Book 2 Chapter 7-

1.9K 19 4
                                    

Maagang gumayak si Kaloy para pumasok.

Maganda ang naidulot ng maaga nyang pag tulog dahil sa pagod kahapon.. Naalala pa nya ang nangyari kagabi.. Muling kumirot ang puso nya pero tinalo ng ngiting pilit na ipininta nya sa labi nya ang sakit na iyon..

Kasalanan din nya.. Dapat hindi sya umasa..

Dapat hindi nya inasa sa isang araw.. ang maraming pangako nila ni Aira.

"Good morning" masayang bati nya kay Tanya.

Nagulat ang dalaga sa pagiging masigla ni Kaloy..

"Good morning .."Takang bati ni Tanya..

"Some changes ah" ika pa ng dalaga..

Walang imik ang binata..agad itong lumapit sa dalaga at siniil ito ng halik..

"Uhhhhmmpp" pinigilan ng dalaga na nagulat sa ginawa nya si Kaloy..

"A big change huh" sabi ulit ni Tanya.

Ngumiti lang si Kaloy.

"Tabi tayo matulog mamaya?" tanong ng binata sa kanya.. Napangiti si Tanya..

"Sige ba.. gusto mo wag na tayo pumasok e.." biro ng dalaga..

"Di pwede e.. tatapusin ko studies ko" sagot ng binata..

Napatulala si Tanya sa kinilos ni Kaloy.. ibang iba ito.. naisip nya ang nangyari kagabi.. siguro gawa ng nalaman nito..

"Hmmmm niloloko nya siguro sarili nya para pasayahin lang ito" sabi ni Tanya sa sarili..

Nagkibit balikat ang dalaga.. Kahit sya man ang gawan ng ganun ng kasintahan nya na pinangakuan sya ay siguradong gagawa at gagawa sya ng way para pasayahin ang sarili.

"Hatid mo na ko"Sabi ni Kaloy kay Tanya..

Ngumiti ang dalaga.. Inalis nya sa isip ang mga naglalaro dito.. Mamayang gabi ay tabi sila ng binata matutulog kaya gusto na nyang madaliin ang maghapon.

"Ingat ka jan. at saka ano.. mamaya ha..yung sabi mo" sabi ni Tanya kay Kaloy..

"Oo ..mag ready ka" kumindat pa ang binata sa dalaga..

"Damn..... naman e..pinapainit mo ako" sabi ng dalaga.

Tumawa lang si Kaloy..

"Quickie??" alok ng dalaga sa kanya..

"Nah... itabi mo yan para mamaya.. late na ako" sagot ng binata..

Nakasimangot na umalis si Tanya.. Sana ganito na lang palagi.. Mas ok pa na makita nyang nakangiti ang binata kesa nasasaktan ito..

Nilakad ng binata ang papunta ng room nila..

May ilang tinititigan sya.. Ilang grupo ng kalalakihan at ilang grupo ng kababaihan at kabaklaan..

"Tol" sigaw ni Bryan sa kanya..

"Ow?" bati ng binata.

"Wala..pasabay lang maglakad.. sikat ka na ah..narinig ko kahapon pinag uusapan ka ng mga 3rd year na babae.. pogi ka daw" sabi ni Bryan..

"Ows?? sino sa kanila?? pakilala mo ako" sagot ni Kaloy..

"Pakilala?"Nagulat si Bryan sa sagot ni Kaloy.. Sigurado kasi sya na di interesado ang binata sa babae dahil may girlfriend na ito pero iba ang sagot nito sa kanya ngayon.

"Oo .. ayaw mo ata" sagot ni Kaloy.

"Sige mamaya sa hapon.pero di ba may girlfriend ka sa Amerika" ika ni Bryan,

BARKADA [FULL BOOK]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon