Book 2 Chapter 11-

1.8K 21 7
                                    

Maagang gumising si Ella, alam nya kasi na nasa kwarto nya ang binata at may pasok pa ngayon. Tiningnan nya ang cellphone nya..

May isang mensahe.. Binasa nya ito at napakunot noo sa nabasa..Nireplyan nya ito at agad isinilid sa bag ang cellphone. Baka kasi kunin na naman sa kanya to ng binata at lowbat.. Tiningnan nya ang mahimbing na binata.. Lumabas sya saglit para kumuha ng almusal nila..

Nagtataka pa ang yaya ni Ella ng kumuha ito ng napakaraming pagkain at sa kwarto pa ito mag aalmusal..

"Masisira kaseksihan mo nyan Maam Ella" sigaw nito sa kanya.

"Ok lang po" natatawang sigaw ng dalaga..

Pagbalik sa kwarto ay nakita nyang tulog pa din ang binata.. Napangiti sya at unti unting nilapag ang pagkain sa maliit na mesa nya sa kwarto.. Dahan dahan syang sumampa ng kama.. Nilapitan ang binata at agad siniil ng halik ito..

"Uhmmmmmpp" nagising si Kaloy at nagulat ng pagmulat nya ay nasa harap nya ang nakapikit na dalaga at nagpapakasawa sa paghalik sa kanya..

Hindi naman namalayan ng dalaga na nagising si Kaloy dahil nakapikit sya, naramdaman na lang nya na sinagot na ng binata ang halik nya.. Minulat nya ang mata at nakitang gising na ang binata.. Agad syang bumitaw ngunit hinila sya ng binata padapa sa kanya dahilan para pumatong sya dito.

Nagbitaw sila ng labi at nag titigan..

Kinindatan ni Kaloy si Ella at binulungan ang dalaga..

"Exercise tayo" saka tumawa..

"Hoy ..may pasok tayo noh.." irap ng dalaga.

"Kagabi tinanggihan mo ako tapos ngayong gahol tayo sa oras saka ka hihirit." tumawa din ang dalaga..

"Biro lang ..asa naman to" ika ng binata at hinalikan muli si Ella.

Maya maya'y kinuha ni Kaloy ang kamay ng dalaga at tila may hinanap sa mga daliri nito..

Huminga ng malalim ang binata.

"Haaay akala ko nawala mo na" sabi nya..

Tumawa ng malakas si Ella dahil akala nya'y kung ano na ang gagawin ng binata..

"Gago talaga to.. " sabi nito at napayakap kay Kaloy..

"Pag magkasama na siguro tayo baka di ka na ganito..baka sa una ka lang mabait sakin..baka sa huli e saktan mo na din ako" panlalambing ng dalaga.

"Introboyz?" ika ni Kaloy

"Introboys??" tanong ng dalaga sa kanya..

"Introboys ..sila yung mga lalaki na sa una lang magaling... sa una lang" sagot ni Kaloy at tumawa..

Ngumiti lang si Ella..

"Dami mong alam..siguro introboys ka din noh" sabi nito..

"Ako? oo ah. .intro boys ako..pero consistent ako noh..hanggang huli .. " ngiti ng binata.

Tiningnan lang sya ni Ella at napaisip..

"Hindi ako capable para saktan ang katulad mo" sabi pa ng binata na nagpakilig kay Ella..

"Kain na tayo..aga aga mong mambola" sabi ng dalaga..

"Pataaaay" sabi ng dalaga habang nag aalmusal sila..

"Ano?" tanong ni Kaloy..

"Tsk.. nasa labas ang bathroom e.. baka mahalata nila Yaya na dalawang beses ako maliligo.. pag maliligo ka na" sabi ng dalaga..

Napangisi si Kaloy at may naisip.

"Ok lang yan...e di sabay tayo maligo" sabi ng binata at kumindat ulit kay Ella.

BARKADA [FULL BOOK]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon