Book 2 Chapter 10-

1.8K 19 4
                                    

Magkakasamang lumabas ng campus sila Kaloy.. Ngayo'y buo na naman ang bagong tropa nya..Masaya sila habang nagkwekwentuhan..

"Tara muna tambay sa beach" alok ni Bryan at nagsisang ayon sila..

"Pass mga tol" sabi bigla ni Kaloy ng nasa gate na sila.

"Huh?" nagtataka ang lahat sa sinabi ng binata..

"Sige na...hayaan na natin sya, may ihahatid pa yan pauwi" sabi ni Jonas at kumindat pa kay Kaloy.. Nakita pa nya ng akbayan nito si

Leslie ng hindi nagagalit... Nginitian nya si

Jonas..

"Kaya naman pala" sabi ni Marlon ng makita si Ella na nag hihintay sa labas ng Comp

Shop malapit sa Campus nila..

"Oh sya..next time na lang.."Sabi ni Kian kay Kaloy at nagpaalam na sila.

"Hi Fiance" bati ni Kaloy sa dalaga ng paglapit nya dito...

"Hmmm mukhang may lakad ata sila..bat di ka sumama" tanong ni Ella.

"E ihahatid pa kasi kita" sagot ni Kaloy.

"Huh? grabe naman to..pwede ka namang umabsent ng isang araw na paghahatid sakin e.. baka isipin nila inaagaw kita sa kanila" sabi ni Ella..

"Ano kaba?? yung mismong kapatid mo nga nag palayas sakin" natatawang sagot ni Kaloy.

"Saka very understanding yun sila..saka magpapartner yung mga yun kaya gusto lang mag date sa beach.. oh e di na OP lang ako." dagdag pa ng binata.

"Oh e sya.. hatid mo na ko" ika ng dalaga at agad niyakap ang braso ng binata..

Mag kasintahan na nga pala sila kaya iba na ang sitwasyon nila ngayon,

Napangiti pa si Kaloy habang naglalakad sila ng may maisip sya.

"Ang lambot ah" biro nya sa dalaga na agad namang namutla at binitawan ang kamay nya..

"Grabe. .ang pervert mo" kapwa sila tumatawa..

"Biro lang .to naman, lika na yakap na ulit" alok ng binata ..

"Wag ka kasing gumaganon..di ako sanay..inosente pa ko noh" natatawang sabi ng dalaga at yumakap ulit sa braso ng binata. Nag umpisa silang mag lakad.

Tahimik lang sila, nagpapakiramdaman.

Sinasadyang idikit ni Kaloy ang braso nya sa suso ng dalaga..

Natatawa naman lagi si Ella kapag ginagawa yun ng binata.

"Ang manyak mo..mamaya may makakita sayo nyan.." bulong ng dalaga sa kanya.

Tumigil naman sa ginagawa si Kaloy.

"Ingatan mo yang binigay ko sayo" sabi nito..

"Huh?" tila di naintindihan ng dalaga ang sinabi ni Kaloy..

"Yang singsing. .. mahal ang bili ko jan" hirit ng binata..

Napatawa sila..

"Oo nga ..halata namang mamahalin sya mahal.." sagot ng dalaga.

Napatingin si Kaloy kay Ella at napahinto sa narinig..

Napatakip naman ng bibig ang dalaga at nagblush..

"Mahal? tinawag mo akong mahal?" tanong ng binata na nakangiti..

"Hindi ah..sabi ko mahal yan" pagtanggi ng dalaga..

Ngumiti lang si Kaloy..

"So, mahal pala gusto mong tawagan" ika nito..

"O baka tawagan nyo lang yan ni Ron at nadulas ka lang" hampas ang sagot ni Ella sa binata..

BARKADA [FULL BOOK]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon