay Nicole.
Bigla naman nasamid sa iniinom niya si Nicole. “Mom..”
Kahit ako din, magugulat kung tatanungin ako ng ganyan. Napakaopen kasi nila mommy at Tita Lia pagdating sa ganyan, kabaligtaran ng mga daddy namin. Kaya nga nung nalaman nila Tita Lia at Tito Al na may boyfriend na ako eh si Dad agad ang kinamusta nila.
“What? What's wrong? You're turning 18 na next year so it's time..” pangungulit pa ni Tita kay Nicole.
“Lia, tigilan mo na yang anak mo at kumain ka na lang diyan..” masungit na sabi ni Tito Al.
Tita Lia rolled her eyes at him then she faced her sister. “Hay naku Lorie, bakit ba kasi jumowa at umasawa tayo ng mga KJ”
Tumawa naman si mom at sumang-ayon. “Ewan ko ba Lia. Ikaw naman ang naunang nagboyfriend diyan eh. Kasalanan mo ayan nakilala ko tuloy si Samuel..”
BINABASA MO ANG
The Old Songs
RomancePag-ibig. Isang matinding pag-ibig ang mangyayari sayo oras na tamaan ka ng pana ni Kupido. Walang age requirement basta tatamaan ka nalang. You're lucky if you get to find your soulmate at young age. Pero kaakibat daw ng pag-ibig ang sakit. Singtul...