Pasipol sipol pang umuwi si Kaloy sa bahay ni Tanya..May ngiti sa labi nya na hindi napapawi buhat ng maghiwalay sila ni Ella..
Hinanap nya ang dalaga.. Wala ito sa labas..Wala ito sa bahay.. Napakunot noo ang binata..
"Asan kaya yun" tanong nya sa sarili..
Napasimangot pa sya ng makita sa gate na kadadating lang ni Tanya at kasama nito si Reggie.. Napailing si Kaloy. Naalala nya ang rebelasyon ng bakla kagabi. Inis sya dito pero kaibigan nya ito at wala syang magagawa kung ganun nga talaga ang nangyari.. Walang kasalanan ang bakla.
Sinalubong nya ang dalawa.. Agad napangiti si Tanya ng makita si Kaloy at maalala ang usapan..
"Ay bakla..parang bigla akong inantok..matulog na kaya ako..para maaga magising bukas" sabi ni Tanya kay Reggie..
"Ayyy grabe.. 5:30 Sis?? 5:30 pa lang" sagot ng bakla..
Napatawa naman si Tanya ngunit napahinto agad ng lapitan sila ni Kaloy..
"Reggie" tawag nito sa bakla..
Umirap pa kunwari ang bakla..
"Sorry sa inasal ko kagabi" sabi ni Kaloy...
"Nadala lang ako ng emosyon ko..di kasi ako makapaniwala ." sabi pa nito..
Di nag salita ang bakla.
"Hayaan mo ..mag fofocus na ko sa study ko.. saka .. kakalimutan ko na muna si Aira" sabi ni Kaloy... ngumiti ng pilit ang binata.
"Parehas lang tayong nagulat Kaloy.. kahit ako.di ko maisip na kayang gawin ni Aira sayo yun" sagot ni Reggie..
"Pero seryoso... kailangan talaga pansamantalang sarili muna ang isipin mo..masakit man..pero wala naman tayo magagawa ..ginusto nya yun" sabi pa ng bakla..
"Saka madami namang babae di ba?" ika ni Kaloy..
Nagtinginan si Reggie at Tanya..
"Oo naman..madaming babae... pero syempre..siguraduhin mo na sa tamang babae ka na ngayon mapupunta" seryosong sabi ni Tanya..
"Sakin" sabi pa nya sabay kumindat sa binata..
"Grabe.. maiteks nga si Clay" sabad ni Reggie..
"Hahaha kahit kelan talaga panira ka" sabi ni Tanya sa bakla..
Napangiti lang si Kaloy..
Naisip nya ...tamang babae naman siguro si Ella..
Gabi na ng magpaalam si Reggie para umuwi..
"Yung sabi ko ha.. behave na sa school.. at dito..wag na wag kang tatabing matulog sa malanding yon" ika ni Reggie kay Kaloy habang tinuturo si Tanya...
Pangiti ngiti lang ang binata..
"Sige na.. pag may time ka ipakilala mo kami sa babaeng nagbibigay inspirasyon sayo ngayon" sabi pa ng bakla..
Namutla naman ang mukha ni Kaloy..
"Grabe ..nag bublush ka?" tanong ng bakla
Agad umiwas si Kaloy para di sya makita ng bakla.
"Di noh...bat ako mag bublush"Pagtanggi ng binata.
"Naku Kaloy.. .dapat ipakilala mo sakin yang babaeng yan..kung sino man yan.. im sure very special yan" sabi ng bakla at tumalikod na para umalis..
Pagkaalis na pagkaalis ng bakla ay hinila na agad ni Tanya si Kaloy sa kwarto nya..
Hinalikan nya ng mapusok ang binata...