Chapter 3-

6.3K 32 0
                                    

Masayang binalikan ng limang magkakaibigan ang nakaraan nila sa eskwelahan. Bakas na bakas sa mukha ng tatlo ang kasiyahan sa muling pagkakita kay Kaloy, ngunit si Mutya? Tila hindi parin maka get over sa mix emotions na nagtatalo sa isip at puso nya.

"Nasan sila Lola Mars at Tita Ason, Kaloy?" tanong ni Reggie.

"Ah. . nasa kabilang bahay, dun na sila madalas mag stay at ako na lang naiiwan dito, kaya heto, pasensya na kayo, masyadong magulo, wala kayong ieexpect na iba sakin, lalaki ako, kaya hindi maayos ang bahay" paliwanang ng lalaking may hithit na naman na sigarilyo.

"Nasan ang kwarto mo Kaloy, pwedeng makita" malanding tanong ni Tanya habang payukong pinapaumbok ang mga suso nito sa harap ng binta.

"Ayyyy...grabe,, multi level marketing sa pag aalok sis ah," sagot ng bakla at nagtawanan sila.

"Grabe ka, inggit ka lang kasi" sagot ni Tanya.

"Inggit? bakit maiinggit kung pwede namang mag threesome" napatili pa ng malakas ang bakla sa naisip.

"Eewww" napa roll eyes si Aira sa narinig,

"Tang inang mga to, kelan pa kayo naging ganyan kalalandi" putol ni Kaloy sa gitna ng tilian ng mga kaibigan.

"Oo Kaloy, yan si Tanya, papalit palit ng boylet, at itong si Reggie, modernong bakla talaga, nagbibigay ng panustos sa mga lalaki" pag susumbong ni Aira.

"Pssst..sis..wag kang maingay" siniko ng bakla si Aira para tumahimik. Katahimikan.. Tiningnan ni Kaloy si Reggie ng masama...

"Totoo ba yon Reggie?" seryosong tanong ni Kaloy... Hindi sumagot ang bakla..

"Kaloy.. ka-kasi.." magkanda putol putol ang boses ng bakla...

"Totoo ba yun?" matigas na ang boses ni Kaloy.. Natakot naman lahat kaya nanahimik ang kanina'y masayang pag uusap.. Alam nilang may sumpong si Kaloy , ang pagiging bugnutin..madaling magalit..mapikon..at mahilig makipag away..kaya minsan ..takot sila rito..

"Naman..yan na naman yang mga mata mo na yan e...oo.. pero dati pa yun..ngayon mahal na ako nung jowa ko.."Paliwanag ng bakla.. Tila hindi naman kumbinsido sa narinig si Kaloy..

"Ano ba... wag ka nga magalit ng ganyan .. kahit sino hindi matatanggap ang katulad ko noh, gay are meant to pay for love..kelangan naming magbayad para mahalin," malungkot na sagot ng bakla..

"Hindi mo kelangang magbayad para sa pag mamahal, hindi nabibili ang pag mamahal, ano?" sagot ni Kaloy..

"Tapos niloloko ka lang nila Reggie" dagdag ni Tanya..

"Oo alam ko naman yun sis e.. tanggap ko na

" sabi ni Reggie..

"Niloloko? anong niloloko..hindi ka nila niloloko... niloloko mo sarili mo dahil naniniwala ka na dahil sa perang binibigay mo sa kanila e kaya ka na nilang mahalin.. hindi hinahanap ang tunay na pag mamahal.at lalong hindi ito mahahanap ng kahit anong halaga ng pera mo," paliwanag ni Kaloy.. Naka pout lips at malamyang mata naman si Tanya habang tinititigan ang nagpapaliwanag na bata...

"God.. He's the one sis...he's the one" bulong ni Tanya kay Aira..

"Gaga.. may boypren ka tas lalandi ka ng ganyan.."Sagot ni Aira.. Tahimik pa din ang lahat.... Nakatingin naman sa malayo si Mutya.. Hinithit ni Kaloy ang sigarilyo nya at mistulang magususuot na ng damit ng pigilan sya ni Tanya...

"Kaloy wag... wag mo naman ipagdamot samin yang katawan mo" malanding sabi nito at nagtawanan na ang lahat pagkatapos ng matensyong paguusap.. Hindi naman nakitawa si Kaloy...

BARKADA [FULL BOOK]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon