Chapter 24: Nobody Said It Was Easy

128 2 0
                                    


"Good morning, Elle! OMGGGG! Seniors na tayo!"

Oyeah! Finally! Ang huling taon namin sa highschool. Parang kelan lang freshman pa lang kami ni Liana at Steph dito sa SJA tapos ngayon, hayst.. malapit na namin iwan ang school at ang music club.

Nakakaexcite na nakakalungkot, halo halo yung nararamdaman ko. Tama nga yung sabi nila highschool life is the best!

"Good morning din sayo, Steph! Oo nga eh, seniors na tayo! Parang kelan lang noh?" I greeted her back.

Umupo na kami ni Steph sa upuan namin. Magkatabi kaming dalawa at sa harapan ko si Jaimie tapos sa kaliwa ko naman nakaupo si Liana, si Liana na nakasimangot.

"Steph, anyare diyan?" nakanguso kong itinuro si Liana.

Steph leaned to me and whispered, "LQ sila ni James. Narinig ko na nag-aaway sila sa may hallway kanina.."

"Liana.." kinalabit ko siya, nilingon niya naman ako.

"Bakit?" tanong niya habang nakasimangot pa din.

Gusto kong matawa sa itsura niya kasi yung pagkasimangot niya eh obvious na may tantrums. Typical na Liana. "Bakit magkasalubong yang mga kilay mo?"

"LQ kayo ni James noh?" singit naman ni Steph.

"Oo. Bwisit na lalaki.." nakaismid niyang sagot sa amin.

Ano naman kaya pinag-awayan nilang dalawa? "Kwento mo dali. Bago dumating yung prof"

"Nagtatampo siya, hindi ko kasi siya hinintay na sunduin ako sa bahay. Nauna ako dito sa school" sabi ni Liana.

I raised both of my brows. "Eh? Dahil lang dun?"

"Oo. Eh napikon ako. Alam nyong sanay ako na independent diba? Lalo na ngayong 18 na ako plus may car na--"

"OMG! May car kana?? Pasakay ako, dali!" singit ulit ni Steph.

Sinaway naman siya ni Liana. "Pwedeng mamaya kasi may klase pa?"

Steph rolled her eyes at her. "Sungit mo naman. Malamang mamaya yung ibig kong sabihin. Tsss.."

"Oh bago pa kayo magka-asaran diyan. Tuloy mo na yung kwento mo, Liana.." saway ko sa kanila.

Napabuntong hininga naman siya. "Basta, to make the long story short, napikon ako. May mali ako pero sana naman naintindihan niya diba?"

"Nagsorry ka ba?"

"Hindi.." pailing niyang sagot.

"Eh ayon" sabi ni Steph sabay kuha ng notebook sa bag niya.

"Kasi naman that time mainit pa ulo ko. At saka di ko pa naisip na may mali din ako" nakasimangot na siya ulit.

"Magsorry ka nalang ulit mamaya" payo ko tapos nginitian ko siya.

Naputol na yung kwentuhan namin dahil dumating na yung unang teacher namin.

"Good morning class. Attendance muna tayo. Lahat naman dito ay students ko last year diba? Pero this year will be different, we need to be focused dahil malapit na kayong magcollege. And I want everyone to study Math as if your life depends on it, clear? No absences, ang absent ay may kapalit na detention.."

"Tch. OA.." Steph muttered to herself.

First subject for the year is Math! Yan lang naman ang pinaka favorite kong subject sa buong mundo!

Tiningnan ko yung dalawa at pareho na silang nakasimangot. Paanong di yan sila sisimangot, hate na hate nila ang Math eh! Haha!

Nagsimula ng magroll call si Mr. Gonzalez. Everyone announced present to our teacher not until Mr. Gonzalez called Jaimie's name.

The Old SongsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon