Pinupunasan ni Tanya ang dumugong sugat sa bibig ni Kaloy.. Lahat ay tahimik lang na tinitingnan ang binata.. Lasing na lasing din ito.. Pinagtimpla sya ni Mutya ng matapang na kape para pansamantalang mamunawan..
“Bumangon ka na muna.. inumin mo yung kape” utos ni Mutya sa binatang umiiyak pa din.. Mistulang batang inagawan ng laruan.. Hindi tumitigil..Walang pinapakinggan.
“Bakit nagkaganyan yan? ganyan ba yan sayo dati?” tanong ni Kris kay Mutya.
“Hindi.. there’s only one word to describe Kaloy ung boypren ko sya” sagot ni Mutya..
“Ano ?” tanong nila..
“Inertia” tipid na sagot ni Mutya..
“So meaning tinamaan talaga sya kay Aira?” tanong muli ni Tanya.. Pinupunas nito ang mukha ng binata..
“Siguro.. pero as in ? isang araw pa lang sila nagkasama ng lubos ah” sabi ng bakla..
“Ang gulo ng buhay ni Aira noh?” singit ni Sam..
“Oo sobra… wala kasi kayong alam kasi ang dadaldal nyo kaya sakin sya madalas mag share.. madrama at makulay ang buhay nyan..” sagot ng bakla.
*Flashback..
“Asan na ba si Samuel.. late na naman sya.. wala na naman tayo matatapos nito” tanong ng 15 taong bakla na si Reggie.. Nasa bahay sila ngayon nila Tanya at kasalukuyang nasa kalagitnaan ng pag gawa ng project nila na Christmas Tree.
“Ito yung design oh, yung mga lalaki na lang gagawa nyan.. kami na lang bahala sa mga abubot saka sa ilaw” sabi ni Aira ang leader ng grupo.
“Yung mga lalaki?? isa lang lalaki dito.. si Kris.” biro ni Reggie..
“Nasan na din ba si Kaloy” tanong ni Aira..
“Baka kasama na naman si Mutya, nag dadate” pang aasar ni Tanya.
“Nakakainis palagi na lang mga wala kapag gawaan ng project tapos mga mag tatampo pag di mo sinama sa list ng gumawa..wala na halos mga maitulong” inis na si Aira.
“Puso mo…. isa lang yan..ingatan mo
..mamaya ma stroke ka.. e di namatay ka pa ng di nagkaka jowa” biro ng bakla.
“Sus.. nag seselos lang ata yan kasi di na sya pinapansin ni Kaloy simula nung naging jowa nun si Mutya” biro din ni Tanya..
“Bakit crush ba ni Aira si Kaloy?” singit ni Kris..
“Oo siguro.. napaka mainitin ng ulo e ..lalo pagdating kay Kaloy.” sagot ni Tanya.. nag blush si Aira at agad din nyang tinago.
“Crush crush..kaya kayo bumabagsak sa exam gawa nyang crush crush na yan” sagot ni Aira.
“Araaaay” sabi ni Tanya at nagtawanan lahat..
“Ano na?” sigaw ng binata naka sabog ang buhok..
“Uy Kaloy.. bakit ngayon lang kayo. hinihintay kayo ni Aira.. nagagalit na” sabi ni Tanya.
“Ayyyy sori.. eto kasi e.. sabing mamaya na lang kami mag date e” sagot ni Mutya habang sinisiko si Kaloy..
“Naaaks…. padate date na lang ah..sana magka girlfriend na din ako” hirit ni Kris.
“Si Sam wala pa” sabi ng seryosong si Aira.
“Tara Kaloy…dun na tayo.. eto daw gagawin natin sabi ni Senyorita Aira” biro ni Kris at nagtawanan ang dalawa..
“Araaaay” sigaw ng binata ng tamaan bigla ng lumilipad na ballpen..