Sabay na naglakad sila Mutya at Kaloy palabas ng bahay para harapin ang ilang kaibigan. Tahimik pa din ang dalawa sa nang yari.
"Nagselos ata si Aira" basag ni Mutya sa katahimikan.
"Huh? Nagselos?? bakit naman? May boypren yun noh" tila nag mamaang maangan pa ang binata pero ang totoo ay alam nyang nag selos nga si Aira.. Ni hindi nya matitigan ng diretso si Mutya sa pag sagot nya.
"Oo nga ..pero nakita mo naman di ba? umiyak sya.. hmmm alam kaya nya" tanong ni Mutya, tumigil itong maglakad at hinintay sumagot ang binatang kasabay. Ayaw nyang may maiwan na katanungan sa isip nya na ikasasanhi na naman ng di nya pagiging palagay sa sitwasyon nila ni Kaloy. Tumigil din ang binata ng maramdamanang tumigil si Mutya.. Hinintay nyang humakbang ang dalaga ngunit wala yata itong balak magtuloy hanggat di sya sumasagot.
"Alam na ano?" pag kukunwari ni Kaloy.. Sinumangutan lang sya ng dalaga..
"Alam na ano.. tayo..na may nang yari..kasi, kahit naman ako obvious na isipin ko na madadatnan ko yung iniwan kong dalawang mag ex na wala sa lugar na pinag iwanan ko sa kanila tapos makikita ko na galing kwarto at magkaholding hands pa" paliwanag nito. Napaisip si Kaloy.. Matalino si Aira at alam nyang alam ito ng dalaga..
"Siguro.. pero may boypren naman sya e. di na nya dapat isipin yun..saka huy..di ako type nun..grabe ka.. hamak na mas ok sakin si Ram.." sagot ni Kaloy.
"Hmmm ganun nga ba?' makahulugang tanong ni Mutya at nag umpisa ng maglakad ulit.. Lumakad na din ang binata para sabayan sya..
"Eh tayo.. ipapaalam ba natin?"Tanong ni Kaloy..
"Ano?? hindi ah.."Diretsang sagot ni Mutya
..Ni hindi ito lumingon oh huminto para pag usapan nila ang tanong ng binata.
"Gusto mo bang magka away talaga kayo ni Dan." sagot ni Mutya.. Napatahimik naman ang binata.. Napansin ito ng dalaga, ngumiti si Mutya.. Mukhang naintindihan nya ang naramdaman ni Kaloy.
"Di pa ako ready na manakit ng damdamin ng iba Kaloy.. kaya naman natin di ba? basta..in time.. aaminin din natin..for now.. kelangan natin magtago" paliwanag ni Mutya. Napaisip si Kaloy.. Tila hindi sya kuntento sa paliwanag ng dalaga..
"Hindi mo ako ipaglalaban?" tanong nya rito.. Napatigil ang dalaga sa paghakbang..
"Huh? ano ka ba.. tayo rin mahihirapan pag pinilit natin ito..Kaloy naman.." ika ni Mutya.. Di naman sumagot si Kaloy..
"Wag naman sarili mo lang isipin mo ngayon oh.. mahal kita.. at kung mahal mo ako.. sana maintindihan mo" dagdag pa ng dalaga. Ngumiti lang si Kaloy.. senyales na ok na sya
..Nginitian din sya ng dalaga at mabilis na binigyan ng halik..
"I love you" ika nito..
"I love you too" Sa isip ng binata'y kelan ba nya inisip ang sarili nya sa relasyon nila.. Kelan ba sya naging makasarili.. Oh well...mahal naman nya si Mutya ..siguro.. Napaisip muli sya .
"Bahala na" dalawang napaka makapangyarihang salita..Hindi nito nasasagot ang problema nya pero nagkakaron sya ng lakas para harapin ito.. Bahala na.. Oo Bahala na ang tadhana... Nang masilayan ang grupo ay naghiwalay na ang dalawa.. Sinalubong ng halik ni Dan si Mutya.. Hindi man malaman ni Kaloy pero tila ok na sa kanya na hinahalikan ng iba ang syota kuno nya.. ilang minuto lang ang nakalipas.. Nilibot nya ang mata.. Hinanap ang pakay.. Wala.. Wala si Aira.. Nasan kaya ito.. Sa gitna ng paghahanap ay naisip nya nag mag isa na sya ngayon.. Lahat ay may kani kanyang partner na.. Napapalibutan sya ngayon ng mga modernong malalandi na tila walang problema sa buhay.. Ang mga kaibigan nya na pinapahalagahan nya ng buong buhay nya ay may kani kanya ng buhay.. Ayaw man nya ng nararamdaman nya pero may kirot na gumuhit sa puso nya ng masagi sa isipan nyang mag isa na sya.. Minsan pa'y iwinaksi nya ang nararamdaman.. Nagawa ng mabuhay ng mga ito ng wala sya. Hindi na sya mag tataka kung isang araw ay hindi na sya maging ganun kaimportante sa kanila..