Book 2 Chapter 4-

2.3K 19 3
                                    

"Congrats... hindi lang isang congrats... at bakit married na sya kay William" sunog sunod na tanong ni Kaloy kay Tanya at Reggie..

Tahimik lang ang dalawa..

"Kumusta 1st day mo" pang iiba ng bakla sa usapan..

"Ang sarap nitong niluto ni Yaya Mels.. tikman mo Kaloy oh" sabi naman ni Tanya..

Di kumibo si Kaloy..

"May tinatago ba kayo sakin?" tanong nito sa dalawa. Nagtaas ang boses ni Kaloy.

Natahimik ang dalawa..

"Ano?? ganito na ba ngayon?? bakit bawal kong checkin si Aira? bakit bawal kong kausapin si Aira.. bakit di kami pwedeng mag usap sa camera.. "Galit na galit ang binata.

"Kaloy ..mamaya na yan..nasa harap tayo ng pagkain" seryosong sabi ni Tanya..

"Punyeta.. boypren ako nung tao..pero parang itinatago nyo sya sakin ah.. ilang buwan na. ni hindi ko alam kung ano na nangyari sa kanya" sigaw ni Kaloy..

"Psst Kaloy tama na yan.. Hindi porke't pinagbibigyan ka namin palagi e pwede ka ng umasta ng ganyan" sumbat ni Reggie..

"Ano?? ako pa ang mali Reggie.. ah ..siguro sinusumbatan mo ako sa mga binibigay nyo sakin..." sabi ng binata..

Napailing ang bakla.

"Kaloy ...hindi ...ayaw lang namin na masyado mong isipin si Aira.. wala kaming alam.. wala kaming alam sa nangyayari sa kanya.. mag memessage sya tas mangungumusta lang .. wala kaming tinatago., please.. im sorry" sabi ng bakla..

"Nangako sya e.. nangako sya" sabi ng binata at unti unting umupo..

Naramdaman muli ng dalawa ang lungkot ng kaibigan...

"Kaloy... wag ka ngang ganyan ..hindi lang si Aira ang babae sa mundo" sabi ni Tanya.

"Sis" saway ng bakla sa dalaga..

"Pag kinulong mo ang sarili mo sa kanya...

Mahihirapan kang bumuo ng pangarap mo" sabi pa ng dalaga.

"Sis" saway ulit ni Reggie..

"Eh nakakainis na eh.. Parang bata.. pag nasaktan iiyak" sumbat ni Tanya at umalis sa harap ng mesa..

Napaisip si Kaloy sa sinabi ng kaibigan..

May tama ito.. ilang buwan na din nyang iniisip si Aira. Na hindi na nagparamdam sa kanya.. Ni hindi nya alam kung naiisip pa sya nito..

"Kain na Papa K.. concerned lang kami sayo.. believe me..wala kaming tinatago sayo.. parepareho tayong walang alam kay Aira" sabi ng bakla..

"Wag kang maniwala agad sa married na status sa Facebook..ako nga palaging iba iba ang married sakin" dagdag pa nito..

"Mas maganda..wag ka na lang mag FB..

Focus ka muna sa study mo.. kung kayo ni Aira..gagawa at gagawa ng paraan ang tadhana para sa nyo..may pangako ka sa kanya di ba? di mo matutupad yun kung mapepressure ka sa kaiisip" tila bata na pinagsasabihan si Kaloy..

Napaisip ang binata.. Siguro nga ay kailangan na din nyang mag isip muna ng kasalukuyan bago ang hinaharap..

Naalala nya si Ella.. Napangiti pa sya ng maisip ang sinabi ng dalaga kanina.. Tama ito.. pwede kang magkaroon ng maraming jowa sa Fb...Status lang yun.

Napangiti pa sya ng may maisip pero agad napawi ang ngiti nya ng maalala ang sinabi ni Aira..

"Maybe the universe will bring us back together again"

BARKADA [FULL BOOK]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon