Chapter 24-

2.5K 18 0
                                    

May Forever?? Either Forever kang maghihintay o Forever kang masasaktan.. Tahimik ang lahat sa kwarto na kinaroroonan ng binata. .May sandali na nag sasalita mag isa si Kaloy habang tulog.. Ilang minuto pa ..Dumating sa kwarto nila si Aira.

“Sis..” bati ni Tanya..

“Kumusta na sya?” tanong ni Aira sa kanila.

“Kanina ka pa hinahanap ..grabe ang tama nya sayo” sagot ni Dan.

“Aira.. baka mamaya sundan ka nung Kano.. di na ko papayag na pumunta yun dito.. di ko nagustuhan yung huli nyang sinabi sayo”Sabi ni Kris.

“Oo at di na kami papayag na di sya lalabanan ni Kaloy..”Sagot ni Clay..

“Wala ka man lang ginawa Sis.. nakaka hurt naman” biro ni Reggie.. Biro na may dalang sakit kay Aira.. Ngumiti lang ang dalaga.. Wala syang maintindihan sa mga sinasabi ng kaibigan.. Ang mahalaga lang sa kanya ay ang binatang nakahiga ngayon at tahimik na nagpapahinga sa kama. Umupo sya sa tabi ng mga kaibigan..

“Anong balak mo” tanong ni Sam sa kanya. Nakatulala lang ang dalaga..

“Uuwi sila mama this week.. then by next next week sabay sabay na kami pupunta dun” seryosong sagot ni Aira..

“Ouch” napahawak pa sa dibdib si Reggie sa narinig..

“So isang araw lang talaga Sis?” tanong ni Mutya..

“Wala pa .. Hours pa lang ata ang lumipas nung magkasama kami” pagtatama ni Aira.. Natahimik ang lahat…

“Ang tagal kong hinintay na dumating yung gusto ko na sana magkaroon kami ng chance, kaso ang bilis din naman dumating ng ayaw ko na malaman nya ang totoo” sabi ni Aira.. Walang nag salita.. Nakinig lang sila sa dalaga..

“Hindi makatanggi si Papa sa boss nya.. Ilang ulit na ko nakipag usap sa kanya na ayaw ko.. Sabi ko di ko mahal yung Kano..” sabi pa ng dalaga..

“Eh bakit? bat pinipilit ka pa din?” tanong ng bakla.

“Malaki daw utang na loob ni Papa sa boss nya..pag aralan ko na lang daw mahalin yung Kano.saka para sakin din daw yun..” sagot ni Aira.

“Eh ano sabi mo?” tanong ni Sam..

“Ayun..sabi ko ..Pano nila malalaman yung tama para sakin e palagi silang wala sa tabi ko.. si Mama, alam ko ayaw nya ..kaya lang wala din syang magawa” si Aira.

“So itutuloy mo?” tanong ni Tanya.. Napahinto si Aira.. Nag isip.. Matagal ang katahimikan..

“Di ko alam” sagot nya.. Katahimikan..

“11 na pala.. may mga pasok pa tayo bukas.” hirit ng bakla..

“Sige na una na kayo.. ako na bahala dito” sagot ni Aira..

“Aba dapat lang ah.. bumawi ka” sabi ni Mutya sa dalaga..

“Kaw na bahala dyan Sis.. tawag ka lang sakin pag may kailangan ka” sabi ni Tanya. Unti unting nawala ang mga kaibigan nya..

“Aira… kaw na bahala jan..mahal na mahal ka nyang kaibigan natin” sabi ni Kris sa dalaga bago umalis.. Tumango lang si Aira.. Sa pag alis ng lahat ay malayang natitigan ni Aira si Kaloy.. Payapa ang binata. . Nagulo na naman ang buhok.. Agad nyang nilapitan ito para ayusin ang buhok ng binata.. Lumapit si Aira sa kama ng binata. Dahan dahang humiga sa tabi nito at niyakap ang pinakamamahal..

“Im sorry.. sorry sa lahat lahat. Alam mo naman na mahal na mahal kita di ba. Sana di ka magsawa.. Sana makapag hintay ka ..di naman ako mawawala sayo e. Hinding hindi ako mawawala sayo” bulong ng dalaga sa binata.. Tumulo ang luha nya.. Maya maya’y agad nyang hinalikan sa labi ang binata, tulog na tulog ito ata wala ni konting reaksyon. Ngunit ramdam na ramdam nya ang hatid na emosyon ng halik na yun. Muli nyang niyakap ang binata.. Mahigpit na mahigpit.. Ayaw nyang pakawalan ito ..Ayaw nyang mawala ito.. Kahit isang gabi lang

BARKADA [FULL BOOK]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon