Dalawa ang class namin before mag lunch break. Una ay Math, tapos Science. Kanina sa Math class ay kinantahan ako ng mga classmates ko, inannounce kasi ni Jess na birthday ko.Seryoso nga yung text ni Jaimie na hindi siya papasok kasi wala siya dito mula pa nung first class.
“Good morning class..” bati ni Sir Castillo, ang teacher namin sa Science.
“Good morning, Sir!”
“Ms. Santos, pinapatawag ka sa principal’s office. Bring your things”
“Sa music room na lang tayo magkita, Sis” bulong niya sa akin as she gathered her things and left the room.
Nagroll call si sir ng attendance at pagdatimg niya sa pangalan ko ay tumingin siya sa akin. “Ms. Delgado..” he called me.
“Yes, Sir?”
“Happy Birthday” Phew, akala ko kung ano na.
“Thank you, Sir”
Mabilis natapos yung discussion ni Sir Castillo tapos nagpaquiz nalang siya hanggang sa mag-bell. He talked about the Solar System. Active ako during his class because that's my favorite topic.
To be able to visit the outer space is my ultimate dream, matagal ko na ding kinukulit si dad na bilhan ako ng telescope pero wala pa rin, gusto niya kasi high-powered, eh sa ibang bansa pa yun mabibili. He promised me when I was 14 na he'll buy me one sa 18th birthday ko. Two years nalang, yahoo!
Naglalakad na ako papunta music room nang makasalubong ko si Jonas sa may hallway.
“Hi, pretty. Magandang umaga, and Happy Birthday!” Jonas smiled at me at may inabot siyang flowers at maliit na pahabang box.
Tinanggap ko ito dahil maayos naman niya akong kinakausap, hindi gaya dati na ang kulit kulit niya. “Thanks Jonas. Anong laman nito?”
“Tingnan mo..”
I opened his gift, at nashock ako sa laman nito. Isang bracelet na may mga charms. Tiningnan ko isa isa yung charms, isang Earth, isang Moon, isang Star, tapos yung lock nung bracelet ay hugis spaceship. “Ang ganda.. ang ganda ganda..” sa sobrang saya ko bigla akong napayakap sa kanya.
He went still, hindi niya siguro ineexpect na yayakapin ko siya.
He hugged me back nang makarecover siya sa pagkakabigla. “I'm glad at nagustuhan mo..” Jonas said.
Bumitaw naman ako agad. I looked at him and smiled. “Thank you sa gift. I loved it!”
“Tagal kong pinag-isipan kung ano yung regalong magugustuhan mo. Buti na lang I paid attention nung minsang nagkakuwentuhan tayong dalawa..” he was smiling the whole time na nageexplain siya. He took the bracelet from me at isinuot iyon sa akin.
Siguro kung hindi si Leone ang itinitibok ng puso ko, I'll give Jonas a chance. He's nice, really nice though he's annoying at first. “You paid attention huh? Siyang pala, you texted me last night, saan mo nakuha yung number ko?”
“Kay Jaimie. Magkasama kami sa dance club.” Oo nga pala. Di ko yun naisip ah.
“So pano, mauna na ako. May meeting kami sa music room..” I started walking when he stopped me.
“K-Kung okay lang, Hatid kita hanggang sa music room?” he asked. Medyo namumula yung mga pisngi niya. Pumayag naman ako.
“SURPRISE!” everyone shouted. Tiningnan ko sila isa isa, mula kay Jess at sa lahat ng members ng music club. Andito rin si Ms.Herrer, si Jaimie, si James at si Damon.
BINABASA MO ANG
The Old Songs
RomancePag-ibig. Isang matinding pag-ibig ang mangyayari sayo oras na tamaan ka ng pana ni Kupido. Walang age requirement basta tatamaan ka nalang. You're lucky if you get to find your soulmate at young age. Pero kaakibat daw ng pag-ibig ang sakit. Singtul...