Chapter 13-

3K 17 0
                                    

Sumapit ang gabi.... Masayang nag paparty ang lahat.. Malakas ang hiyawan at maingay ang tugtog na gumising sa nakahigang binata sa kwarto... Tila may masakit sa ulo ni Kaloy... Sinubukan nyang himasin ang noo pero hindi nya naigalaw ang kanang kamay nya.. Mabigat ito. Tiningnan nya ang dahilan.. May nakasubsob ng dalaga na tila tulog sa kanang kamay nya, napangiti ang binata at pinasya na lang na ang kaliwang kamay ang ipangsalat sa noo.. Nadama nya ang bendang makapal sa ulo nya.. At naramdaman nyang masakit ito.. Parang may pumalo sa ulo nya.. Nagbalik sya sa ulirat.. Naalala nya ang nangyari.. Binangon ni Kaloy ang katawan nya, sanhi para magising ang dalaga.

"Uyyy... ano??? ku-kumusta?" tanong ng halatang nag aalalang dalaga.. Hindi sumagot ang binata..

"Ano- aanong gusto mo?? nagu-nagugutom ka?? ano?? anong nararamdaman mo? masakit pa ulo mo? gusto mong tubig?" hindi malaman ni Aira ang gagawin ng makitang gising na si Kaloy.. Nagbukas na sya ng sitsirya.. Naghain ng pagkain.. Nag salin ng baso sa tubig.. at ang huli ay nag bukas ng in can na beer. Hindi sumagot si Kaloy.. Tinitigan lang nya ang dalaga at napangiti sa grabe at exagge na pag aalala nito.

"Seryoso?? paiinumin mo ako ng beer?" sabi ng binata ng makitang hindi pa din natigil sa kung ano anong ginagawa si Aira. Napahinto ang dalaga.. Dahang dahan nilingon ang binatang kitang kita nya na pinagtatawanan sya sa kinilos nya.. Tapos ay tumingin sya sa sarili at nakita ang kung ano anong nagawa nya... May beer pa na bukas..

"Ang exagge mo mag alala ha... grabe. kung ako boypren mo at makita ko na ganyan ka sa iba... sobrang mag hihinala ako at magseselos" natatawang sabi ni Kaloy. Di naman nagtawa si Aira.. Bagkus ay pinandilatan lang nya ng mata si Kaloy..

"Patawa tawa ka pa jan, ang tagal tagal kitang binantayan.. nag alala lang ako sayo" sabi nito.. Napatahimik naman si Kaloy sa narinig... Ang ngiti ay unti unting napalitan ng paghanga sa dalaga.. Napansin naman ni Aira ang pag babago ng mood ni Kaloy. Kaya mabilis syang bumawi para ngumiti ito muli..

"Kala ko nga di ka na magigising e.. iaanounce ko na sana na dedo ka na sa barkada..tas tatawag na sana ako ng purinarya.. sa morgue.." di mapakali sa pagpapaliwanag ang dalaga. Nakinig lang si Kaloy..

'tas iteteks ko na sana si Tita Ason..sasabihin ko na yung pamangkin nyo po..pinalo ng plato. tssssk..ayun dedo na.. " tuloy tuloy lang si Aira.

"Aira" hinawalan ni Kaloy ang braso nito para tumigil..pero dire diretso lang ito..

"Tapos.. ihihinto na namin party... tapos magbabati bati kami.. tapos-" di na natapos ng dalaga ang nais sabihin dahil sa isang mabilis na pangyayari ay nanlaki ang mata nya ng hilain sya bigla ng binata.. Napadapa sya sa katawan ni Kaloy.. ang mga kamay ay nasa ayos ng pag pigil ngunit walang nagawa..at ang labi ay sinakop ng labi ng binata.. Matagal.. Hindi katulad ng unang halik nila.. Mas romantiko hindi katulad ng unang halik nila..may feelings..ramdam na ramdam nya

..mas sincere ang binata.. at punong puno ng pag mamahal.. Ilang segundong tumagal ang halik ng dalawa.. Halik na walang halong libog.. halik na punong puno ng pagmamahal.. Ni hindi gumalaw ang labi ni Kaloy para magbigay ng senyales na mag simula ng mainit na pangyayari.. Nakadikit lang ito sa labi ni Aira, hindi gumagalaw ngunit kusang pinapaalam ang pasasalamat nya sa lahat lahat na nagawa sa kanya ng dalaga.. para masagot ang kanina pa bumabagabag sa isip nya..at epektibo yata dahil tila naging pang pelikula ang simoy ng hangin.. Umawit ang anghel.. Mas lumaki ang buwan.. Wala silang ibang narinig kundi ang tibok ng kanilang puso. Katahimikan ng magbitaw sila pareho.. napaiwas ng tingin si Aira.. Si Kaloy naman ay hinihintay lang ang sasabihin ng dalaga.. Napaisip sya.. Mali ang ginagawa nya.. nadala sya ng emosyon nya ..Pero bakit? ang alam nya ay si Mutya ang talagang mahal nya. Pilit nyang niloloko ang sarili na hindi si Mutya ang pinunta nya dito pero ang totoo si Mutya talaga.. At okay na sila ni Mutya.. Ilang araw pa at magkakabalikan na sila ng tuluyan.. Pero bakit iba ang sinasabi ng puso nya ngayon.. Lalo ng hinalikan nya si Aira.. Walang nagsasalita. .Si Kaloy na ang nagpasya na basagin ang katahimikan..

BARKADA [FULL BOOK]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon