Matagal hinintay ni Aira na lumabas si Kaloy sa kwarto.. At ng lumabas ang binata ay napahinto ito ng makitang nakatingin si Aira sa tanim na weeds ng binata.. Nilapitan nya ang dalaga.. Ngumiti ng pilit si Kaloy.. Alam nyang magagalit ito kaya inihanda na nya ang sarili sa sermon.
“Mahirap daw magpalaki ng ganyan” nagulat si Kaloy sa nasabi ni Aira.. Bakas sa mukha ng binata ang di pagkapaniwala sa narinig..
“Oo.. maselan sila” sagot ng binata..
“Naggaganyan ka pa ba” diretsang tanong ni Aira sa kanya.. Hindi sya tinititigan ng dalaga.. Napatahimik ang binata..
“Sa tinging mo?” balik tanong ni Kaloy.
“Di ko alam.. di naman ako magagalit. pero pag babawalan kita.. illegal kasi yan..pati yosi, dapat di ka na magyosi” sabi ng dalaga.. tumingin ito sa binata.. Katahimikan..
“Never ako tumikim nyan” sabi ni Kaloy.. Seryoso ang tinig nito dahilan para magkaron ng interes ang dalaga sa sasabihin nito.
“Ow?? totoo?” tanong nito..
“Oo… lahat ng napunta dito pag nakita ako na may ganyan iniisip na agad na nagamit ako nyan… pag nakita yung tattoo ko, adik na ko agad.. yung itsura ko… masakit man, pero huhusgahan tayo ng tao base sa panlabas nating anyo..” seryosong sagot ng binata..
“E bakit naman kasi nagtatabi ka ng ganyan” tanong ni Aira.. Tiningnan sya ni Kaloy at nagsalita..
“Para malaman ko kung sino ang hindi mang iiwan sakin sa oras na kailangan ko ng kasama” sagot ni Kaloy.. Ngumiti lang si Aira. Inilahad nito ang palad nito para malaman ng binata na di sya nito iiwan..
“Wag mo akong iiwan” bulong ni Aira.. Napatawa si Kaloy.
“Hindi mo pa lang ako sinasagot ganyan na agad naiisip mo”Biro nito.. sumimangot ang dalaga..
“Seryoso ako.. wag na wag mo akong iiwan kahit anong mangyari” ulit ng dalaga..
“Walang reason para iwan kita..” sagot ng binata.. Natahimik si Aira.. Nagtaka ang binata..
“O meron ba?” paniniyak nito..
“Wa-wala.. basta.. wag mo ako iiwan” sabi muli ng dalaga..
“Hinding hindi” sagot ni Kaloy.. Magkahawak kamay na lumabas ng bahay ng binata ang dalawa.. Tahimik lang si Aira na nakangiti.. Ibang iba ang kasiyahan nya ngayon. Sana hindi na matapos ang lahat. Sana nandito na lang sila sa bahay ni Kaloy.. Kung wala lang sana ang pinsan nya sa Hospital..Kahit sana maiwan na sya kay Kaloy..Kahit mag umpisa na sila ng sarili nilang buhay tutal ok naman na sya sa trabaho nya sa opisina.. At alam naman nyang kayang kaya mag sikap ng binata para sa kanya… Sana lang talaga ok na ang lahat.. Tahimik ang lahat sa loob ng Sasakyan ng dumating ang dalawa..
“Nag ano pa ata to sila” biro ni Tanya ng dumating ang dalawa. Nagblush naman agad si Aira..
“A-anong nag ano.. Wa-wala noh.. sineswerte ata sya” pagtanggi ni Aira.. Nagtilian ang lahat..
“Nagagatol gatol sya” sigaw ni Sam..
“Hin-hindi ..wala talaga” pagtanggi muli ng dalaga ng sobrang namula ang mukha.. Napangiti din sya sa kantyawan ng lahat..
“Kaloy” bulong nya sabay tapik sa binata para ipagtanggol sya..
“Quickie lang” sagot ni Kaloy na lalong kinatawa ng lahat..
“Putang ina kaya pala mga pagod ang hitsura” hirit ni Tanya..
“Ang kapal mo..wala lang ganong nangyari.. hindi totoo yan” natatawa pa si Aira habang tinatapik ang binata.. Sa likod ay tahimik lang si Mutya..Minasdan nya si Kaloy at Aira na nasa harap nila ni Dan.. Nakayakap ang dalaga sa binata at nakapikit ang mata tanda ng tulog ito.