Chapter 17-

2.7K 23 0
                                    

Katahimikan .. Katahimikan ang tema sa loob ng ward ni Ram.. Isang binatang nakahiga at walang malay.. At dalawang hindi alam ang gagawin sa kaawkwardan na set up ng kaibigan. Si Brando na ang unang nag salita..

“Sorry” sabi nito.. although maiksi.. e galing naman sa puso.. Wala na syang dahilan para saktan pa ang bakla.. Masyado na nyang naabuso ito. At kahit kelan hindi nya ito nakakitaan ng kahit ano pa mang kasamaan. Tinitigan lang sya ni Reggie. Hindi nag salita ang bakla..

“Iniisip ko kasi na mas masasaktan ka kapag inamin ko sayo na ano..” sabi ni Brando. Ni hindi nya masabi ng diretso sa mukha ni Reggie na may babae sya.

“E ayun.. di ko namalayan na mas masasaktan ka pala kapag tinago ko sayo..

“Dagdag pa nito.. Hindi pa rin nag salita si Reggie..

“Ang dami mong nagawa para sakin.. at inabuso ko ang feelings mo para sakin.. Pero hindi lang siguro talaga ako ang para sayo. Magkakaron na ako ng pamilya Reggie.. at sobrang pag sisisihan ko kung magkakahiwalay tayo ng galit ka sakin” sabi nito.. Tila tumusok naman sa puso ng bakla ang sinabi ng binata.. Di nya alam kung bakit

..pero ganun ata talaga pag mahal mo ang isang tao.. Kahit gaano ka magpa katanga sa kanya ay ok lang..

“Im sorry” sabi muli ni Brando..

“Ilang buwan na” sa wakas ay nagsalita na din si Reggie..

“Ang ano?” tanong ng binata..

“Ilang buwan na yung misis mo?”

“6 months” sagot ni Brando.

“Ah…” yun lang ang naisagot ni Reggie.. Katahimikan..

“Kunin mo na lang ako na Ninang nya” sabi ng bakla na nagpasilay ng ngiti ni Brando.. Alam nyang kahit hindi man sinabi ng bakla na napatawad na sya nito ay ganun na rin ang nais iparating nito. Agad sya napayakap sa bakla..

“Salamat ..salamat Reggie” paulit ulit nyang sinabi..

“Eeepp ..eppp.. ayyyy grabe.. papakiligin mo na naman ako e…may asawa ka na” biro ng bakla.. Napatawa lang si Brando..

” naexcite lang” sagot nito.. Di naman maipinta ang mukha ni Aira ng madatnan si Dan sa loob ng sasakyan ng bakla..

“Ohh.. mukhang may part 2 pa ang reunion” sabi ng dalaga..

“Relax sis.. ok na… babawiin din nya si Mutya kaya sya nandito.. parang ang nangyari kasi ..nag double cross itong kaibigan natin..”Sabi ni Tanya.. naguluhan ang lahat sa narinig …

“Opinion at haka haka ko lang ha” bawi ng dalaga..

“Baka kasi sobrang mahal ni Mutya si Kaloy kaya nagawa nyang iset up si Dan para iset up si Kaloy.. gumawa sya ng dahilan para magalit lahat kay Kaloy..tas iniwan nya sa ere si Dan… ” sabi pa nito.

“Oo nga noh..” singit ni Sam..

“Parang ….Dan.. patayin mo si Kaloy para tayong dalawa na lang maiwan..e kaso napurnada kaya good bye Dan..hello Kaloy” sabi din ni Clay..

“Pero kung set up nya lahat? bakit ilalagay nya si Kaloy sa ganong risk? pano kung hindi tumulong si Ram at nadiretsong masaksak mo si Kaloy”Tanong ni Aira kay Dan.

“E yun ang plano nya talaga.. tapos sasabihin nya na baliktad daw.. self defence lang kaya nasaksak ko si Kaloy.. ng sa ganun, wala din daw makinabang kay Kaloy” sagot ni Dan. Napailing si Aira..

“Ang talino ah.. tapos ang manyayari nyan kung nasaksak mo si Kaloy.. may posibilidad na magalit sya sayo at maging hero sya kay Kaloy. Maagapan dahil may nurse tayong kasama at poooop.. konting galit lang nya sayo at alaga kay Kaloy e ok na.. ayos na

BARKADA [FULL BOOK]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon