Book 2 Chapter 3-

2K 20 8
                                    

Nagulat si Kaloy.. Mabilis ang takbo ng puso nya.. Halo halo ang emosyon..

Kinakabahan..Natatakot.. Nahihiya..

Seryoso?? Nahihiya sya? Bakit sya mahihiya e hindi naman sya kilala ng dalaga.. Di din nya ito kilala...

Tiningnan nya ang dalaga..Saglit ay nakaisip sya.. Dahil nakita nyang tila nang gigigil ito sa galit sa kanya ay naisip nya na lalong asarin ang babae..

"Hi Ate Ella.." ngiting aso ng binata..

Nanlaki ang mata ni Ella.. Tapos napangiwi.

Hindi sya makapaniwala sa narinig.. Kanina lang nya ito nakita tapos..

"Bakit nandito ka?? At Bakit mo ako kilala" tanong ng dalaga.. Tumayo pa ito at nilagay ang dalawang kamay sa bewang.. Hinintay na sumagot ang binata..

"Hala ..grabe.. ikaw ang huling dumating dito ah.. nauna ako dito sayo noh, baka ikaw sumunod sakin... kita mong katatapos ko lang mag ano..mag..." binasa ni Kaloy ang

Computer sa harap nya..

"Facebook" sabi nito at nginitian muli ang dalaga..

"Hoy...kapaaal mo ..at bakit kita susundan.." tanong ng dalaga..Sa sobrang galit nito ay umakyat ang lahat ng dugo nya sa mukha..

Napangiti si Kaloy.. lalong gumanda ang dalaga..

"Bakit mo alam ang pangalan ko" tanong ng dalaga sa kanya..

'hmmm.. ako pa" natatawang sagot ni kaloy at buong pagmamayabang na nagkibit balikat..

Sumimangot si Ella. Pero mayamaya'y napangiti..

"Alam ko na..iba talaga kapag maganda ka.. ok ..di kita masisisi" malanding tumawa ito..

Ang binata naman ang sumimangot..

"Hoy.. maraming daw nag kakacrush sayo sa school kaya kita kilala..grabe neto.." ika ni Kaloy sa kanya at umirap..

"Sus .. para paraan..isa ka din siguro sa kanila" biro ni Ella sa kanya..

Napatawa ng malakas si Kaloy..Yung tawang nakaka insulto..

"Bakit?" tanong ng dalaga..

"Eto" pinakita ng binata ang tattoo sa daliri nito..

"Aira" binasa ito ng dalaga..

"Ano yan?" tanong nito..

"Pangalan ng girlfriend ko.." sabi ni Kaloy.

"Mas maganda sa kin?" nakangiting tanong ni Ella.

Napaisip si Kaloy. May naisip sya para makita nya si Aira sa facebook ng hindi nag bubukas ng account..dahil wala naman syang account..

"5, 6, 7 .8" nag bilang si Ella.

"Tingnan mo picture nya sa computer" sabi ni Kaloy..

"8.. 8 seconds bago ka sumagot... inisip mo pa siguro kung sino mas maganda samin at di mo matanggap na mas maganda ako sa kanya kaya inabot ka ng 8 seconds bago sumagot" biro ng dalaga na tumatawa na ngayon..

Kung kanina'y mistulang magkaaway sila

..Ngayo'y nag ngingitian na ang dalawa..

Ang gaan gaan naman kasing kausap ni Kaloy..at ganun din ang dalaga..

"Tara na Sis..Ok na sya jan" sabi ni Lea kay Jen..

Ngumiti pa ang dalawa ng makitang ok na si Kaloy at Ella.

"Hoy.. walang wala ka sa ganda nun noh.." sagot ni Kaloy na hindi makatingin sa dalaga dahil may parte ng isip nya na naisip na mas maganda nga ito ng ilang paligo sa girlfriend nya..

BARKADA [FULL BOOK]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon