Book 2 Chapter 17-

1.5K 15 3
                                    

Matamlay ang binata sa eskwela ng lapitan sya ni Jonas..

Wala sa isip nya ang pinag aaralan nila..

Gusto nyang madaliin ang oras para makauwi na dumapa na lang maghapon sa kama.. Wala syang sapat na tulog dahil maaga syang umuwi sa kanila para mag gayak.. Kaagad din syang bumalik para sunduin si Ella. Ni hindi sya nagpakita kay Tanya.. Sobrang wala sya sa sarili.. .Hindi sya mapalagay lalo kapag naiisip na nasa

Pilipinas lang si Aira at di nya alam kung hanggang kailan ito magtatagal ng Pilipinas..

"Uyyy Kuya? ano? parang problemado ka ah" tanong ni Jonas... Kanina pa pala salita ng salita ang binata at di lang sya naintindihan ni Kaloy..

Hindi sumagot si Kaloy..

"Susunod sana kami kagabi sa nyo.. kaya lang naisip ko na solo namin ni Leslie yung bahay kagabi.. "Sabi ni Jonas..

"Mukhang kayo din ni Ate nag solohan kagabi ah.. gabing gabi na kayo umuwi..kakahatid ko lang kay Leslie nun.. buti na lang naihatid ko sya ..pag nalaman ni

Ate na pinasok ko yun sa kwarto ko.lagot ako" dire diretso si Jonas pero tila walang naririnig si Kaloy..

"Uyyy wag mong sasabihin kay Ate ha" sabi pa ng binata..

Naramdaman naman ni Jonas na parang wala sa sarili ang binata kaya nagpaalam na sya rito para bumalik sa upuan nya..

"Pwede mo akong kausapin tungkol jan Kuya" ngiti lang ni Kaloy sa binata..

Tiningnan lang sya ni Kaloy..wala pa din itong kibo..

Hapon.. Magkasabay umuwi si Ella at Kaloy..

Pinipilit pasiglahin ni Kaloy ang sarili kapag kaharap si Ella .. Ayaw nyang magkaroon ito ng dahilan para masaktan o mapansin man lang na problemado sya...

Yumakap ang dalaga sa braso ng binata..

"Kumusta araw mo" tanong ni Ella..

"Puyat" sagot ng binata at tumawa.

Nakitawa si Ella.

"Tapos gusto mo pang humirit kagabi ng ano... grabe ka" sabi ng binata at namutla ang dalaga sa narinig..

"Sus ..tinanggihan mo na naman ako kagabi... last na yun.. never na ako mang aakit sayo" ika ng dalaga at kunwari nagtampo..

"Eh ano yang ginagawa mo" ngisi ni Kaloy..

Nagtaka ang dalaga sa narinig..

"Alin?"

Ngumuso ang binata sa dumidikit na suso ng dalaga sa braso nya ..nag blush sya muli at mabilis na binitawan ang braso ng binata.

"Grabe ka ..ang manyak manyak mo.. pati pala pagyakap ko sa braso mo ha" ika ng dalaga at napangiti sa naisip..

"So.. naaakit ka pala kapag ganito" sabi nya at niyakap ulit ang braso ng binata sabay sunod sunod na binunggo ng suso nya ang braso nito..

Napatawa si Kaloy..

"Para kang tanga" marahas nyang sabi kay Ella.

"Sino kaya?? ikaw tong pervert dyan e.. boobs lang namamanyak na" tawa ni Ella.

"Aba sino kayang nang akit kagabi ha?" ngisi ni Kaloy at tumawa pa ng malakas para asarin ang dalaga..

Tagumpay naman dahil naasar nga si Ella..

"Last na talaga yun kala mo..at saka walang kiss ngayon..bukas... for 3 weeks.." simangot ng napikon na dalaga..

Lalong napatawa si Kaloy sa inasal nito.. pansamantalang nakalimutan nya si Aira. napaka ganda talaga ng pagdating ni Ella sa buhay nya. Lahat kaya nyang iisantabi kapag kasama ang dalaga..

BARKADA [FULL BOOK]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon