Kani kanyang sisihan .. Habang walang malay si Dan at Kaloy ay sumabog na ang mga emosyon.. Ang dating magkakaibigan ay nag umpisa ng magkainitan....
"Kundi ka ba naman simpleng malandi na akala mo santo kung umasta .kasi ang tali talino..ang simple simple.. e di sana walang ganito" sigaw ni Mutya kay Aira.. Hawak sya ni Kris ngayon at alam ng binata na kapag binitawan nya ito ay sasabog ang emosyon nito at ibubuhos ang ilang taong pagkawalay kay Kaloy sa dalagang nasa harap nya ...si Aira..
"Ako??bakit ako? ang sabihin mo ikaw ang may kasalanan... akala mo ba hindi ko nakita yung nangyari sa nyo ni Kaloy sa kwarto ni Tanya? akala mo ba bulag ako para hindi makita na pinag seselos mo si Kaloy sa pool kanina..pinag lalaruan mo si Kaloy Mutya.. umaasa yung tao sayo.. ang tagal na nyang nasasaktan ng dahil sayo, hanggang ngayon ba naman sasaktan mo pa din sya" di na napigilan ni Aira ang sarili...
"Sis ..tama na ..Mutya tama nayan.. walang may kasalanan sa nyo..tama na please.. jusmiyo,.alang alang na lang sa birthday ko at aniversary natin" sigaw ni Reggie.. Tahimik lang si Ram sa narinig.. Hindi nag sasalita ng nakayukong binata.. Si Clay nama'y naghihimas pa din ng sikmura.. Nakabantay sa kanya si Sam.
"Pasensya na .. kasalanan ko ..sige ako na
..kasi mahal ko pa din si Kaloy hanggang ngayon.. " sabi ni Mutya.. Lahat ay nagulat sa sinabi ng dalaga..
"Envy" nasa tinig ni Reggie ang pagka disappoint..
"3 years na kayong wala at buong akala ng lahat e ok na kayo ni Dan.. Masaya naman kayo di ba? aaminin ko na ayaw ko sa kanya pero alang alang sayo tinanggap ko sya kasi kaibigan kita..tas sasabihin mo ngayon na si Kaloy pa din mahal mo..oo. minsan tinutukso ka namin dun, pero sis naman.. hindi naman totohanan yun e..Mabait naman si Dan para lokohin mo..at saka ..sinaktan mo si Kaloy.. tapos eto ngayo'y babalikan mo ng ganun ganun na lang?" ika ng bakla..
"Mahal ako ni Kaloy.. sinabi nya sakin yun.. at may sumpaan na kami na magsasama ulit
..at tatapusin ko na to pag gising nya
..sasabihin ko na iiwan ko na si Dan.. mahal ko sya .. at hindi ko kayang maghintay ulit ng ilang taon na wala sya" napaiyak na si Mutya.. Napailing ang lahat sa narinig. . Maging si Clay ay naging seryoso... Napahagulhol na lang ng tahimik si Aira.. Inipit nya ang mga labi nya para hindi maglabas ng ingay sa pag iyak.. pilit nyang pinunas ang luha...Ngumiti..
"Pasensya na Mutya.. tama ka.. Mahal ka ni Kaloy... obvious naman.. at mali ang ginawa ko .. sorry sa lahat ng mga nadamay.." tanging nasabi ni Aira..."Sis" tila may gustong sabihin si Reggie na hindi nito masabi.. Nangilid din ang luha ng bakla .. Sobrang ramdam nya ngayon ang hirap ng kaibigan.. Alam nya ang lahat.. Alam nya ang lahat lahat simula pa noon..
"Bakit ikaw" singit ng isang boses.. lahat ay napatahimik at napatingin sa pinanggalingan nito..
"Bakit ikaw na naman... bakit ikaw na lang palagi ang nag sasakripisyo" seryoso si Ram na nakatingin kay Aira..
"Naalala ko nung unang beses kitang nakitang umiyak nung hayskul tayo.. sabi mo sakin crush mo yung taong tumulong sa kin nung binugbog ako ng mga senior ..Natuwa ako...pero ikaw hindi..kasi sabi mo gusto din sya nung isa mo pang kaibigan at may mutual feelings sila sa isa't isa.. Sabi ko sayo noon lumaban ka.. pero hindi, nagsakripisyo ka na masaktan para bigyan ng puwang yung feelings ng iba.." paliwanag nito ..Lahat ay naguluhan sa mga sinabi ni Ram..
"Ang tagal mong tinago... tagal mong iningatan.. pero ramdam ko sa bawat kilos mo...ang galing galing mo.. hindi ka nagbigay ng sign para man lang maisip ng dalawa na nasasaktan ka sa bawat pagsasama natin at nakikita mo sila na masaya .." dagdag pa ni Reggie.. si Aira naman ang nagulat sa mga sinabi ni Reggie...