“Kaloy .. Kaloyy… Huyyy” nagising ang binata sa pagyugyug sa kanya.. Hinimas nya ang ulo at naramdaman ang sakit ng gumuhit.. Di pa magaling ang sugat nya at namamaga ito pero hindi nito kayang pantayan ang sakit ng katotohanan ng maalala nya na wala na si Aira..
“Bakit dito ka natulog… kainis to… ang lamig lamig dito” sabi ni Tanya sa kanya.. Di lang sumagot si Kaloy.. Humikab lang ang binata tapos ay kinuha ang alak na katabi at aktong iinumin ng agawin ito sa kanya ni Tanya..
“Naiinis si Aira sayo .. alam nyang naglasing ka kagabi” sabi nito.. Tiningnan lang sya ni Kaloy…
“Eh ano kung inis sya?” makahulugang sagot ng binata.. Napailing si Reggie sa narinig. Maya maya’y nag sindi si Kaloy ng sigarilyo at hinithit..
“Reggie.. Tanya…una na kami.. may duty tong si Jema.. hahatid ko lang” pagpapaalam ni Kris.. Tumango lang sila.. Bakas sa mukha ni Aira ang pagkalungkot.. di nya inaasahan ang lahat.. Ang bilis ng masayang oras nila ni Kaloy .. Kung sana’y wala lang ganito… Napasinghap sya .. Siguradong galit na galit si Kaloy sa kanya.. Bakit nga ba hindi? Walang dahilan para matuwa ito sa kanya.. Minasdan nya ang cellphone.. Naghihintay ng teks sa mga kaibigan na nag papaalala sa kanya ng ginagawa ni Kaloy.. Kung sana may magagawa lang sya .. Ang tanga din naman kasi nya para ipakilala si Kaloy na kaibigan nya kagabi.. Pero kung hindi nya ito pinakilaka bilang kaibigan, anong mangyayari? Siguradong pagagalitan sya ng magulang kapag nalamang naglalandi sya sa Pilipinas. Ilang oras pa lang silang mag boypren ng binata at heto, parehas na silang nasasaktan.. Gustuhin man nyang magpaliwanag , para san pa??
“Are you Ok?” tanong sa kanya ni William.. Nginitan lang nya ito.. Pansin naman ng Kano ang pagka malungkot ni Aira..
“Tita said na Ok na daw si Ram…” sabi ng Kano.
“Ah ok” tanging sagot ni Aira..
“Reggie texted me this morning .. asking me if i would let you go to your reunion this day” ika ni William. Agad syang tiningnan ni Aira. Bumilis ang tibok ng puso ng dalaga..May pagkakataon pa silang magkita ni Kaloy.
“Can i go?” tanong ng dalaga sa Kano..
“Ok.. i won’t mind…” sagot ni William.. Napangiti si Aira na unti unti ding napawi ng humirit ang Kano..
“If you let me come with you.” sabi nito..
“I want to meet some of your friends..
“Dagdag pa ng Kano.. Napaisip si Aira.. Naipit sya sa sitwasyon.. At wala syang magawa.
“Aira.. please” Pakiusap ng Kano.. Tanghali na ng dumating si Dan at Mutya.. Kasunod ni Sam, mag isa lang ang binata dahil may duty din ang girlfriend nya.. Kasalukuyang magkakaharap ang lahat sa hapag kainan para magtanghalian.. Walang nag sasalita… Dire diretso lang ang kain..Lahat ay tila ramdam ang sakit na dala ni Kaloy lalo pag tinitingnan ito na nilalaro lang ang pagkain sa pinggan..
“Tol..di mauubos yan pag nilaro mo lang”Biro ni Sam.. Agad naman syang siniko ni Tanya..
“Wag ka munang magbiro.. baka mapikon yan.ang insensitive mo” bulong ng dalaga.. Kusa na namang pumatak ang luha ng binata..
“Nagiging iyakin ka na” narinig nya pa ang boses ni Aira .. Kahit saan sya tumingin ay nakikita nya ang dalaga.. Tumayo ang binata… Wala syang ganang kumain.. Lumayo sya sa mga kaibigan nya.. Nagsindi ng sigarilyo at tumingin sa kawalan.. Namimis na nya si Aira.. Gusto nya itong kasama ngayon.. Kayakap..Kahawak kamay.. Matapos kumain ay hinanda ng lahat ang Videoke sa labas.. Balak nilang mag ingay para makalimutan ni Kaloy ang lungkot.. Masayang nagkantahan sila Reggie, Mutya at Dan habang si Tanya ang nag presenta na hugasan ang pinagkainan nila.